Chapter 42 - Together Forever... not?

2.2K 24 19
                                    

May music ang Chappy nato. Nasa multimedia kaya parang awa niyo. I play niyo yun on my cue sa ilalim. Maawa kayo mahalaga yun. Bwahaha. Sige kayo magsisisi kayo pag di nyo sinunod. XD Babarilin ko kayo sa singit. CHOS. hahaa. :p 

Bilis ko mag UD no? Kasi wala akong magawa saka bumabawi. Wahaha. :p

________________________________________________________________________________

Gabby’s POV

“Walang sasagot sakin sa punerarya sa Pilipinas dahil hindi siya dito namatay... oh my, let me correct myself. Kahit kailan, hindi siya namatay. Hindi namatay si Gab.”

 “Alam ko.”

Tinignan ko lang siya sa mga mata. Siguro iniisip niya ngayon kung bakit hindi man lang ako nagulat. Yun ay dahil matagal ko ng alam ang katotohanan.

“What? Pero bakit… akala ni Aleah patay na siya.”

“Dahil yun ang sinabi ko.”

“You… lied to her?”

Dahan dahan akong tumalikod sa kanya at humarap sa bintana ng resthouse. Glass window yung room kaya kitang kita ko yung nasa labas. Madilim, pero may konting naaaninag ako dahil sa ilaw na galing sa buwan.

“Ayaw ng isip ko, pero yun ang sabi ng puso ko. Ewan ko ba. Putek ang gulo.”

Sa totoo lang, matagal ko ng alam na namatay DAW si Gab. Simula nung mga panahong hindi na siya nakakapag contact kay Aleah, pero mas pinili kong wag sabihin sa kanya dahil alam kong masasaktan siya.

Natauhan lang ako nung nakilala namin si Tara at Kevin. Tama si Aleah, higit sa lahat ng tao, imposibleng hindi ko makilala ang pinakamatalik kong kaibigan na parang itinuring ko ng kapatid. At sa mga oras na yun, alam ko na iisa lang si Gab at Kevin, na hindi siya namatay…at mas napatunayan pa ito nung palihim akong nagpaimbestiga sa aksidente niya.

“Why didn’t you tell her?”

“Sa palagay mo ba makakasama natin sila ngayon pag sinabi ko yung totoo?”

Natahimik siya. Alam kong pareho kami ng iniisip ngayon. Kasing dilim ng gabi ngayon ang kinabukasan namin sa mga taong mahal namin kapag nalaman nila ang totoo.

“Mahal na mahal ko si Kevin, Gabby.”

“Wala akong ibang mamahalin kundi si Aleah.” Sagot ko.

“Are we selfish?” tanong niya.

“I don’t know. Sa tingin mo?”

“Nagmamahal lang tayo. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.”

“Ganun din naman ako.”

Humarap ako sa kanya at nakita ko na may kinuha siyang papel mula sa bulsa niya. Takte. Parang alam ko ‘to ah. Kahit mejo punit punit,gusot at may dugo na, nakikilala ko pa rin ‘to. Pati na ang mga salitang nakasulat dito. Napatawa na lang ako.

“Tinago niya pala. Mukhang araw araw niya dala ah. May dugo eh. Siguro nasa kanya ‘to nung naaksidente siya. T*ng*na. Ang tanga talaga ng lalaking yun.”

“Nakita ko yan sa isang box sa kwarto ng mommy ni Kevin.  Mukhang hindi rin pinaalam ng mommy niya ang totoo.”

Tinupi ko ulit ang papel at ibinalik.

“Sayo na yan. Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin dyan.”

“Puntahan mo si Aleah, nasa playground siya.”

“Ah ganun ba? Sige, pwede bang iwan mo muna ako?”

Gusto kong mapag isa. Ang bigat. Ang bigat bigat.

Still: The Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon