Chapter 29: Volunteering (part 2)

461 15 0
                                    

Leila's POV

"Oh, hi senpai."

"Bakit ka nandito Lark?" tanong ko na punong-puno ng pagtataka. Anong ginagawa niya rito?

"Uh, senpai, nandito ako para mag-volunteer. Isn't it obvious?" Sagot niya pabalik. Umiiral na naman yung ugaling ipinakita niya nung sinabihan niya ako tungkol sa ate niya. Ano bang tamang term don? Hambog? Pilosopo? Hign maintenance?

"Volunteer ka? I mean oo volunteer ka nga kasi nandito ka. Umm what I mean is, bakit ka nag-volunteer?" Nakakapanibago naman kasi, di ko naman inexpext na mahilig pala siya sa mga ganito. Di ko alam kung bakit pero parang batugan ang unang impression ko sa kaniya. Ang rude ko ba? Well wala ako care kung ano isipin niyo. Sige lang isipin niyo ako, ang ganda ko no.

(A: Leila stop, out of character ka na naman -_-)

"Why? Am I not allowed to do volunteering?" sabi niya habang nakakunot ang noo. Ang sama na rin ng tingin niya. Hala, ginalit ko ba siya?

"Hindi naman sa ganon pero kasi… you don't seem like a, well like a--"

"You know what never mind. Yung mga papers na naandon tapos ko ng i-check. Can you please just sort them out," putol niya sa akin. Eh hindi ko masabi eh. Sige nga, kayo magsabi sa kaniya ng batugan ng hindi natatakot sa tingin niya. Nakakatakot eh, pero mas nakakatakot pa rin yung kay otor. Kung kay Lark parang mangmumurder, kay Otor para yung serial killer na mahilig itorture mga biktima niya. Pero shush lang readers, wala kayong narinig mula sa akin ha. Secret lang natin yon.

Dumiretso na ako doon sa itinuro niyang tambak ng mga papeles. Habang nagso-sort ng mga papers ay hindi ko napigilang tumingin sa kaniya ng pahapyaw lang. Kasi naman. May magagalit na naman sa akin. Ok lang naman kung marami akong haters kasi marami naman talaga at wala naman akong pake sa kanila.

Pero iba yung may nagagalit sayo kasi may nagawa kang mali and alam mo iyon. Yung mga haters ko kasi galit sila because of my beauty, eh hindi ko naman kasalanan yon. Likas na sa akin ang pagiging diyosa. But ngayon, may jinudge na naman akong tao, bad ko talaga minsan.

(A: mag bagong buhay ka na kasi. Kaso mahirap ata yon kasi likas na rin sa'yo ang pagiging bad)

Stop otor, parehas lang tayong bad. Ang bad mo sakin eh.

Habang nagtatrabaho ay nakakakunot pa rin ang noo ni Lark. Di ko alam kung dahil ba sa akin o dahil busy siya. Pero nagi-guilty pa rin ako, kaya iniisip ko nalang na kasalanan ko para makapag-sorry ako mamaya. Kung hindi kasi ay hindi ako niyan hihingi ng tawad, ang taas ng pride ko minsan eh.

Buong hapon ay walang nagkibuan sa amin. Dumating na si Nurse Tina and after awhile and nagkuwentuhan kami as usual. Tahimik pa ring nagtatrabaho si Lark sa gilid at hindi ko maiwasang mapansin yon.

Matapos ang ilang oras ay napagpasiyahan kong umuwi na dahil nagtext na rin si Nay, may gagawin pa daw kami. Naghanda na akong umalis at nakapagpa-alam na rin ako kay Nurse Tina. Wala pala yung isang Nurse na nakabangayan niya nung isang araw, absent na naman siguro.

Habang papaalis ay binalingan ko ng tingin si Lark. "Bye Lark, una na ako." Kumaway lang siya sa akin habang nakayuko at nagsusulat pa rin. Wait, kaliwete siya ah.

Nakasimangot naman ako, siguro galit talaga siya sa akin. Ang sama ng itsura ng mukha niya eh. Pero gwapo pa rin. Ganito  ba talaga ang mga mukha ng kabarkada at kamag-anak ni Anie, lahing mga gwapo't magaganda? Ako nga nerd lang, pero at least diyosa.

Ang sumunod na mga araw ay ganon pa rin. Hindi kami nag uusap, simpleng hello lang at kung mayroong kailangan something about don sa trabaho. Nag-assist rin kami kay Nurse Tina sa tuwing may mga pasyente, buti na lang wala namang mga malalang cases.

Pero siguro napuno na rin ako dahil wala talagang pagbabago, ganon ba talaga kalala yung ginawa ko? Linapitan ko si Lark at diretsahan ko siyang tinanong.

"Galit ka ba sa akin?"

Bigla naman siyang napatingala at tiningnan ako ng para bang may mali sa akin. May nasabi ba akong mali?

"Why would I be angry? May ginawa ka ba?" Tanong niya bigla na nagpanganga sa akin. Hindi siya galit?

"Eh kasi nung ano, nung first day ng volunteer parang may nasabi akong rude sayo. Di mo ba natatandaan? Tsaka palaging nakakunot yung noo mo tapos ang sama pa ng tingin mo, edi ba signs yon na galit yung isang tao?" Pag i-explain ko with matching kumpas ng kamay at taas ng boses. Nakanguso pa nga siguro ako. My gosh Leila, ipinapahiya mo na naman ang sarili mo. Ba't kasi di ka na lang nanahimik.

Tiningnan niya ako ng ilang segundo. Maya-maya ay unti-unting lumawak ang ngiti sa kaniyang labi hanggang sa tuluyan na siyang tumawa ng malakas. Uy, May mali na naman ba sa sinabi ko? May nakakatawa ba? Sabihin niyo sa akin readers, otor, ba't siya tumatawa?!

Mas lalo pa akong napanguso dahil sa reaksyon niya. Ano ba kasing nakakatawa?

"Grabe senpai, nakakatawa ka pala! Di ko alam na mayroon ka ring childish side kung minsan. Yung mukha mo, it was like a kid who got her Teddy bear stolen," sabi niya tapos pinigilang tumawa ulit. Nakasimangot naman ako, so ganon pala. Katawa-tawa pa la yung mukha ko. Tsaka hindi ako mukhang bata noh, sa uulitin mukha to ng isang diyosa!

I rolled my eyes atsaka tumalikod sa kaniya para bumalik sa ginagawa ko. "Bahala ka nga diyan, mawalan ka sana ng hininga sa kakatawa."

Habang nagsusulat ay napaisip ako, first time niyang tumawa ah. Palagi kasi siyang nakapoker face. Parang wala siyang pakialam sa palibot niya. I think ngumiti rin siya noon one time, pero tipid lang at medyo nakakatakot pa nga eh. Ngisi at tamang tawag don at hindi ngiti.

As I was thinking about his laughing face, bumalik sa akin yung sinabi niya kanina. Para daw bata yung mukha ko. Siguro dapat i-take ko na lang yun as a compliment. Di ba kasi ang mga diyosa hindi tumatanda at ang mukha naman ng bata, specifically their skin, ay makinis at malambot. So in my own interpretation, ang ganda ko talaga. Napangiti ako ng wala sa timing dahil sa naisip kong yon.

"Why are you smiling?" Tanong niya bigla na gumulat sa akin.

"Wala lang, may *ehem*, may naalala lang."

"…Ok," sabi niya naman na nakataas ang kilay. "Listen, sorry kung medyo iba yung naging impression ko sa'yo."

"Ok lang yon, sorry din kasi naging mean ako. Anyway, tanong ko lang, bati naman tayo diba? Yung last time kasing pag-uusap natin nung birthday mo ay mukhang may galit ka sa akin... Wala naman diba?" Ang tagal ko na rin yung pinag-iisipan eh. Para kasing may galit siya sa akin nun lalo na nung sinabi niya na wala akong alam tungkol kay Anie.

"Oh that, I'm not angry. I was warning you. Mag-ingat ka pa rin. I heard na nag-bonding daw kayo nung Sabado, huwag ka sanang magpalinlang," he said then went back to what he was doing awhile ago.

Napatulala naman ako. Anong mali kay Anie? Ano ba to?! Ba't parang may malaki na naman akong problemang haharapin! Una si Therese, then s Bryan, tapos yung tunay ko pang ina, ngayon si Anie naman?! Otor may galit ka ba sa akin? Sabihin mo lang para matapos na to

(A: :-P)

Matapos kong makawala mula sa pag-iisip ay nagsalita na naman yung normally cold and moody na lalaki.

"Oh and senpai, thank you nga pala sa gift. I like the scent," sabi niya sabay ngiti. And I lost myself once again.

~~*~~

~ao_hime😘💙~

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon