Chapter 28: Volunteering (part 1)

500 14 0
                                    

Leila's POV

Monday nanaman ngayon ngunit di katulad ng ibang mga Lunes na nagdaan ay masaya ang timpla ng mukha ko. Ngayon kasi yung araw kung saan mag-vovolunteer ako sa clinic. I can't wait, sa wakas ay makakasama ko na naman si Nurse Tina.

Pero mukhang may oras lang pala yung pagtulong ko. Pumunta ako sa clinic kanina at sinabi sa akin nung ng Head Nurse na tanging pag hapon lang ako naka-assign. Pero ok na yon dahil sabi niya may bago rin daw na pasok na mga students na kusang nagsabi na tutulong sila. Sabi ng ni Head Nurse ay may kasama raw ako sa shift ko. Sino kaya yon? Sana naman ay magkasundo kami.

Since meron pa namang oras na natitira bago ang shift ko ay naisipan kong hanapin si Anie. Sain niya kasi binigay yung picture na kinuha namin sa photo booth. Pinapili niya muna ako ng copy na gusto ko. Pero dahil medyo late na non ay sa bahay ko na lang daw pag-isipan. Galit na kasi si Nay at magga-gabi na man daw tapos hindi pa ako umuwi. Medyo nanibago nga ako eh. First time ko kasing gumala na hindi mag-isa o kaya naman ay hindi kasama si Nanay. Tapos first time ko pang abutin ng gabi. Ang daming first time di ko na mabilang bilang.

Sa kahahanap ko sa kaniya ay napadpad ako sa school garden. Napatigil ako at pinagmasdan ang magandang scenery na nasa harapan ng aking mga mata. May malaking puno na nakatayo sa gilid ng hardin at sa paanan nito nakapuwesto ang isang cute looking bench. Teka, benches pala kasi marami sila. Tapos sa isa pang bahagi ng hardin ay may maliit na pond na pinamumugaran ng maliliit at magigiliw na isda.

Napangiti ako dahil sa unang pagkakataon ko pa lamang ito nakita. Ang ganda pala talaga tulad ng mga sabi-sabi ng karamihan sa mga estudyante ng Academy. Hindi naman kasi ako pumaparito dahil mayroong usap-usapan na ang mga couples daw na dito nagde-date ay nagkakatuluyan sa hinaharap. Wait, date ba yon o isasayaw lang naman sa paanan ng puno? Di ko sure basta something na ganon.

Since wala namang akong interes na magkaroon ng nobyo ay hindi ko naman ito binibisita. Akala ko rin kasi ay maraming tao ang tumatambay dito, wala naman pala.

"Sige na kasi Tere, tulungan mo na ako," sabi ng isang tinig mula sa may gilid ng puno. Dahil sa pagkabigla ay napatago ako sa likod ng isang halaman na sobrang kapal ng mga dahon. Teka, di ko naman kailangan magtago ah?!

Pero kahit ganoon ang pumapasok sa isip ko ay minabuti ko pa ring manatili sa posisyon ko. Malamay ko ba kung sino ang mga yon. Baka isa sa mga 'fans' ko pa yan, edi napaaway na naman ako.

"Please! Tulungan mo na kasi ako!" Sabi ulit ng boses na sa ngayon ay nalaman ko ng pagmamay-ari ng isang lalaki.

"Ano ba naman James, I told you I won't! And don't call me Tere, like ew!" Sagot naman ng isang babae. Wait lang, kilala ko tong babaeng to ah.

Two people, a boy and a girl, entered my sight. Yung lalaki ay halatang halata na nagmamakaawa dahil pilit niyang hinahabol ang babaeng hindi man lang siya nililingon. Nang maabot niya ang braso ng babae ay napatigil na ito sa paglalakad. Dahil siguro sa sobrang pagiging desperado ay napaluhod na ang lalaki at pinilit gawing teary eyed ang kaniyang mga mata.

Sabi ko na nga ba at kilala ko ang babaeng to eh.

Ang babae kasing kanina pa hinahabol ng lalaki ay walang iba kundi si Therese, ang Queen Bee. Bakit kaya Tere ang tawag sa kaniya ni James. Ang James na tinutukoy ko ay yung kabarkada ni Bryan na nakilala ko nung gabi ng party. Sa totoo lang ay nakalimutan ko talaga yung mukha niya eh. Siguro dahil sa pagkahulog ka na rin to sa pool, tapos na bagok ko pa yung ulo ko. Pero hindi ko talaga malilimutan ang kinang na yon sa tainga niya. Pareho ng suot niyang hikaw nung party ang suot niya ngayon.

"Please Tere, PLEASE! I'll do anything, tulungan mo lang ako," pagmamakaawa nito. Ano ba kasi yung hinihingi niyang tulong? Napakahirap ba non kaya puro tanggi ang gawa ni Therese?

"Ba't ba naman kasi kita tutulungan na maging kayo ng friend ko?! Hello, kakabreak mo pa lang po dun sa cheerleader na maldita!" Bulyaw sa kaniya ni Therese.

Muntik na akong mapaubo dahil sa narinig ko. Bagong nililigawan?! Tapos kakabreak lang?! Wow, napakababaero pala nito ni James ah. Pero infairness, close sila ng maarte nating Reyna.

May sinabi pa si Patrick pero hindi ko na ito marinig, ang hina na kasi ng boses niya. Walang ano-ano ay bigla na lang nag-walkout si Therese at naiwang mag-isa yung loko-lokong James. Sa itsura nang mukha nito ay makikitang gumana yung pa-awa effect niya. Ang lakas ng ngisi eh. May patalon-talon pa at pasuntok sa langit na nalalaman.

Napailing na lang ako dahil sa kalokohang inaatupag ng kabarkada ni Kupal. Ganon ba talaga sila? Mukhang si Anie at Patrick lang ata ang matino sa grupo.

"Huy," sigaw ng isang boses sa likuran ko na naging dahilan para mapatalon ako sa gulat. Hinarap ko naman ang walanghiyang taong gumulat sa akin at tumambad sa aking paningin ang nakatawang si Patrick at ang pa-cool na si Haring Bryan.

Tss, akala ko pa naman matino ang lalaking to. Isa rin pala.

"Ano ba naman Patrick, ba't mo ba ako ginugulat?!" Sigaw ko sa kaniya sabay hampas sa kaniyang braso.

Tumawa lang siya at binale-wala ang pagmamaktol ko. Si mahal na hari naman ay nakatingin lang sa amin ang para bang walang pakialam na naririto ako sa harapan niya. Eh pakialam ko rin, bahala siya sa buhay niya.

"Sino ba kasing tiningnan mo diyan ha? Nagmumukha ka kasing stalker. Sinusundan mo ba yung crush mo?" Pangangantiyaw niya sa akin.

"Ha ha ha, grabe nakakatawa. Fyi lang ha, napadaan lang ako rito. Hinahanap ko kasi si Anie, malay ko bang makikita kong nagdadrama si James sa harapan ni Therese," sabi ko.

"Nakita mo si James?" Ay wow, nagsalita ang pipe. Isa itong himala.

"Saan siya pumunta?" dagdag pa nito. Kahit medyo naiinis pa rin ako sa pagmumukha niya ay itinuro ko na lang sa kaniya ang dinaan ni James. Mabuti na rin yon para umalis na siya sa harapan ko.

"Papunta siya don."

"Let's go Rick, baka matakasan na naman tayo ng babaerong yon," Pumanhik na ang dalawa patungo sa direksyon na aking itinuro. So confirmed. Babaero nga ang sira ulo. Bahala sila sa mga buhay nila. Pupunta na lang ako ng clinic at baka hinihintay na ako ni Nurse Tina roon.

Pagpasok ko sa loob ng clinic ay walang tao. Wait meron pala, isang lalaking nakatalikod na busy sa pagsasaayos ng mga files ng clinic. Sa uniform nito ay masasabing isa siyang estudyante. Siguro eto na yung sinasabi nilang makakasama ko sa shift.

"Ah, excuse me. Isa ako sa mga volunteers. Ano na ba ang mga natapos mo nang gawin at yung mga hindi pa para naman makatulong na ako."

Humarap sa akin ang lalaki. Lumaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahang siya ang makikita ko ngayong makakasama ko every afternoon before class dismissal.

"Oh, hi senpai," sagot niya.

"Bakit ka nandito Lark?"

~~*~~

~ao_hime😘💙~

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now