Vision 2: Dream or Reality? 2.1

73 3 5
                                    

Dedicated to JohnCarloHarata.

I like his story "Unstoppable Love". Sana nga lang i-update na niya 'cause i can't wait anymore. hihi ^__^ kaya ud na po Mr.Author.  ^___^

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vision 2: Dream or Reality? 2.1

Lakad….

Lakad….

Lakad….

Nakakainis naiwan ako ng school bus. Napahimbing kasi tulog ko ii. Eh, hindi naman ako ganito. Ang aga ko ngang nagigising eh. Pero ngayon, eto walking alone at medyo pagod na.

Iniisip ko lang kung totoo ba yung kagabi? Para kasing totoo.

/FLASHBACK/

“Sino ka?” tanong ko.

Hindi siya sumagot. Bumaba siya sa harapan ko pero nakalutang parin yung mga paa niya mula sa sahig ng veranda ko. Cool!

Ang puti at ang kinis ng mga braso niya. Even his face, so calm and mysterious. Brown hair, the perfect partner for his gray eyes. Gray eyes? Parang hindi naman ata common yung ganung eye color? Weird.

Yumuko ako to stare at his feet that was floating. Ang galing, pano niya nagawa yun?

Pag-angat ko muli ng ulo ko, may kinuha siya mula sa likod niya.

Isang black feather gaya ng natatanggap ko kasama nung mga regalo at sulat.

Itinapat niya ito sa harap ng mukha ko at hinipan. Naglabas ng color blue na dust yung black feather. Ang ganda! ^___^ but then suddenly. I feel dizzy, and then everything went black.

/END OF FLASHBACK/

Hanggang duon lang ang naalala ko.

Tsss. Pauline, para namang totoong may taong ibon. Wake up! Panaginip ko nanaman siguro yun.

“Wait!” sigaw ko sabay takbo ng mabilis papasok ng campus. Isasara na kasi yung gate.

Whew! Buti nakaabot ako, kundi hindi na ako makakapasok.

Agad akong dumiretso sa 4th floor at heto inhale exhale muna. Dahil sigurado pagpasok ko sila Leyla ang bubungad sa akin.

Dahan-dahan kong ini-slide yung pinto ng room namin. Napatigil sila sa mga ginagawa nila at napatingin lahat sa akin. Isinara ko kaagad yung pinto pagpasok. Kaso pagkasarado ko at pagtalikod ko as expected, si Leyla nanaman nakapamewang at masama ang tingin sa akin.

“Bakit umuwi ka kaagad kahapon?! Alam mo bang napagalitan kami dahil hindi kami nakapaglinis?!” sermon sa akin ni Leyla.

“Oo nga! Hindi ba trabaho mo yun?!” si Johana lumapit din sa akin at naka cross arms. Magkasalubong din yung kilay.

“A-ano k-ka-kasi….” Pagpapaliwanag ko kaso pinutol niya at sinigawan ako.

“Ano?! Hihirit ka pa?! Sasagot ka pa?!” bulyaw niya sa akin. Para siyang nakamicrophone. >.<

Tiningnan ko yung iba kong kaklase na nakatingin naman sa akin at nakangisi. Yung iba naman nag-bubulungan.

“S-sa inyo naman kasi yun inuutos ni Sir at hindi sa akin. Bakit ba kasi sakin niyo pinapagawa lahat ng sa inyo inutos. Isyudyante rin naman ako katulad niyo ah. Nag-aaral at nakikinig sa mga tinuturo sa atin. Saka hindi ako janitor ng school para..para- *gasp*” naputol yung sasabihin ko ng biglang sampalin ako ni Leyla at marahas na itinaas yung kaliwang kamay ko.

&quot;THE VISIONS&quot;(SAVING THE WORLD WITH YOU) ON HOLDWhere stories live. Discover now