Chapter 45 - Pokemon

2.1K 19 10
                                    

PLAY MUSIC AT MULTIMEDIA. :)

Aleah’s POV

“Anak! Halika na! Malapit nang mag countdown!” pagsigaw ni mama. Halos hindi ko na siya marinig kahit na nagsisigaw pa siya dahil sa kabi-kabilang putukan.

Oo, mag New Year’s Eve na.

Ilang minuto na lang, bagong taon nanaman. Nandito ako nakaupo habang nakadungaw sa labas ng bintana ko at tinitignan ang bawat paputok na kumikislap sa langit.

Walang mga bituin. Pano ko nga ba naman sila makikita kung ganito kakapal ang usok na tumatakip sa kanila? =__=

Napa buntong hininga na lang ako at lumabas para salubungin ang bagong taon kasama ng dalawang taong pinakamahalaga sa buhay ko ngayon.

“Ilang minuto pa?!” tanong ko.    

“Lima pa!!” sigaw ni mama.

“Kapatid!!” sigaw ni Kuya sa tenga ko. “Wala pa bang tumatawag sayo?!!”

“Meron!! Kanina! Si Kimmy at Lui! Bakit Kuya?!!!”

“Tangek!! Ibig kong sabihin ngayon!! Hindi mo ba alam ang tradisyon??!!!”

“Anong tradisyon??!!!” tanong ko.

“Kung sino man daw makakasabayan mong magcountdown sa New Years Eve ay ang makakatuluyan mo!!”

Makakatuluyan ko? Totoo ba yun? Kung totoo man... sana… Ah! Ewan! Erase erase! As if naman totoo yun. Para lang yung tradisyon na tumalon ka daw para tumaas ka eh. Pft.

“Sandali lang kuya, may kukunin lang ako sa kwarto.” SABI NA NGANG HINDI AKO NANINIWALA EH. -_-

Pumunta ako sa kwarto para kumuha ng damit, pero joke lang yun kasi yung kinuha ko talaga yung cellphone ko. =_=

Tinignan ko pero wala naman. Sampung GM puro Happy New Year. Kaya naki GM na rin ako. Happy Birthday. JOKE. >_<

Send to ALL:

HAPPY NEW YEAR! I LOVE YOU! :))

~damingpagkain

Sent!

Umupo muna ako sandali sa kama. Madaming nagreply, puro mga ka klase ko sa Accountancy at mga ka batch ko nung High School na nag sipag greet din. Pero mas nakuha ang atensyon ko reply na halos tumalon ang puso ko.

Happy new year. I love you too.

From: Kevin

Pisti. Naiinis ako imbis na matuwa eh. Eh kung may load naman pala siya bakit hindi siya tumatawag? Siguro hindi niya alam? Si Gabby rin hindi nagpaparamdam. :( Ay naloloka na ko. SINO BA TALAGA ALEAH? Mag tino ka nga! =__=

Ganito na lang. Kung sino yung unang tumawag sa kanila ang makasabayan kong mag countdown makaka earn ng 50 points. Haluh. Baliw nako. Joke lang yun syempre.

Lalabas na sana (ulit!) ako ng kwarto ng makarinig ako nga malakas na kalabog mula sa bintana ko. Tinignan ko kung ano yun at pigura ng isang lalaking naka jacket ang nakita ko. Dun siya nakapwesto sa ilalim ng streetlight sa labas ng bahay kaya kilalang kilala ko pa rin siya.

Mabilis akong lumabas.

1 minute…

“KEVIN!” sigaw ko. “Anong ginagawa mo dito?”

20… 19…

“Sasalubungin ang bagong taon kasama ka…” sabay kamot niya sa ulo niya. “Kung okay lang sayo.”

Still: The Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon