Vision 6: Her Agony and His Promise

52 2 2
                                    

Vision 6: Her Agony and His Promise

Someone’s POV

“Look who’s here.”  Nakangiti kong sabi at umayos ako ng pag-kakaupo. Isinandal ko ang likod ko sa aking upuan at ipinatong ang aking mga bisig sa armrest ng upuan.

“Any improvements?” pagtatanong ko sa lalaking kakapasok palang ng aking tinuturing na opisina.

“Wala pa naman…… sa ngayon.” Sagot nito sabay upo sa isa sa mga upuan sa harap ng lamesa ko para sa mga bisita.

“Hmmmm.. how about-“ hindi ko pa naman natatapos ang sasabihin ko’y sinagot na niya agad ito.

“Negative.” Diretso niyang sagot.

“Eh, yung Treasure? Is it safe?” I asked.

“Oo, the treasure is safe and sound. Kaya wala ka dapat ipag-alala.” Proud nitong sabi.

“Kamusta ang mundo ng mga tao? Gaya parin ba ng dati?” pag-uusisa kong muli.

“Magulo. Magulong-magulo. Madaming nag-papatayan at naninira ng kapwa. Kung bumalik lang siguro ako ng mas-maaga, marahil…….. gaya parin yun ng dati ng nabubuhay pa ang naunang treasure. Hindi ko sana pinabayaan ang kabiyak ng aking pag-katao at ng aking puso. Maging ako ay naapektuhan.” Pag-dedetalye niya habang nakatitig sa vase na nasa sulok ng silid. Nararamdaman kong gagamitin niya ang kapangyarihan niya  at itutuon yun duon.

“Wag yang vase, yung chandelier nalang. Nandyan ang alala ng treasure baka nakakalimutan mo. Hindi matibay ang seal na ginawa mo, tumatagos parin ang malakas na kapangyarihan ng kambal tuko mong yun. Kaya bantayan mo siyang maigi, unti-unti na siyang nakakaalala. Hindi pa ngayon ang tamang oras.” Pag-uutos ko dito.

Nakakamangha lang dahil higit na mas malakas ang kanyang isang bahagi kesa sa kanya. Pero, gaano kaya kalakas kung magsasanib sila?

Ipinatong ko sa ibabaw ng aking lamesa ang aking mga siko at pinagdaop ko ang aking mga palad at ipinatong duon ang aking baba. Maigi ko siyang pinagkatitigan.

“I sensed someone used the Ciaval, was it you?” Tinitigan ko siyang maigi at inaantay na masilayan ang kanyang mga mala diyamanteng asul na mga mata.

Hinarap niya ako at tiningnan sa mata gaya ng inaasahan.

“No. I thought it was you?” kunot noo nitong sabi sakin.

Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mga mata, nang mabigo akong makita ang nais kong makita inalis ko ang pagkakapatong ng aking siko sa lamesa at napasandal akong muli sa aking kinauupuan.

“Alam mo kung gaano ko iniiwasang gumamit ng Ciaval. Ayoko ng maulit pa ang nangyari sa nakaraan na laban.” Iniikot ko ang sarili ko kasabay ng upuan ko patalikod sa kanya.

“Yun, lang ba ang ipinunta mo dito? Kung wala ka nang balak pang ireport sa akin, Maari ka nang umalis.” Pag-uutos ko muli dito habang tinitingnan ang iba’t ibang cloud circles na pinamumunuan ko.

“Nakatagpo ako ng dalawang warrior angels na nakatakas mula sa malaking delubyo na dapat pati sila ay nakaranas. Mabuti nalang at matibay ang pagbabalat kayo kong ginawa at hindi nila naramdaman ang presensya ko ang akala nila’y isang ordinaryong tao lang ako. Ang hindi nila alam nag-papanggap lang din ako gaya nila. Kaso masyado lang silang halata Hahahaha! At sia nga pala…..” tahimik ko lang pinakikinggan ang kanyang ulat ng pinutol niya.

“Ano iyon?” pag-tatanong ko.

Matagal muna siyang nanahimik at ako’y tahimik lang ding nag-aantay ng kanyang gusto pang sabihin. Nasisigurado kong, napakaimportante nuon.

"THE VISIONS"(SAVING THE WORLD WITH YOU) ON HOLDWhere stories live. Discover now