Chapter 53 - Finally Letting Go

2.2K 16 6
                                    

SWEAR PAG HINDI NIYO PINLAY YUNG MUSIC SA MM MAGSISI TALAGA KAYO. HOHOO~

Gabby’s POV

Sabi nila, pag nagmahal ka… dapat handa kang masaktan. Handa kang magparaya.

Magiging kasiyahan mo na ang kasiyahan ng taong pinakamamahal mo.

Pero t*ng*na. Ang sakit sakit talaga.

This time, I finally gave her away. Sa taong kayang manatili sa tabi niya.

I take another sip of my drink. Ang pagkaka alam ko dapat maingay sa bar. Pero bakit parang ang tahimik? Gusto ko ng ingay. Baka sakaling matakpan ng ingay ang pagbasag ng puso ko.

“Isa pa nga.” Sabi ko sa barista.

“Sir, lasing na po yata kayo. Wala ba kayong kasama? Ilang taon na po ba kayo? Mukhang ang bata niyo pa.”

Pakialamero. Tss.

“I’m not drunk. At legal nakong pumasok dito.”I gulp the whole glass in one shot. “Another one.”

“Sir, hindi po dapat ako nakekealam sa business ng mga customers namin, pero kung ano man po ang problema niyo siguro dapat pag-usapan niyo. Nakakamatay po kasi kapag tinatago ang sama ng loob eh.”

I laughed. “Nakakamatay? Sa tingin mo, san mas mabilis mamatay? Yun o sa sakit?”

Hindi ko na pinakinggan ang sagot niya. It was just hypothetical question. Kinuha ko yung phone ko at tinignan ang gallery ko.

Heto nanaman ako, parang tangang ngingiti at tatawa sa mga letrato namin ni Aleah.

Should I talk to her one last time?

I shuffled through my contacts, A… A… Aish, nati-tipsy nako sa ininom ko.

“Aleah… pwede ba tayong mag usap? Please… nandito ako sa ****.”

Ilang minuto ang nakalipas, naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

“Salamat dumating ka—“ tinignan ko siya ng masakit. “Anong ginagawa mo dito?”

Imbis na si Aleah, ibang tao ang nakita ko.

“You called me. Don’t you remember? Ano bang ginagawa mo dito?”

P*cha. Mali ata ang pangalang na dial ko. -__-“

“Go home, hindi ka pwede dito.” -__-

“Nakapasok nga ako diba? If I’m going, isasama kita.”

I sighed. Wala ako sa mood para magalit ngayon. Pagod na pagod at nanghihina na ako.

“Aerith… please just go. Gusto kong mapag-isa.”

“Sige, aalis ako. Pero isasama nga kita.” Hinigit niya ako sa kamay. Ang kulit talaga ng lahi nito. -_-“ Hindi na ako pumalag, wala na rin akong lakas… pati alam ko sa loob ko na kailangan ko ng karamay ngayon.

***

Tahimik lang kaming nakaupo sa bench, nandito kami sa park. Wala nang tao kasi madilim na, duh, alangan naman gabi nga eh. -__- Hay ewan nadedepress na talaga ako. G*go din kasi ako eh.

“Bakit dito mo ko dinala?” tanong ko sa kanya.

“Para walang makakita sayo. If you want to cry or cuss or shout.” Tumayo siya… tinignan ko siya. “Just think that I’m a wall. Isang dingding na walang naririnig o nakikita. Pero nandito lang ako para sandalan mo kung kailangan mo na.”

I laughed. She’s serious at times like this. At hindi ko mapigilang mapaluha… ng konti. Ewan ko ba. Ke lalaki kong tao ang iyakin ko. Isa lang naman ang taong iniiyakan ko ng ganito eh.

Still: The Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon