Chapter 6 - The Return

3.4K 40 15
                                    

Gabby's POV


Nandito ako ngayon sa labas ng gate nina Aleah, wala ngang tao. Tsss. Ano naman kaya anggagawin ko dito? Bat ba naman kasi pumayag? Tsssssssssss.

Wag ka ngang pa suplado Gabby, gusto mo naman eh.

Tangek. Kinakausap ko na sarili ko. Baliw na ata ako. =____=

Kinuha ko na yung susi ng bahay nila sa ilalim ng flower pot na sinabi ni Aleah. Binuksan ko naman agad yung pinto ng bahay saka pumasok.

"Tabi tabi po." Oh? Malay niyo? Baka may masamang espirito dito pag wala sila. Mabuti na yung maingat. >.<

Umupo ako dun sa may sofa. Nasa harap ko yung tv kaya lang nahiya naman akong buksan kasi di ko naman bahay to. Nag ikot ikot na lang ako sa sala. Nakita ko yung picture ng batch na nakatungtong sa isang shelf. Katabi nun ay picture naman ng mama niya. Meron din dun picture ng Mom at Dad niya nung kasal nila. Tapos picture naman niya, ng mom niya at dalawa niyang kuya nung mga bata pa sila. Si Jay, at saka yung isa. Vince ata yung pangalan? Wala na kong masyadong alam maliban sa pangalan kasi namatay daw yung Vince at tatay niya nung 3 years old pa lang siya dahil sa isang aksidente. 

Ang dami kong alam no? Bwahaha. XD

Naglakad lakad pa ako ng konti. Tinitignan ang bawat sulok at gamit na nasa bahay nila. Diba nga architecture yung course ko? Edi malamang mahilig ako sa mga bahay. Hindi ganun kalakihan yung bahay nila, May sala, tapos sa kabilang side yung kitchen at dinner table. May isa namang alley na papasukan mo saka nandun magkakasunod yung kwarto nila. Dumaan ako dun sa may kitchen, at napansin kong parang may ilaw.

Sinilip ko dahil sa may lahing chismoso ako saka nakita ko na bukas yung room ni Aleah. 

Kung bakit ko alam na room niya yun eh wag niyo nang alamin. =___=


"Tssss. Ang babaeng yun talaga kahit kelan napaka pabaya. Kaya laging napapahamak eh."


Pinuntahan ko yung pintuan niya para sarhan sana pero lang dahil nga sa may lahing chismoso ako eh hindi ko mapigilang pumasok sa kwarto niya.

Malinis yung kwarto niya. Kulay green, ang presko sa paningin.  Babae talaga. Natawa ako dun sa mga sticky note na nasa wall niya. Ang daaaaamiii. Yan yung sticky note na binibigay ng stalker niya daw araw araw, na kung minsan ay may pahabol pang mansanas. tsss. =___=

*BOOOOOOOGSH*

"AAAAHHHH! POOTTEEEEKK!" Takte! Ang sakit! Ikaw ba naman maka sipa nung napakatigas na wooden box na akala mo gawa sa semento. Takte. Sobrang lakas ata ng pagkasipa ko dun na halos tumumba na yung box.

Still: The Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon