Bonus Chapter #1: His POV

915 22 0
                                    

Ang ayaw ko sa lahat ay ang mga taong mapagpanggap.

Simula noong bata pa ako, marami ng mga nagbabalat-kayo ang nakapaligid sa pamilya namin. Bilang kasapi ng isang mayamang pamilya na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking ospital sa bansa, mga taong sinungaling lamang ang napipilitang lumapit sa amin.

Wala silang ibang pakay kundi ang mapunta sa tabi ng isang makapangyarihang tao. Kaya minsan, ang mga makapangyarihan lamang ang pinipiling makihalubilo sa kapwa nila mayayaman. Natuto na sila. Ayaw na nilang maloko pang muli ng mga taong walang natitirang hiya sa sarili.

Pero ng nakilala ko siya, nagbago ang lahat.

"Eh ano naman ngayon kung pangit ako? Teka, nagkakamali ata kayo. Hindi ako pangit Therese, sadyang malabo lang talaga ang mata mo!" ang sigaw ng isang boses. Malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang malakas na tinig. Napangiwi ako dahil sa lakas. Ano bang nangyayari at may away gayong ang aga-aga pa naman?

"Shut up Nerd! Whatever man ang mangyari, you will always be pangit for me! Atsaka, me is not blind you know! My eyes are totally fine!" sigaw naman ng isa pang boses. Napakamot na lang ako ng ulo. Bakit ba kasi ako ang napag-utusan ni ateng kausapin si Bryan? Puwede namang siya diba?

Pinili ko na lamang na balewalain ang sitwasyon na nangyayari sa may tapat ng pintuan ng isang classroom. Ano bang klaseng academy ito at parang walang mga teachers na umaawat sa kanila? I wonder if Bryan even knows about this.

Pero bahala na, wala naman akong kinalaman sa gulong sinimulan nila.

Habang dinaraanan ko ang grupo ng mga estudyante, naaninag ng akong mga mata ang itsura ng unang babaeng nagsalita. Mahaba ang napakaitim niyang buhok ngunit naitatago ang totoong haba nito dahil sa pagkakatirintas. May suot siyang salamin at halos matakpan na nito ang kaniyang buong mukha. One thing I'm sure of is that she really is a nerd.

"Bryan, may ipinabibigay sa'yo si Ate. Dapat daw iabot ko pa talaga ng direkta," ang walang gana kong turan matapos makapasok sa student council room. Nakaupo lang ng walang kibo si Bryan, natutulog ata. Iniwan ko na lamang sa mesa niya yung paper bag na ipinabibigay ni ate, bahala na siyang magtuklas kung ano ang laman niyan.

Paglabas ko ng kuwarto ay naglibot-libot muna ako. Siguro kailangan ko ring malaman kung anong klaseng lugar to, tutal dito naman ako papasok ng high school. Naglakad-lakad ako sa buong campus hanggang sa makarating ako sa may clinic. Ito na lang ang hindi ko na titingnan.

Sumilip ako sa loob ng bintana upang sana kamustahin ang mga nurse na inilipat dito mula sa ospital namin. Ngunit nabigla ako ng masilayan ang parehong hibla ng nakatirintas na buhok mula kanina.

"Akin na po yan Nurse Tina, pagod na kayo eh," ang sabi nito.

"Ano ka ba Leila, ayos lang ako. Ikaw nga diyan ang nahihirapan na eh, diba may test pa kayo bukas? Dapat di ka na muna pumunta rito, kaya ko naman eh!" ang pagdadahilan ng nurse na kinakausap niya. Kilala ko ang nurse na ito. Dati na siyang sumadya sa opisina ni Daddy para magmakaawang huwag ilipat sa ibang branch. Pero kahit anong gawin niya ay hindi naman siya pinayagan.

Mabuti naman at maayos ang kalagayan niya rito.

Subalit hindi maalis sa isip ko ang tungkol sa babaeng iyon, kay Leila. Malayong malayo ang ipinakita niya kay Therese kaysa sa pakikitungo niya sa isang hamak na nurse lang.

