Chapter 34: Concerned

504 15 5
                                    

Leila's POV

Natigil ang kasiyahan ng magising na ako. Walang nagtatawanan ngunit pinipilit naman ni James na pagaanin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagkausap sa amin na para bang lahat kami ay kasi sa isang diskusyon, pero wala namang sumasagot sa kaniya maliban kay Patrick na likas na mabait at pati na rin si Anie. Umalis na rin si Mr. Haruki dahil may aasikasuhin daw siya.

Kahit di ko pinapansin, alam kong lahat sila nakatingin sa akin. Lalo na si Bryan.

Nakayuko lamang ako at nag-iisip ng malalim habang linalamig. Ayaw ko silang tingnan pabalik at baka maluha na naman ako. Alam kong kasalanan ko na toh, wala na akong ibang masisisi pa. Bakit ba naman kasi di ka nag-iingat Leila!? Kung nandito si Nanay siguradong magagalit na naman yon. Magagalit siya tapos bigla na lang akong yayakapin habang umiiyak na magiging dahilan upang makaramdam ako ng guilt sa aking sistema.

"Stupid," wika bigla ni Bryan. Napabaling ang tingin namin sa kaniya, kahit ako.

"Why are you so careless! Can't you see that everyone is affected by the results of your actions?!" sigaw niya sa akin. Wala naman akong ibang nagawa kundi mag-sorry. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo at pilit ipinalalabas ang boses na parang hindi yata kayang magsalita.

"Right, say sorry to everyone! Do it right now!"

Tumayo si Anie sa tabi niya. "Bryan please stop."

"No I will not!"

"Tama na yan!" sigaw naman ni Lark na medyo ikinabigla ko.

Please tama na, ayokong mag-away-away kayo. Gusto ko sanang isigaw rin sa kanila iyon pero wala na talagang akong lakas para magsalita pa.

"Shut up Lark! Just make her realize it, sabihin mo sa kaniya kung paanong kasalanan niya ang lahat ng to. She made the lot of you all worried!" Sa pagkabanggit niya ng salitang yon ay umiwas ng tingin sina Lark, Anie at Patrick. Napailing naman si Bryan at tuluyan ng nag-walkout papaalis sa cottage.

Walang nagsalita. Para bang lahat kami ay nag-aantay na may mag-take ng lead to keep the conversation going. Tuluyan na akong naiyak, ba't kasi ganito? Gulo na naman yung dala ko.

"Sorry…" ang sabi ko at pilit na sinundan ang mga yapak na iniwan ni Bryan. Pinigilan sana ako ni Lark pero tiningnan siya ng ate niya na para bang may ipinapahiwatig na hayaan na lang ako. Tumango at ngumiti naman ako kay Anie bilang pasasalamat.

Paika-ika akong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Bryan. Nakatayo siya at nakatanaw sa malawak na karagatan. Gusto kong matawa pero mas nangingibabaw ang kalungkutan sa akin.

"Hoy Kupal!" Di niya ako tiningnan.

"Kupal, di bagay sa'yo. Mukha kang unggoy diyan," pagbibiro ko. Wala ako sa posisyon upang magpatawa pero ayokong gawing seryoso ang usapan. Hindi ganito ang usapan ng magkaaway na Mahal na Hari at Diyosang Nerd.

"Sorry…" marahang sabi ko na sapat lamang upang marinig niya. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Alam kong kasalanan ko, hindi kasi ako nag-iingat. Yan tuloy, pinaiyak ko nanaman yung prinsesa ng grupo," saad ko na tinutukoy si Anie.

Habang nagsasalita ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo at pagkahilo. Kahit nahihirapan ay hindi ko iyon ipinahalata. Kailangan kong maging malakas, nasa harapan ako ng lalaking hindi ko maaaring pakitaan ng kahit na anong kahinaan. Pero hindi na talaga kinaya ng katawan ko kaya nawalan ako ng balanse.

Ngunit bago pa man ako matumba ay bigla na lang lumapit sa akin si Bryan upang alalayan niya ako. "Stupid Nerd."

Hindi ako makatingin sa kaniya. Para bang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nang masiguro niyang kaya ko nang tumayo ng tuwid ay binitawan niya na ako.

"S-salamat."

Tiningnan niya lang ako pero maya-maya ay bigla na lang siyang umiwas ng tingin at parang may iba sa itsura niya. Itinatago niya ito pero nakita ko ang aninag ng isang emosyon na nangingibabaw sa kaniya mga mata, puno ito ng sakit ngunit wala akong ideya kung bakit.

Nauna siya sa aking maglakad pabalik, sinundan ko naman siya ng masigurong medyo malayo na ang agwat namin sa isa't isa.

~~~~

Ganon pa rin ang ayos ng grupo kahit nung maggabi na. Ang awkward ng atmosphere at si James lang naman yung tumatawa sa bawat jokes na pinapakawalan niya. Pero nagbago ito ng bigla na lang nagbangayan sina Therese at James. Iba talaga ang dating nilang dalawa dahil kahit si Bryan ay napangiti.

Kinalimutan na ng lahat ang nangyari at bumalik ang sigla nilang lahat, maliban sa akin. Pinili ko na lamang na magpahinga sa labas dito sa may swing na pinalapasan ko ng gabi kahapon. Hawak ko ulit yung kuwintas ni Yuki. Sa pagkakasabi ko ng Yuki ay parang hindi ako yon no… Sa ngayon kasi ay hindi ko pa kinikilala ang sarili ko bilang yung batang may pamilyang mula sa ibang bansa, hindi pa.

Mabuti na lang at hindi ito nawala kanina.

"Senpai!" Kahit hindi lumilingon ay alam ko na kung sino ang tumawag sa akin. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganon eh.

"May desserts nang inilabas si Ate Therese, baka gusto mong kumain," he teased. He knows that I like desserts, same sa ate niya.

"Mamaya na lang Lark, busog pa ako eh."

Tumaas ang kilay niya. Napangiti naman ako. Nababasa ko na kung ano ang nasa isipan niya, nagtataka yan kung bakit ako na hindi tumatanggi sa pagkain lalo na kung libre ay nagsasabing busog pa gayong di naman ako nabubusog.

Tumabi siya sa akin doon sa dating puwesto na inupuan niya the night before. Walang nagsalita sa aming ng ilang segundo hanggang sa binasag ko ang katahimikan.

"Nag-alala sila ng sobra no?" wala sa sarili kong tanong. Tumango siya. "We were all really worried. Aneki was crying, I have no idea if it was real or not."

Kahit nagtataka ay hindi ko na siya tinanong kung bakit ganon yung sinabi niya. Atsaka isa pa… ano ba yung aneki na yun!?

"I was worried..."

"Sorry talaga ha and thank you na rin."

Nanumbalik ang katahimikan sa pagitan namang dalawa.

Napag-isip-isip ko, kailangan ko pa ring mag-sorry at magpasalamat sa kanilang lahat ng maayos. Kailangan kung bumalik doon. Maybe I'm not an extra, siguro kasali na nga talaga ako sa grupo kaya ganon na lang ang mga reaksyon nila.

"Halika na Lark, pasok na tayo. Nagutom ako bigla, ano bang mga desserts ang inihanda nila? Sana naman tinirhan pa tayo, ang takaw pa naman ni James."

Hinintay kong magsalita si Lark na sa ngayon ay nasa likuran ko na sumusunod lang sa akin. Hindi siya sumasabay sa paglalakad ko. Bakit kaya?

"Bagay sa'yo yung swimsuit senpai," ang bulong ni Lark na hindi ko naman narinig.

~~*~~
Translation
Aneki----- older sister

I would like to thank Blue_Luna_chillax for the beautiful cover!!! Thank you so much!!!

~ao_hime😘💙

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now