Chapter 42: She's Back

907 21 1
                                    

Miyuki's POV

"Are you happy to be back to the Philippines?" ang tanong ng reporter.

"Of course I am! It's been awhile and I've missed the place!" sagot ni Therese na puno ng enthusiasm, which I know is all fake. Nalangisi ako, I'm still impressed at the way she could make all that smile and laughter. Mukhang bay naming yong napag-aaralan sa mga nagdaang taong nakalayo kami mula sa lugar na naging pugad ng isang malagim na nakaraan.

Nandito ako ngayon sa hotel na inarrange ng aking mga assistants. Pagkalapag na pagkalapag pa lamang ng eroplano, sobra na ang pagkakasabik ng aking mga palad na bigyan ng isang malutong na sampal ang mukha na puno ng kaliskis at makapal na make-up. Mabuti na lang talaga at napigilan ko ang aking sarili na hanapin ang mukhang yon. Atsaka, kulang ang isang sampal. Kailangan niya ng mas masahol pa sa pisikal na sakitan.

"One-san, I think I'm gonna sleep. I'm tired from the flight," sabi ng kapatid kong si Akira.

Ngumingiti ako sa kaniya. "Sure, take a rest. I'll sleep after watching this," ang sabi ko naman bilang sagot.

Hindi naman talaga dapat sasama sa akin si Akira, pero mapilit eh. Pero ayos lang, puwede kong magamit in my own disposal. I'm sorry little brother pero kakailangan muna kita sa ngayon.

Bumalik ang aking tingin sa malaking flat screen tv na patuloy pa ring ipinapalabas ang mukha ni Therese. Nakuha lamang ang scope na ito kaninang tanghali sa paglapag mismong eroplano. Right when they heard the news na babalik na Fashionista Queen sa Pilipinas, dinumog agad ng mga paparazzi ang airport. It was the perfect set-up para malaman ng lahat ang pagdating namin, ang pagbabalik ko.

"How long are you going to stay?" sabi ng reporter sa screen.

"Well, until I'm needed with my work here. Before I forget, I would like to introduce to you my friend," sa pagkakataong ito ay pumasok na ako sa kuha ng camera. I was smiling brightly, elegantly and I'm so proud na ganon mismo ang ipibapakita sa buong bansa sa ngayon.

"Everyone, this is Miyuki Haruki and siya ang business partner ko sa ngayon. She's a Japanese National with Filipino blood and I'm happy to announce that I'm her designer and one of the models to the book covers and magazines tha her company publishes." Itinutok na sa akin ang camera at ngumiti ako ng mahinhin. Nag-bow rin ako bilang pagpapakita ng respeto katulad ng natutunan ko noon sa Japan.

Ito talaga ang plano, para ipaalam sa lahat ang aking darating na proyekto na siguradong kahuhumalingan ng aking target vitim.

"Hello everyone," ang pagbati ko sa lahat.

"What brings you here in the Philippines?"
"Are you two really bestfriends?"
"What's this about being business partners?"

Ngumiti lang ako habang hinihintay na maubos ang kanilang mga tanong. Matapos ang ilang minuto ay nagkaroon na rin ako ng tyansang makasagot.

"Yes, Therese and I are really good friends. When I met her in Japan I would never have thought that we would be friends, but somehow we did! And yes, about being business partners, that's also correct.  My family owns a publishing company and one of our magazines are dedicated to her clothing line! Is the least we could do for a fellow business partner."

Medyo natahimik ang ako na nasa screen ng telebisyon at kunwari'y medyo nahihiya. Dahil hindi naman dapat ako isang Filipino Citizen, dapat maipakita ko na nagagalak akong mai-welcome sa bansa.

"The reason why I actually went with Therese here in the Philippines is that I am the writer of the upcoming movie that will be shoot here in Manila. I don't know if the viewers actually know but I wrote the novel entitled 'Things are not what they seem'. I personally asked the director of the film if I could atleast get a glance of the coming to screen of my very own creation. She said yes and she also asked me if I could help with the casting, and that's why I'm here."

Ang dami pang mga tanong na isinunod ang mga taong halos kalkalin na lang ang buhay ng isang dayuhan umapak sa kanilang kalupaan. Nakakapanibago lang dahil hindi naman ganito ang pagdumog na naranasan ko sa Japan. Bukod kasi sa hindi naman ako masyadong sikat, wala naman talagang pakialam ang mga taong akong nakakasalamuha dahil pawang sila mismo ay mga kilalang personalidad din.

They asked me about the book and I answered with patience. Ang libro aking isinulat ay orihinal na naisulat sa English ngunit isinalin sa Nihonggo at Filipino dahil na rin sa target audience nito. Dahil ang kompanya namin mismo ang nagpalabas nito, isiniguro na ni oto-sama angkop ang lengguwahe para sa unang taon bibili nito. Isinalin naman ito sa Filipino dahil ang kuwento ay tungkol naman talaga sa tatlong magkakaibigang pinaglaruan ng tadhana at namumuhay ng tahimik sa isang lungsod sa Pilipinas.

Matapos masiguro na tama lang ang naipakita sa palabas ay isinara ko na ng tv at napahikab. Mukhang pagod na pagod rin talaga ako sa biyahe, kanina pa ata tulog si Akira. Hindi pa siya kumakain ng hapunan pero mas mabuti atang huwag na lang muna siyang gisingin, busog pa naman ata siya mula sa snacks na kinain niya mula kanina.

Tumayo na ako upang dumiretso sa aking kwarto. Nagpalit ako mula sa aking masikip na damit papunta sa sleeping robe na mismong pinili pa sa akin ni Therese. Napapansin ko na talagang parang ginagawa niya na akong Barbie doll dahil sa sobrang pagpapabilis niya sa akin ng mga damit na sa totoo'y ayoko naman talaga. Pero sabi niya kasi ay hpganito raw ang mga damit na bumabagay sa image kaya hindi na rin naman ako nagpoprotesta pa.

Nang makapagbihis na ako ay umupo na ako sa aking kama. Ngunit bago humiga ay kinuha ko muna ang aking cellphone upang tingnan ang text na sinend sa akin ni Claire.

"Yuki-san, te director of the film would like you to be present for the casting tomorrow morning. She apologized about the sudden request but your presence is really needed."

Itinipa ko ang aking sagot, at sa bawat galaw ng aking mga daliri ay hindi ko maitago ang sabik na aking nadarama dahil sa wakas ay gumagalaw na rin ang aking mga plano.

"Please tell her that it's ok and that I would be glad to be with her tomorrow. Don't accompany me any longer and just send me the address, I would like to go there with only my personal bodyguard. Your assistance would not be needed, that is all."

~~*~~
Translation:
One-san (Older sister)

~ao_hime😘💙~

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon