Vision 5: More than ordinary day....

45 2 2
                                    

Vision 5: More than ordinary day….

“UI! Girl! Totoo ba?!”

“Oo! Grabe! Nandito na siya!!!! Iiiieeeeee!!!”

“Yay! Talaga?! Nandito na siya?!”

“OMG! Patingin! Tabi! Dali!”

“Teka! Ano ba?! Wag ka ngang manulak! Freak!”

“Che! Shut up! Anong tingin mo sa sarili mo?! Hindi freak?! Mangarap ka ng dilat!”

“Kyaa!!! Siyang-siya parin!”

“Tama! Walang pinagbago!! Wahh!! Nakakatuwa naman!”

“Hehe oo nga! Buti naman at bumalik na siya!”

“Yieeee! My Inspiration!”

“Teka nga! Ako nauna sa pwesto na to!”

“Anong ikaw?! Pwede ba?!”

Naririnig kong sigawan nung mga, ehem! Nung mga babaeng, ehem! Teka hindi ko masabi. Ano ba dapat itawag sa kanila? Ano ba yung word na yun? Pssh.. never mind. Basta yun sila.

Ang iingay! Sa corridor pa nag-kumpulan at nag-sisisigaw. Hindi na mga nahiya, tiyak pag nakita sila ni Ms.Marcelo Violation Report agad ibibigay sa kanila. Kitang-kita naman kasi sa nakapaskil, hindi ba nila maintindihan yun o kaylangan pang itagalog na ‘Bawal umistambay at bawal mag-ingay’.

Napailing nalang ako, mga mayayaman kasi kaya hindi marunong sumunod sa mga rules.

Pag-pasok na pag-pasok ko sa room. Naabutan kong nag-uusap silang lahat at nung makita nila ako, agad silang bumalik sa mga upuan nila. Mga masasama ang tingin sa akin.

“Wag kang mag-yabang ngayon na porket pinagtanggol ka lang nung kaybigan mo nung isang araw, huh. Hindi pa tayo tapos, humanda ka samin.” Pag-babanta sakin ni Leyla na kaming dalawa lang nakakarinig ng mapadaan siya sa harapan ko. Sabay tunggo pa sa balikat ko.

Naupo nalang ako sa upuan ko, pero honestly kinilabutan ako sa sinabi ni Leyla na ‘humanda ka samin’. Wala pa naman dito si Rain. Oo isang araw palang kami nag-kakasama pero I feel safe when he’s around.

Maya-maya pa’y dumating na si Sir Marlon and we immediately start the discussions.

Katulad lang din kahapon, mga masama ang tingin nila sa akin at iniiwasan ako. Pero ngayon nag-paparinig na sila. Buntong hininga nalang ang naigaganti ko.

Lagi akong napapasilip sa upuan ni Rain. Bakante, walang buhay. Parang kulang yun upuan na iyon pag wala siya. Saan kaya nagpunta yun?

Hindi ko maintindihan mga dinadakdak ni Sir, ang nasa isip ko lang ngayon ay kung saan nag-punta yung Rain na yun.

“Pauline! Are you listening?!” tawag sakin ni Sir. Dahil sa gulat ko natabig ko yung ballpen ko.

Masasalo ko na dapat kaso laking gulat ko ng tumigil ito mula sa pag-bagsak kasabay nuon ang pag-palit ng kulay ng paligid!

Parang nuong isang gabi lang na kasama ko si Rain sa kwarto ko at may ginawa siyang kung anong salamangka!

Kulay dark blue ang paligid. Dahan-dahan akong umupo ng maayos at nilingon ang lahat. Lahat sila nakahinto , ang iba’y nakatingin sa akin at ang iba’y kay Sir. Tiningnan ko yung wall clock namin, nakahinto na parang naubusan ng baterya.  Tumingin ako sa labas ng bintana, lahat din ng tao sa baba’y nakahinto. Maging ang mga ibon na padapo palang sa puno.

Ano ba ‘tong nangyayari?

“hihi talaga?! Sige ba! Sa dating tagpuan parin ha!”

Napalingon ako sa kanang bahagi ng room ng marinig ko ang isang boses ng babae na nag-sabi nun.

"THE VISIONS"(SAVING THE WORLD WITH YOU) ON HOLDWhere stories live. Discover now