I know Therese, her family is a friend of ours. Kabilang siya sa mga palaging kasama ni Ate sa bahay. Mayaman siya at maluho sa sarili, walang kaaway dahil walang kumakalaban.

Pero nang dahil sa isang simpleng nerd lang, kumukulo na agad ang dugo niya.

I couldn't help myself to smile. Her whole existence was intriguing. Hindi siya katulad ng ibang tao na nakahalubilo ko na. Hindi siya sinungaling, totoo siya. At dahil doon, I respected her as my Senpai.

But I never knew that it would actually grow into something else.

Kahit anong mangyari sa kaniya, noong mga panahong napapahamak siya, hindi ako pumapayag na mawala siya sa paningin ko. I tried to save her everytime, pero isang beses lang ako nagtagumpay.

Sinubukan kong iligtas siya mula sa bola. Pero dahil naunahan na ako, hindi ko napigilan ang sarili kong ibuntong ang pagkadismayang iyon sa mga volleyball players na nanambato sa kaniya. Sabi nila may nag-utos sa kanila, pero kahit na anong gawin ko, hindi naman sila umaamin.

I also tried to save her noong mahulog siya sa bangka, I tried pero naunahan na naman ako. Salamat na lang at hindi siya ang tumulong kay Senpai na makaahon sa tubig.

Noong araw ng graduation, sasabihin ko na sana sa kaniya ang lahat. Sasabihin ko na sana at uulitin ko ang mga sinabi ko noong una pero ngayon ay may halong dahilan. Sasabihin ko mula na nagustuhan ko ang regalo niya, na ang ganda niya noong araw ng birthday ko at mas lalo na noong nagbakasyon kami sa beach. Na kahit ano man ang isuot niya, may salamin man o wala, nakatirintas man o hindi, maganda pa rin siya.

Cause she's true. Hindi siya peke, at para sa akin, yun ang pinakamaganda sa lahat.

Pero maraming nangyari. Nasira ang lahat. Nawala siya, namatay, at akala ko ay hindi ko na siya makikitang muli.

But when I found out that she's alive, nadismaya ako sa nakita ko. Hindi na siya yung dating babaeng nakilala ko. Tanging mga kasinungalingan lang ang nakikita ko. Lahat peke, lahat pagbabalat-kayo.

Nang magkita kami sa sementeryo, doon ko lang nalaman kung gaano kasakit ang pinagdadaraanan niya. Kung gaanong ang totoong siya ay gustong makalaya ngunit pilit na ikinukubli para hindi maulit ang nakaraan.

At kahit ano man ang mangyari, siya pa rin ang Senpai ko. Ang babaeng iniligtas ko mula sa pagkakalunod sa araw mismo ng kaarawan ko. Kahit hindi man niya nalaman na ako ang naglgta sa kaniya, siya pa rin ang babaeng paulit-ulit kong tutulungan at ililigtas. Ang babaeng minahal ko at naging dahilan kung bakit kinamuhian ko ang sarili kong kapatid. Ang babaeng kahit ilang beses akong iwan, hindi ko pa rin makakalimutan.

"I love you Senpai."

"Huh?" ang sabi niya atsaka humarap sa akin. "May sinabi ka ba Lark?"

"Wala," ang pagpapalusot ko.

Ngumiti siya. "Huwag ka ngang magsinungaling dyan, narinig ko ko kaya yon! At isa pa, stop calling me Senpai! Wala na tayo sa high school!" Nagmamaktol na naman siya. Para talagang bata.

"Eh ano bang dapat kong itawag sa'yo? Love? Darling? Babe?"

"Eww, don't call me 'babe', like ever!"

"Then, sweety?" I smiled teasingly.

"Oh shut up!" Tumalikod siya habang nakasimangot. Makatapos ang ilang segundo ay humarap siyang muli sa akin habang nakangiti, yung ngiting walang halong biro. "How about, Snow?"

I nodded. I smiled again and stared at her.

"My Snow."

~~*~~

~ao_hime😘💙~

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now