Chapter 30: Outing (part 1)

498 17 0
                                    

Leila's POV

Lumipas na ng ilang buwan, matapos ang kaunting misunderstanding na iyon between me and Lark ay nagka-ayos na kami. Araw-araw kaming magkasama after class dismissal at hindi ko rin maiwasang maging close sa kaniya.

Halos same lang pala ang ugali nila ni Anie, kaso nga lang ay mas moody itong si Lark at hindi masyadong masalita at showy. Siguro dahil na rin yon sa pagiging lalaki niya. Wait, may connection ba ang gender dito? Di ko kasi alam dahil kakaunti lang naman ang mga taong nakakahalubilo ko sa loob ng campus so mahirap i-differentiate. Alam niyo na, celebrity kasi ako eh.

Anyway, dahil palagi nga kaming magkasama ay mas komportable na rin kami sa isa't-isa. Noong isang araw nga ay may nagawa kaming kalokohan. Naisipan kasi naming iprank yung Nurse na palaging missing in action(MIA). Pumasok kasi siya unexpectedly at dahil na rin sa pagpaparinig ni Nurse Tina ay nalaman ni Lark ang tungkol sa kaniya. Biruin niyo yon, hindi niya pa pala namemeet ang MIA Nurse na ito kahit halos mag-iisang buwan na kaming nag-vovolunteer.

So yung nga, naisipan naming lagyan ng papel na may fresh paint yung upuan ni Nurse MIA. Kulay pula ito at dahil nakawhite siyang pants ay sigurado kaming kitang-kita ito sa malayo. Wala naman non yung Head Nurse kaya feel namin safe kami. Pagnagkataon naman na maibuntong sa amin yung sisi, sasabihin namin na yung art club members ay may pakana. Pumunta kasi sila rito kanina dahil may isang member na nagkalagnat. May mga pintura pa silang dala-dala kaya magandang excuse yon.

Kaso ngalang nabuko kami. Eh pano, nakita pala kami ng isang estudyante na magpapakuha sa ng temperature. Napagalitan tuloy kami tapos naisumbong pa kay Nurse Tina, buti na lang talaga at kay Nurse Tina niya sinabi. Kakampi namin si Nurse eh.

Kunwari pinagalitan kami ni Nurse Tina kahit alam kong sa loob-loob niya ay gustong-gusto niya ng humalakhak sa tuwa. Kami naman yung kunwari humihingi ng sorry kahit ang totoo ay pinipigilang lang sabayan si Nurse Tina sa pagtawa.

Ang kinalabasan ay napilitang umuwi si Nurse MIA kasi wala siyang spare clothes. Pagka-alis na pagka-alis niya ay sabay-sabay kaming napaupo sa kakatawa. Pano ba naman kasi, parang nawalan ng bahay na matitirhan yung mukha niya kanina. Ang epic talaga non.

Sa ngayon ay papunta na ulit ako sa clinic para mag-volunteer. Sa daan papuntang clinic ay naaninag ko ang mukha ng lalaking nagbibigay pa rin sa akin ng nakakairitang feeling, walang iba kundi ang mahal na hari nating si Bryan. Nasa tapat lang siya ng pintuan ng clinic at parang may kinakausap.

Sa mga nagdaang Linggo ay halos wala pa rin namang pagbabagong nagaganap kaya wala namang akong naikukuwento kay Anie. Ang masasabi ko lang ay hindi na kami masyadong nagbabangayan, pero siyempre ay hindi naman mawawala yon. Parang gawi na yata naming magsagutan ng kahit kaunti sa tuwing naghaharap kami. Subalit ang talagang nakakapanibago ay normal na rin sa aming magkaroon ng maayos na usapan.

Dahil kay Anie ay mas napalapit ako sa barkada at sumasabay na rin ako sa kanila sa cafeteria. Sa tuwing nagkakasama kaming lahat ay siyempre may nagaganap na kuwentuhan at kaunting asaran. Hindi naman ako masyadong nakikisali pero minsan talaga ay si Bryan ang natatimingan kong sagutin kapag nagtatanong siya. And maayos naman, simple talk.

Pero hanggang don lang.

So ngayon nga ay nasa may clinic na ako. Napansin naman ni Bryan ang pagdating ko kaya napabaling sa akin ang kaniyang tingin.

"Anong ginagawa ng aming mahal na hari at napadpad siya sa lugar na ito," tanong ko with matching curtsy at napakagalang na pananalita. Ganon palagi, kapag nagsisimula kaming mag-usap ay mahal na hari ang tinatawag ko sa kaniya.

"Drop the act nerd, nandito lang ako kasi may pinapasabi si Stephanie kay Lark. Well nandito ka rin lang naman ay sabay kana sa usapan," sabi niya. Napatingin naman ako sa may pintuan at nandon si Lark na nakatayo at medyo seryoso ang mukha. Nang mapansin niyang tinitingnan ko siya ay ngumiti siya ng bahagya at kumaway sa akin. Nginitian ko naman siya pabalik.

"So ano ganap? Ano raw sabi ni Anie?"

"Well I don't know the details pero sabi niya ay may pag-uusapan daw. Pumunta raw tayo sa meeting room at may sasabihin daw siya. Honestly, dapat si Patrick at magsasabi nito. Bakit kasi ako pa?!" Yung huling bahagi kung saan nagrereklamo siya ay halatang nagpaparinig at hindi ko alam kung bakit pero parang sa akin ito nakapokus. Anyway, hindi ko na lang iyon pinansin at sa halip ay tinanong siyang muli.

"Ano raw sasabihin niya?"

"How should I know!" Sabi niya sabay walk out. Napakibit balikat naman ako. Same old Bryan, Kupal pa rin. Pero habang naglalakad ay napatigil siya at humarap ulit sa amin. Mukhang may nakalimutan siyang sabihin.

"Right, you're exempted sa volunteering shift niyo. Mukhang nagmakaawa si Stephanie sa Head Nurse kaya dumiretso na kaso sa meeting room," dagdag niya tapos umalis na ng tuluyan. Nagkatinginan naman kami ni Lark at parehas kaming nagtataka kung ano bang sasabihin ni Stephanie at kailangan pa talagang i-exempt kami sa pagvo-volunteer.

So wala kaming nagawa kundi dumiretso sa meeting room. Ang meeting room pala ay dapat sanang nagse-serve as the student council room. Dahil nga mga "maharlika" ang mga lalaking iyon; namely sina James, Patrick, at Bryan, ay dito sila palaging nagii-stay. For school purposes lang talaga sana ang room na yon, kaso naging tambayan na dahil sa kalokohan ng magbabarkada. Tinangay lang nila ako kasi wala akong magawa eh, si Anie ang parang lider nila aside from the king.

Pagdating namin doon ay nakaupo na silang lahat. Pumwesto naman kaming dalawa ni Lark sa may gilid ng sofa kung saan may natitira pang space. Napansin ko lang, ang tahimik ata ni Lark ngayon.

Napabaling naman ang atensyon ko kay Anie na ang seryoso rin ng mukha. Ano ba kasi ang pag-uusapan namin ngayon?

"So guys, alam niyo naman na malapit na ang sembreak right?" Tanong bigla ni Anie. Napatango naman kami kahit wala kaming kaalam-alam kung saan ba patungo nag usapang ito.

"And kakatapos pa lang ng exams natin and I know that we're practically drained after makita natin ang results ng exams na yon," pagpapatuloy niya. Tama, kakatapos pa lang nga ng exams at nakuha na rin namin yung results per class and per batch. As usual, second place na naman ako both sa class and batch ranking. Di na ako nag-expect, masasaktan lang ako.

"So yun nga, the exams were draining and the projects were a pain to look at. Pero fortunately naman ay natapos natin ito lahat at sa ngayon ay nakaraos na tayo from all the stress that I just want to say, CONGRATU---"

"Puwede ba Steph, diretsohin mo na kami. May gagawin pa ako eh!" Sabat bigla ni James na halatang inip na inip na sa kaiintay. I'm sure, babae na naman ang aatupagin niyan. May bago nanaman kasi siyang nililigawan, Yung Senior na graduating na and running as Prom Queen. Tapos added information lang pala, yung friend ni Therese na niligawan niya that time na nakita ko sila sa may garden, well di pa nga umaabot ng isang Linggo ay break na agad sila. Ang bilis no.

"Huwag kang atat James, ito na sasabihin ko na."

Napalean forward naman kaming lahat para sa susunod niyang mga salita. Surprise ba to?

"Guys, we are going to the BEACH!!!"

~~*~~

~ao_hime😘💙~

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