Chapter 9 - Kung Alam Mo Lang

2.9K 40 24
                                    

A/N: Play yung video sa gilid! Alert! -------------->

Saka si Luigi pala yung sa pic diyan! :))

----------

Kimmy's POV

"Lui, si Kim..." sabi ni Chessie.

Nandito pa rin ako sa tapat ng pinto ng rooftop. Hindi ako makagalaw. Parang lahat lahat ng emosyon ko nawala.

"Kim..."

"Ha! ha! ha! I-ikaw Lui ha? M-may payakap yakap pang nalalaman! D-di mo man lang sinabi na n-na..." Hindi ko na napagpatuloy ang sinasabi ko dahil takteng luha to ayaw tumigil. Siguro iisipin nito na para akong tanga na umiiyak dito. Hindi naman niya kasi alam na siya yung dahilan.

"Kim, sorry..."

"Ano ka b-ba? W-wala kang dapat ipag sorry! Kaibigan mo lang naman ako diba? Di na mahalaga yun!" Oo, wala kang dapat i sorry Lui. Hindi mo kasalanan ma minahal kita. Kasalanan to ng abnormal kong puso.

"Kim naman..." Bigla niyang hinawakan ang braso ko. Naramdaman kong parang bigla akong nakuryente kaya dali dali kong tinabig yung kamay niya ng malakas.

"S-sorry, nabigla lang ako... Sorry..." Bago pa ko humagulgol sa harap niya, tumalikod na ako at tumakbo pababa nga rooftop. Hindi ko alam at wala na kong pakialam san man ako dalhin ng mga paa ko. 

Kahit saan, kahit saan wag dito. 

Hindi ko na rin naman alam kung nasan ako, pero pababa pa rin ako ng stairs. Na b-blur na yung vision ko gawa ng mga luha ko, marami akong nababangga at napapa sigaw sila ng "aray" pero wala akong pakialam. 

Doble, triple... hindi... milyong sakit ang nararamdaman ko ngayon. :(

Napansin ko na lang na madilim na ang kinaroroonan ko ngayon, tahimik din. Nasa luman corridor siguro ako, yung papunta sa music room. Dumahan dahan na ako sa paglalakad sa takot na baka madapa ako. Pero takte, ayaw pa rin tumigil ng luha ko. 

Tigil na kayo please? Nakakapagod na eh.

Bigla na lang akong may narinig na kumakanta, tae. Sa music room ata galing. Inaasar ako neto ah, talaga tumama yung kanta eh.

Hindi mo na kailangan pa

Ito'y sabihin pa

Na mayro'ng nagbago

Sa loob ng puso mo

Naramdaman ko naman ulit na may humawak sa braso ko, iniharap ako sa kanya at tama nga ako sa hula ko.

"Lui..."

"Kim, sorry na. Bakit ka ba umiiyak? Dahil ba hindi ko sinabi sayo?"

"OO! GALIT NA GALIT AKO! KASI HINDI MO SINABI SAKIN! KASI MAHAL NA MAHAL KITA ALAM MO YUN? NAGBAGO AKO PARA SAYO! HINDI AKO MARUNONG MAG AYOS PERO GINAWA KO! ISANG BESES LANG AKO MAGSUKLAY NG ISANG ARAW PERO PARA SAYO, HALOS ORAS ORAS GINAGAWA KO NA! T@NGIN@! SANA KUNG SINABI MO SAKIN NA MAY GUSTO KA SA KANYA, NAPIGILAN KO NA ANG LECHENG PUSO NA TO NA TUMIBOK PARA SAYO!"

"A-ano? M-mahal mo ko?"

"Oo! Tanga ka ba, o manhid ka lang talaga?! Kahit man lang tanga ka sana sinabi mo na may nagugustuhan ka na diba? Para naman alam ko! Kaibigan mo naman ako diba? Para di naman ako nagmukhang tanga na umaasa na may pag asa ako sayo!" 

Yun. Yun yung mga salitang gusto kong sabihin sa kanya ngayon. Pero takte. Ayaw lumabas sa bibig ko.

Wala akong magagawa

Still: The Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon