Chapter 10 - May Kumatok?

2.9K 37 23
                                    

A/N: Dedicated sa dear ko! Uwaaaaaaaaa~ Wala lang! XD Natutuwa lang talaga ako sa dear ko at sa super kilig niyang mga chika. Uwaaaaaaa~ :)))

Break muna tayo sa story ni Lui at Kimmy. XD Masyado na silang madrama. XD

Comment! Vote! Fan! XDD Di po ako nangangagat. Nakikipag friends po ako kahit kanino! Kahit sa kambing kaya wag kayong mahiya! :))

------------

Aleah's POV


"Kimmy! Goodluck talaga! Wag mong kalimutan yung sinabi ko sayo ha? Tapos yung puso, wag masyadong excited okay?"

"Opo Aleah! Salamat sa lahat! Ililibre talaga kita pagkatapos nito!"

"Osya sige! May lakad pa kami ni Gabby. Balitaan mo ako agad ha?"

"Okay. Bye!"

Hay nako! Kinikilig talaga ako sa dalawang friendships ko na yun! Pag nagkatuluyan yun siguro ako na pinakamasayang tao sa mundo. :">

Ha? Ah? Yung sa taas? AH! Oo, okay na pala kami ni Gabby. Nag sorry naman siya at sinabing naka inom daw siya nun kaya pinatawad ko na lang. Hirap kayang magkagalit kayo ng bestfriend mo! Isang buong araw din kaming di nag usap. Kaya eto, sobrang miss na miss ako ng mokong. XD

Calling... 

Gabby-Pot <3

Sinagot ko na ang phone. Mainipin pa naman tong isang to.

"San ka na? Nandito na ko sa labas ng bahay niyo. Bilis! Baba ka na!"

 

"Opo opo! Nandyan na! Sandali- Nasan na ba sapatos ko? Ay eto! Wait lang talaga!"

 

*tooooooot*

Wahahaha. Na end ko yung call. XD

*hooooooooooooonk!*

*hooooooooooooooonk*

Eto naman maka busina parang wala kaming kapitbahay ah!

Lumabas na nga ako dahil masyado ng naiinip ang masungit kong bestfriend. Nung nakita ko na siya na nakasakay sa magarang sasakyan niya na kulay itim...

"Tssssssssssss. Kaya pala busina ka ng busina eh. Pinagmamalaki mo talaga yang sasakyan mo no? Osya sige! Ikaw na mayaman! Tsssss."

"Oo naman! Bwahahaha! Ako na talaga! Pero bumili ka na lang kaya ng sasakyan? Afford na afford mo naman yun ah?"

Still: The Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon