Chapter 41 - Even if it Means War

2.1K 21 6
                                    

Aleah's POV

“I’m glad walang masamang nangyari sa inyo ni Kevin kagabi.”

Napalingon ako sa nagsalita habang dahan dahan siyang umupo sa tabi ko… at nakangiti siya. Isang napakagandang ngiti na natatakot akong mawala.

“Oo nga. Buti na lang nakahanap kami ng masisilungan.”

Matagal ring walang nagsalita samin. Pareho naming pinapakiramdaman ang malamig na hangin ng gabi na humahaplos sa mga mukha namin habang nakaupo sa swing ng playground ng resthouse.

“Sorry…” saad ko.

“H-Ha? S-saan?”

Ako lang ba yun o parang nagulat siya sa sinabi ko? Pero kahit na, kailangan ko pa ring humingi ng tawad.

“Sorry dahil ako yung nakuha ni Kevin nung nagkatarantahan na tayo imbis na ikaw. Ikaw naman dapat yun eh… madilim lang kasi.”

“Sinabi niya ba yun sayo?”

“Oo… yun yung sabi niya.”

Ang sinungaling mo Aleah. Napakasinungaling mo.

 “BFF?”

“Hmm?” sagot ko.

“Nasayo pa ba yung eternity bracelet na bigay ko nung lumabas tayo ni Kim?”

“Ah, oo naman. Eto…” sabay kong hatak pataas ng jacket na suot ko para ipakita yung eternity bracelet. Yung simbolo ng pagkakaibigan namin.

“Salamat naman nasusuot mo pa rin. Eto yung akin oh, iniingatan ko talaga ‘to!” ^__^V

“Oo naman. Bigay mo ‘to eh.”

I smiled at her. At ganun din siya sakin. Tumahimik ulit.

“Mahal na mahal ka talaga ni Gabby no?” sabi niya.

Oo, alam kong mahal niya ko. Kaya ako naguguluhan ngayon.

“You must be her first girlfriend and his first love. Tama ba ako? Haha. Nag iiba talaga siya pag nandyan ka eh. Nakakatuwa kayong tignan palagi.” Pagdugtong niya.

“Ah, oo. Ganun nga siguro.” Sagot ko.

“Ikaw BFF? Is he your first boyfriend?”

Sasagot na sana ako ng “oo” nang bigla siyang magtanong ulit.

“Is he also your first love?”

First love? Si Gabby ba ang first love ko? Siguro lahat ng nagbabasa ng istoryang ito alam na ang sagot ko. And there’s no point in lying. Matagal nanaman yun eh.

“Hindi, may tao akong minahal bago kay Gabby.”

“Why… aren’t you with him?”

“Hmm… sabihin na lang nating ang kwento namin ay ang perfect example ng kasabihang ‘nasa huli ang pagsisisi’. Iniwan niya ko… hindi pala. Ako ang nangiwan sa kanya kaya siya lumayo.”

“Kung ganun… panakip butas lang ba si Gabby?”

Panakip butas? Minahal ko si Gabby. Tinulungan niya ko sa pinakamiserableng mga araw  ko. He made me feel the love I deserved… na hindi naipadama ng unang pag ibig ko.

At anong tawag dun?

Panakip butas Aleah. Wag kang tanga.

“Minahal ko si Gabby. He was giving me so much love. Siguro nung una hindi ko man sinasadya inaamin ko ginawa ko siyang ganun. Pero natutunan ko din siyang mahalin.”

Still: The Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon