Chapter 45: Ang Kupal na Sinungaling

863 21 0
                                    

Miyuki's POV

The party was perfect. I was announced to the crowd and welcomed wholeheartedly by the wonderful guests. Dahil sa mga itinuro sa akin ni oto-sama ay alam ko na kung sino ang mga taong dapat kong iwasan, kaibiganin at pagtuunan ng pansin sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon. Mahirap na at baka makakuha pa ako ng mga kaaway.

Ngunit kahit nasa trabaho ay hindi ko pa rin nakalimutan ang
pakay ko. Hindi ko inalis sa aking paningin ang lahat ng taong maglalaro sa entablado. Tulad ng aking inaasahan ay nakadikit pa rin na parang linta ang ahas na si Stephanie sa malamig na bato.

Hindi ako magsasawang tawaging ahas ang ahas dahil mukhang hindi na magbabago iyon. Paulit-ulit ko iyong sasabihin para hindi ko makalimutan ang totoong katauhan ng mapagpangap na nilalang sa aking harapan.

Kahit pumuwesto ako sa lugar kung saan hindi masyadong malapit sa kanilang kinaroroonan, hindi ko pa rin pinapabayaan ang aking sarili na hindi mapansin ng taong dapat makaalala sa akin ngayong araw. Sinasadya ko talagang tumayo sa mga lugar kung saan siya nakatingin ng sa ganoon ay makita niya akong tumawa, kumain at magsalita ng katulad sa babaeng hindi niya malilimutan.

Wala siyang kamalay-malay na napupunta na siya sa mga sapot ko at sa mga darating na araw alam kung mababalot at mapupuluputan rin siya ng sa ganoon ay wala siyang takas.

I made sure that the event ended with me in his mind for the whole night.

~~~~

Ngayong araw ay nandito ako sa opisina ni Mr Bryan Floyd kasama si Akari. Nakangiti ako habang hinintay siyang makapagsalita habangnakatuon naman ang buong atensyon ni Akari sa kaniyang cellphone. Hindi kasi siya nakakaintindi ng Tagalog kaya alam kong bored na siya. Di lang ako sigurado kung gumagamit ba siya ng translator o hindi. Minsan talaga di ko alam kung ano ang nasa utak niya.

Pero sa ngayon, mukhang alam ko ang nasa loob ng isip ni Bryan habang tahimik lamang siyang nakatingin sa aming dalawang magkapatid. Ay hindi, mali pala ako.

Nakatitig siya sa akin habang hindi umiimik. Alam ko ang tumatakbo sa utak niya. Na masyado akong katulad ng babaeng minamahal niya, yung akala kong ako pero mali pala.

Hindi ako ang babaeng sinasabi niyang mahal niya. Nagsinungaling siya sa akin pati na rin sa sarili niya at parehas kami naniwala sa kasinungalingang pilit niyang itinatatak sautak niya kahit iba ang nasa loob ng puso niya.

"Umm, hello? I'm sorry but I really need to finish this since I still have an upcoming meeting in about three hours," basag ko sa iniisip niya. Mabuti pang tulungan na siyang makabalik sa katotohanan dahil paniguradong matagal pa iyon bago mangyari kung wala sa aming magsasalita.

Napaubo siya matapos magising sa isang panaginip na puno lang naman ng kaniyang pagpapantasya. Masyado na silang halata ngayon na alam ko na ang mga sikreto nila.  "Forgive me, I think I've been really tired these days. Anyway, so kailangan ni Akira ng tutor?"

"Ah yes, since he's not really well acquainted with Filipino, I figured that he needs a tutor to help him with that. Would it be possible for a classmate or a batchmate to be able to help?" tanong ko rito.

"That could be arranged although I'm not really sure if anyone would be willing to volunteer."

"That's already been taken care of, you see I'm willing to offer scholarships to some of your students, although Akira's tutor would have greater privilege than the rest."

Lumaki naman ang kaniyang mga mata. Nabigla siguro dahil alam kong kakaunti lang naman ang nag-o-offer ng ganitong mga oppurnities sa Academy. Bukod pa roon ay dadagdag rin ang estudyante nila kapag magkakaroon ng extra enrollees na mayroong scholarship. Dahil para lang naman sa mayaman ang tuition fee, bilang lang ang mga estudyante na nakakapasok.

"Are you sure about this?"

"Of course I am Mr Floyd. I'm a teacher and I know how much some students like to study yet can't afford to," dahil isa rin akong mag-aaral na nakapagtapos dahil sa aking pagsisikap. Alam ko kung anong klaseng buhay ang nararanasan ng isang mag-aaral na hindi nakakapasok sa paaralan dahil kulang sa perang pampa-aral ang kaniyang pamilya. Alam ko iyon, at alam ko ring wala siyang ideya kung anong klaseng hirap iyon. Iniisip niya lang naman ngayon ang negosyo niya.

"Well we could arrange a test for these scholarships this coming enrolment. The student with the highest score especially in Filipino will automatically become the tutor of Mr Haruki here." I smiled making him flinch.

"Maraming salamat Mr Floyd, well I leave you to it and I will just deliver the funds to your school. It is my pleasure to be of help to your Academy."

Tumayo na kaming dalawa ni Akira at nauna na siya sa labas. Nakatingin pa rin siya sa cellphone niya pero himala ata na alam niyang aalis na kami.

Bago pa man ako makalabas ay tinawag ulit ako ni Bryan dahilan para matigilan ako at mapalingon pabalik sa kaniya. Nakatayo na rin siya ngayon at para bang naguguluhan.

"Have we met before Ms Haruki?" Napangiti ulit ako sa kaniyang katanungan.

"I think you're mistaken Mr Floyd, this is my first time here in the Philippines. And please, I would really like it if you would call me Yuki."

"Yuki...?"

"That's right. Thank you once again but I must be on my way. See you around, Bryan."

Tumalikod na ako at naglakad papalabas ng kaniyang opisina. Hindi pa rin naalis ang aking ngiti, pero sa pagkakataong ito ay walang halong pamemeke ang kurba ng aking mga labi. Sa pagkakataong ito ay alam kong hindi pa rin mawawala ang aking nakangiting mukha at masiyahing boses sa kaniyang isipan.

~~*~~

~ao_hime😘💙~

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora