Vision 7: Alpha

49 2 1
                                    

Vision 7: Alpha

Filia’s POV

*Tling!*  *Tling!* *Tling!*

Ikinaskas ko yung dulo ng chain ko sa rehas ng kulungan.

“Wake up. Sweetie…. Wakey, Wakey.” malambing kong sabi.

Hinawakan ko gamit ng dalawang kamay ko yung dalawang bakal ng rehas at sinilip siyang nakaluhod sa sahig habang yung dalawa niyang kamay ay naka sholder level habang nakatali pareho ng kadena.

Hindi parin siya kumikibo.

Tsss… naiinis na ako.

“O sige. Ayos ng ganyan ka, para pag-gising mo bangkay mo nalang makikita ang pinakamamahal mong bagong Xeles.” Then I grinned.

Bigla siyang napaangat ng tingin sa akin at nanlilisik ang mga mata.

Huh! O diba?! He really cares for that stupid girl. What a pathetic. At dahil diyan mas lalo ko pang gustong patayin yung babaeng yun.

Her head is mine. >:}

Tinanggal ko yung pag-kakahawak ko sa rehas at tumayo ng maayos.

“oooohhh, I’m scared.” Umarte pa ako na natatakot sa tingin niya.

“Itigil mo na ito Filia hanggat maaga pa.” banta niya sa akin.

Ikinalawit ko yung kanang kamay ko sa bewang ko at mataray siyang tiningnan.

“Nag-papatawa ka ba?! Why would I do that? Alam mo, hindi na sana hahantong sa ganito kung nag-papigil ka lang sa akin nuong una palang. Saka, I’m having fun here Yro. Hahahahahahaha [Evil laugh]” agad din akong tumigil sa pag-tawa at tiningnan siya.

Lumapit ako ulit sa rehas at tumalungko. Kinuha ko yung piraso ng papel sa damit na suot ko at binasa yung nakasulat duon.

“Hindi kita makakausap muna ngayon. May inaasikaso kasi akong importante. Pakiusap wag mo ilalagay ang sarili mo sa kapahamakan. Malayo ako ngayon sayo kaya hindi kita maililigtas kung sakali mang may mangyari sayo.Binibigay ko nga pala ‘tong rosas sayo. Nakita ko iyang nag-iisa sa isang kabundukan. Naalala kita, kaya kinuha ko at dinala dito. Sana alagaan mo. Mag-iingat ka. Sa susunod na araw pa ako makakabalik.

Ps. Hindi Rain ang pangalan ko. Blah blah blah…” tiningnan ko siya ng masama sabay lamukos sa papel nagpalabas ako ng apoy sa kamay ko kaya nasunog yung papel at naging abo.

“you know what? I hate you! Both of you of that fucking girl! Pero buti narin at nag-padala ka ng sulat, para naman hindi siya agad ma-attach sayo at malungkot sakaling tapusin ko ang buhay mo.” Tumayo ako at inayos yung cape ko.

“Pero bago yun, yung Xeles mo muna ang uunahin ko. Ano ba feeling ng nakikita mong pinatay sa harap mo ang taong mahalaga sayo? Pssh.. malamang hindi ko alam dahil wala akong pakielam!” naiinis ako.

Naiinis ako dahil mas pinapahalagahan pa niya yung lintek na batang yun!

Ako! Ako dapat ang nakakaranas ng pag-aalaga, pag-aalala at pag-mamahal ni Yro. Pero yung Maurine na yun at ngayon yung anak niya. Arrrrrgghhhhh! Papatayin ko talaga yang walang kwenta niyang anak!

Pareho silang hadlang ng anak niya sa mga plano kong gawin!

Napatingin ako sa kaliwang braso ko.

Kumakalat na ang marka ko sa kalahati ng katawan ko, ibig sabihin nun binibigyan ako ng kapangyarihan ng crownhead. Pakiramdam ko mas lumakas na ako ng isang libong porsyento at nahigitan ko na ang lakas na taglay ni Yro.

"THE VISIONS"(SAVING THE WORLD WITH YOU) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon