(✔️) Chapter 1: First Day of School

2.9K 64 5
                                    

Leila's POV

Binasag ng isang nakaririnding tunog ang aking mga tainga at napamulat ako ng aking mga mata habang nakasimangot.

Ano ba yan, ang ingay!

Pesteng alarm clock naman to oh, ang sarap pa naman ng tulog ko. Pati yung panaginip ko naudlot pa! Ako na sana yung magiging valedictorian eh!

Tiningnan ko agad ang oras matapos akong mahismasan at makalimutan ang pagkainis sa nakaririnding orasan. 5:30 pa lang ng umaga, ang aga-aga pa. Pero ayos na yun para magpalipas oras muna sa library at baka maabutan ko pa dun sa room ang mga bruha.

Hay nako, first day of school nanaman. Bagong araw na naman sa impyerno. Pero siyempre, biro lang yon. Hindi pa naman talaga siya impiyerno, pero malapit na, kaunting push na lang.

Tumayo na ako at nag-ayos ng higaan matapos ang isang buntong hininga. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Nang makabihis na ako ng damit para sa pagpasok sa paaralan ay pumanhik na ako papalabas ng kuwarto.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko ang aking nanay sa harap ng mesa at kasalukuyang naghahanda ng aming agahan.

"Magandang umaga Nanay Elena," ang bati ko sa kaniya.

"Magandang umaga rin anak. Halika na at kumain na, " bati niya pabalik.

"Sige po."

Si Nanay Elena ang nag-aruga saakin simula pagkabata. Ampon lamang ako ni nanay. Binigay raw ako sa kanya ng isang di kilalang babae na nagsabi sa kanyang alagaan daw ako hanggang sa magdalaga.

Ngunit ang ayaw ko sa kuwento ni nay ay ang part na kung saan babalikan daw ako ng aking tunay na mga magulang pagdating ng tamang panahon.

Hindi naman sa galit ako sa kanila pero napamahal na kasi ako kay nanay eh. Atsaka, bakit nga ba talaga nila ako ipinamigay kung puwede namang sila mismo ang mag-alaga sakin diba?

"Hoy nananaginip ka na naman ng gising! Dalian mo na nga dyan at baka mahuli ka pa sa klase," bulyaw ni nanay sa akin. Panira talaga si nay.

"Opo, bibilisan na po," sabi ko.

Pagkatapos kong kumain, naghanda na akong umalis.

"Nay alis na po ako," ang pagpaalam ko sa kaniya.

"Sige anak ingat ka." Kumaway siya sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya. Lumabas na ako ng bahay atsaka tinahak ang daan papuntang paaralan.

Naglakad lang ako papuntang Academy, malapit lang naman ito eh. Bukod sa scholarship ay ito pa ang isa sa mga dahilan kaya doon ako nag-aaral. Malapit lang kaya di na ako mamomroblema sa pamasahe.

Third year highschool na ako at scholar sa Williams Academy. Isa itong paaralan para sa mga mayayaman at matatalino, at kasama ako sa mga iyon.

Matalino kaya ako! Hindi nga lang mayaman. Ako nga sana ang valedictorian sa klase namin kung di lang dahil sa favoritism.

Ba't ba kasi naimbento ang favoritism na yan eh! Sakit lang naman sa ulo!

Nang makaapak na ako sa tapat ng Academy, wala namang ipinagbago kahit unang araw pa lang ngayon ng pagbabalik sa paaralan. As usual, bida na naman ako sa umaga.

'Ayan na naman si nerd oh.'

'Ki aga-aga nasira agad ang araw ko dahil sa mukha ng nerd na yan.'

'Feelingera talaga. Akala mo maganda, hindi naman.'

Sa pakikinig ko sa mga pabulong nilang sinasabi, kahit hindi naman talaga bulong kasi naririnig ko nang sobrang linaw, isa lang ang masasabi ko. Ang sikat-sikat ko talaga sa paaralang to!

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now