Napansin kong nadako ang tingin niya kay Lorice. And she looked at her, from head to toe.

"Pretty. What's your name hija?" tanong niya. I was shocked. And I know, all of us here also feel the same.

She... never said that to any girl I bring to her. Only to Lorice.

"She is Maria Asuncion Pengco-Lim. My beautiful grandma."

"Sus, Fordan, Napaka mabolang tao." napangiti lang si Ford. Kinabahan naman ako nang madako ang mga mata niya sa akin.

"You're really pretty, hija." napangiti ako nang sinabi niya iyon.

"I like your smile hija, its sweet." masayang sabi ng lola sa akin.

"Si grandma. I think she likes you." rinig kong bulong ni Ford. Siya pala ang grandma niya. Halata sa mukha niya ang edad pero parang teen pa rin siya dahil sa kanyang pananamit.

Dahil sa sinabi ng grandma ni Ford sa akin, mas napangiti ako.

Nakaupo na kaming lahat. Naghihintay kami sa pagkaing ise-serve. Tahimik ang mga tao rito, maliban kay lola.

"I dress like that during my teenage years." dagdag niya. Nadako ang mga mata ko sa damit na suot ko. Ford choose this one.

Maya maya pa ay inihain ang mga pagkaing parang ngayon lang bumangga sa mga mata ko. Inilibot kong muli ang aking mga mata rito. Napakayaman nga nila.

Kanina nga, papasok oa lang sa gate ay hindi na maalis ang mga mata ko sa napakaganda at nakakamanghang disenyo ng bahay. Ang bawat detalye nito ay oang mayaman talaga.

Ikalawang pagkakataon ko na yata tong maiisip, kung gaano talaga kayaman tong si Ford.

Ngayon ay nakaupo kamibg lahat. Katabi ko si lola sa kanan, si Ford sa kaliwa.

"What food do you like to eat?" tanong ni Ford sa akin.

"Kahit ano."

Ang totoo, wala naman akong mapili. Parang masarap lahat. At isa pa, alam din naman nitong si Ford ang pagtingin ko sa pagkain. Wala akong pinipiling pagkain. Paborito ko lahat. Food is life.

Lalagyan na sana niya ako ng pagkain nang pigilan siya ni lola.

"Ako na rito Fordan. I'll serve this beautiful young lady. Kumain ka na dyan." sabi niya. Tatawa na sana ako pero ramdam ko pa rin ang matatalim na tingin ng iba pa naming kasama rito sa hapag. Kaya nanahimik na lang ako.

"Grandma? You sure you're not gonna take care of me?--"

"Malaki ka na. You have big hands to serve for your own. Itong si magandang hija ang aalagaan ko ngayon. Bahala ka dyan."

Tiningnan ko si Ford. Nakasimangot siya, pero sa tingin ko, kunwari lang.

May isang putahe siyang kinuha at inilagay ito sa plato ko. Napangiti ako. Ewan ko pero... parang maluluha ako. Na-touch ako sa sinabi ni lola. Wala akong masabi kaya dinaan ko na lang sa ngiti, na parang gustong gusto niya.

"Isaac, how's the company? I heard Mr. Ramirez accepted our partnership with them."

Napatingin ako sa lalaki. Siya ang... papa ni Ford. Kumakain na kami at iyon ang naging unang topic nila. Syempre hindi na ako nakisawsaw do'n. Wala naman akong dapat pang malaman tungkol doon.

"It's doing great mama. Don't worry."

"Good. Now," natungo ang tingin niya sa babaeng kahawig ni Ford. Siya siguro ang mama niya. "Carmina, is that Mr. Torres' daughter?" tanong niya.

"My name is Gail." parang nakita ko na siya.

Tiningnan ko lang yung Gail. Maganda siya, mayaman, syempre mayaman si Mr. Antonio. Sa tono pa lang ng pananalita ay mahahalata nang may mataas na pinag aralan siya.

"Hmm." tiningnan niya naman niya yung lalaking katabi ng papa ni Ford.

Teka, kung hindi ako nagkakamali, siya yung lalaking nakabangga sa akin sa office, at yung nag aya sa aking sumayaw sa isang party na pinuntahan namin.

Siya yon.

"Freed, ano ba kasi yung project na sinabi mo sa akin noong nakaraan?" tanong ni lola.

"About that, inaasikaso ko pa rin yon mamita. And, its a surprise for you." at ngumiti siya.

"Mahilig ka talaga sa sorpresa. Next time, you should bring me a girl."

"I will, mamita." tumingin siya sa akin, dahilan naman ng pag iwas ko ng tingin.

"Tracy?"

"Yes, mamita?"

"I'm glad that you're father still accepted my request to be with your company's partner."

Napansin kong tinititigan ng babaeng may pangalan na Tracy si Ford. "Always for you mamita."

Ganito pala ang usapan ng pamilyang napakayayaman. Hays.

One Night LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon