Chapter 34 - Just This Time

2.3K 26 23
                                    

Aleah’s POV

“Ah, oo. Okay. Okay lang ako dito. Ikakamusta na lang kita kay… mama. SIge. Bye. Kita tayo bukas. Goodnight.”

“Kelan mo pa akong naging mama Aleah?” tanong niya sakin. Aish! >__< Kasi naman eh!

“Ewan ko sayo! Aish! Nakaka asar! Bakit pa kasi ako sumama!  Sana man lang sinabi mo sakin na may bagyo diba? Para naman may alam ko kahit papano.” =__=

“It’s not my fault na hindi ka nakikinig sa news. Anyway you’re changing the topic, bakit sinabi mo na mama mo ang kasama mo? You could’ve said you were with me.”

Sinabi ko kasi kay Gabby na pumunta ako sa bayan na pinag du-dutyhan ngayon ni mama dahil na mimiss ko na siya, at hindi nako makaalis kasi yun nga may bagyo. Well, ¼ lang naman yung hindi totoo diba? Dibaaa?

“Anong gusto mong sabihin ko sa boyfriend ko, na ‘Kasama ko si Kevin sa isang hotel’ DUH? Ano sa tingin mong iisipin ng boyfriend ko? Ha?” 

Tama naman ako diba? Pag nalaman niya na kasama ko si Kevin sa isang hotel, iba ang iisipin nun at baka sugudin pa kami dito, kasi parang ayaw ko pang umalis… KYAA! Kelangan ko na ata ipa dry clean ang utak ko. =__=

“If you explained yourself well sigurado ako maiintindihan ka niya. Hindi natin kontrolado ang sitwasyon. Bakit ganun ba kababaw ang tiwala ng boyfriend mo sayo? O baka natatakot siya na… agawin kita sa kanya?” saka siya lumapit ng lumapit sakin hanggang sa napansandal na ako sa wall.

O____O

“H-hoy! Anong pinagsasabi mo jan?!”

“Hahah! Your face was priceless Aleah. Sarap mo talagang biruin.” ^___^ Hala ngumiti siya. Tapos, bakit, biglang…. Biglang…. Tumibok ang puso ko? Ah! Wala lang ‘to! Kinakabahan lang ako dahil sa bagyo. >__<

*bzzt* *bzzt*

“Wait.” Pagpapaalam niya. “Hello? Tara? Yeah. I’m okay. Nasa hotel ako… yes. I’m fine. Ha? Nasa office… I’m alone.” Tapos tumingin siya sakin at ngumiti. HALA? O__O? “Yes, really? Pupunta ka sa bahay namin diyan? Yea. Say Hi to mom for me okay? Bye.”

“Tara?”

“Yea, she was worried kasi nabalitaan niyang may bagyo.”

“Ah… y-yung sinabi mo, bakit mo sinabing alone ka?”

“Same reason as you. Quits na tayo okay? Walang sumbungan?” saka niya ako kinindatan.

Sa totoo lang natatatawa ako sa pinagsasabi at pinaggagawa naming. Kung iisipin mong mabuti para kaming may affair na nagtatago which is hindi at NEVER na mangyayari. NEVER.  Ew.

After an hour…

“Are you bored?” tanong nya.

“Uh, oo. Medyo.” Wala na kaming ginawa kundi magtitigan buong oras. Sinubukan naming paandarin yung TV kaso walang lumalabas dahil sa lakas ng ulan. Nasira ata yung mga connections ng TV stations. Haay. Buti na lang walang kidlat kasi baka---

*TUUUGSSSHHHHHHHHHHH!!!!!*

Kevin’s POV

NP: Fallin' by Janno Gibbs. (Play at side!) 

“AAAHHHHHHH!”

“Ah sh*t. Aleah! Aleah! Bakit ka sumigaw? Nasan ka? Hindi kita makita!” sinisigaw ko ang pangalan niya kasi wala akong makita. Namatay siguro ang ilaw dahil sa kidlat.

“Aleah! Magsalita ka! I can’t find you! Sh*t where’s my phone?!”

  Nasan ba kasi siya? Bakit hindi siya nagsasalita? Anong nangyayari? Sht Aleah magsalita ka! Hinanap ko ang phone ko sa mesa kung saan ko ito last nilagay. Buti na lang at nakita ko.

Still: The Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon