Chapter 2 - The Past

5.5K 58 33
                                    

A/N" Picture ni Aleah nung highschool pa lang sila --------> XD

Aleah's POV

"Hello?? World to Potpot! HHUUUUUUUUUYYYYY!!!!"

"Ay peste!" 

"Anu ba naman Pot? Kamakailan tae yung tawag mo sakin ngayon naman peste? Ilang dumi at insekto pa ba ang kailangan kong marinig mula sayo? Nasasaktan na ko ha. AROUCH." Sabay niya acting as if sumasakit yung dibdib niya.

"Gusto mo pasakitin ko talaga yang dibdib mo?! Bigla bigla ka kasing sumusulpot para kang kabute." 

"Ginawa mu na yun dati, uulitin mo pa talaga..." May ibinulong siya sa sarili niya pero hindi ko narining kasi busy ako sa pagkain ng mansanas na binigay ng sticky noter na yun. Sige, para mapangalanan siya, SN na lang ang itatawag ko sa kanya. 

"Hindi ka ba natatakot na baka may lason talaga yang mansanas na yan? Sige ka, baka matulad ka kay Snow White at makatulog ka na talaga habang buhay." Gabby

"Hmmmm, ewan. Kashi..." Patuloy pa rin ako sa pagkain. "masharap sha ee. Ang pula pula shaka di katulad ng mga ordinaryong manshanas lang. Yum!" Naubos ka na yung mansanas at itinapon sa basurahan, habang patuloy na naglalakad pauwi kasabay ng bestfriend ko.

Oo, sabay kaming umuuwi kasi iisang subdvision lang kami, at saka walking distance lang naman papuntang school. Hindi naman ganun kalapit, ma layo2 rin pero ayos rin to para tipid pera. $___$

"At saka, pag nakatulog man ako dahil sa lason, alam kong darating ang prince charming ko para gisingin ako eh." Sabi ko sabay ngiti ng konti. 

"Pano..."

"Ha?" 

"Pano pag di na siya dumating? Pano pag naghihintay ka lang pala sa wala? Hindi mo ba hahayaang gisingin ka ng iba sa panaginip mo?"

"Gabby..." Hindi ko alam pero biglang naging seryoso ang mukha niya. Isang bagay na hindi ko nakita sa kanya simula nung nangyari samin isang taon na ang nakalipas.

Flashback:

"Aleah, may problema ba? Kanina ka pa tulala ah? Di mo ba nagustuhan yung regalo ko? Hindi mo gusto yung stuffed toy?" 

"Ah? Sorry, wala, wala. Happy Monthsary... Gab..by."

"Naaalala mo nanaman siya no? Si Gab."

Hindi nako nagulat sa sinabi niya. Kasi totoo yun.

Itong malaking blue na bear stufftoy na to ay katulad nung binigay sakin ni Gab nung 16th birthday ko.

"So... sorry. Di ko maiwasan Gabby. Pero wag kang mag alala. Kakalimutan ko na siya. Limang buwan na naman simula nung umalis siya eh."

"Okay lang. Wag kang mag alala, di ako galit. Ang mahalaga nandito ka ngayon sa tabi ko."

Sumasakit yung dibdib ko. Nakokonsensya ako kasi pakiramdam ko ginagamit ko lang siya.

Mahal ko rin naman si Gabby eh. Tinulungan niya akong makapag move on kay Gab. 

Kaya lang... 

kaya lang. Hanggang dun na ata yun. Tinulungan niya ko, oo. Pero hindi ko kayang ibalik sa kanya ang pagmamahal na ibinibigay nya. At magiging unfair ako sa kanya. 

"Gabby..."

"Bakit?"

"Pwede ba tayong lumabas bukas?"

Still: The Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon