Chapter 26: Fluffy Cake Delight

528 16 0
                                    

Leila's POV

"You said thank you... Diba dapat ang sagot don... 'You're Welcome."

~~~~~

"Huy Ayla! Ok ka lang ba? Ba't tulala ka ata," biglang sabi ni Anie na nagpabalik sa akin mula sa nakakapanibago at nakakagambal na pangyayaring iyon.

Pano ba naman kasi, for the first time nagsabi ng ganoong mga salita si Bakulaw, at nagmula pa yon mismo sa bibig niya ha. No other form of medium, mismong sa presensya ko po yon narinig. Nakakapanibago talaga, at nakakatakot na rin. Sunod-sunod na ang mga pangyayaring ito, ang lapit na nga siguro ng paggunaw ng mundo. As in supper close na.

Kung magpapatuloy ang progress na to, baka soon ay masasabi kung puwedeng magkabati na kami. Yun ay kung magpapatuloy pa. Kasi kahit medyo nag-iba na ang pakikitungo naman sa isa't-isa, ay medyo lang yon. Ang dali lang ibalik sa dati. Ang dali lang bawiin at mag-start ulit sa square 1. As of now, I can still say na mahirap ng magkabati pa kami.

Although, hindi na rin naman imposible... Siguro?

Ngayon ay araw na ng Sabado at kasama ko ngayon si Anie. Gaya ng ipinangako ko ay nandito kami ngayon sa bagong bukas na kainan sa may kanto ng Academy. Naghihintay kami ng orders namin at ito namang kasama ko ay kanina pa nagrereklamo kasi ang tagal daw dumating nung pagkain.

Ang masasabi ko lang ay gutom na gutom na talaga siya kaya sobra na ang kagustuhan niyang mailagay sa bibig niya yung in-order niya. Ang sarap kasing tingnan yung pictures sa menu. Cake pa naman yon, at kapag cake ay nagkakasundo kami diyan ng sobra.

Nalaman ko lang nung isang araw na mahilig, as in sobrang hilig pala talaga ni Anie sa cakes. Nagkataon na may dala ako nung cupcake kasi ng bake kami ni Nanay as a form of bonding a rin, tapos halos siya lang yung makaubos. Buti na lang at medyo wala ako nung gana kasi masakit nga yung lalamunan ko, kung hindi ay baka nag-away na kami.

"Ano ba naman yan Ayla, gutom na ako. Kumakalam na yung sikmura ko, ba't kasi ang tagal nila!"

"Shussh, baka marinig ka nila. Tsaka diba sabi nung ate kanina, 5 minutes daw. Eh 1 minute pa lang ang nakararaan eh."

"Eeehhh!!! Ang tagal talaga!!!" Napailing na lang ako sa turan ng kaibigan ko. Ngunit napangiti rin ako ng kaunti pagkatapos. Di ko talaga akalaing magkakaroon ako ng kaibigan ngayong taon ito. Bukod pa don ay isa siya sa pinakamayamang estudyante sa buong Academy, considering na lahat naman mayaman ang mag-aaral don.

Makatapos ang apat pang minuto ay dumating na nga yung in-order namin. Sakin yung cheesecake at ice tea samantalang kay Anie naman yung Strawberry shortcake at four seasons na juice drink. Pagkatapos mailapag ng waitress yung plato sa harapan namin ay hindi naghintay pa si Anie, kanina niya pa ginawa yon eh. Kinuha niya agad yung maliit na tinidor atsaka sinimulang lantakan ang cake na nasa kankyang harapan.

Habang siya ay busy na sa pagnguya ay tiningnan ko muna ang cheesecake na in-order ko. Tulad nga nung nasa picture ay napakasarap nitong tingnan. Sobrang nakakatakam at pakiramdam ko nga ay naglalaway na ako. Sana naman hindi.

Gusto ko sanang siyang kunan ng litrato kaso yung cellphone ko nga pala makaluma, walang camera. Sayang, napakaganda niya pa namang tingnan. Isa pa, once in a blue moon lang ako kumain sa mga ganitong lugar. Ok lang naman sana kasi puwede ko namang gamitin yung ipon ko para pambayad, ang kaso wala naman akong kasama. Mas gusto kasi ni Nanay na sa bahay na lang kumain ng cake kasi sabi niya puwede namang kami mismo ang magbake, tsaka mas masaya pa daw yon kaysa kumain sa labas.

Dagdag niya pa, maa-out of place lang daw kami don. In which case, sumasang-ayon naman ako. Katulad ngayon, kung titingnan ko yung mga tao sa paligid ay halatang mayayaman sila, kahit nga yung kasama ko ay mayaman eh. Yung mga bags na gamit nila, halatang halata na branded at mamahalin.

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now