Chapter 56: Empty

732 19 1
                                    

Chapter 56: Empty

Miyuki's POV

Ulan. Bakit ba kailangan na namang umulan?

Sa gitna ng malalaki at malakas na buhos patak ng ulan, naglakad akong parang si Sisa; nasisiraan na ng bait. Pero hindi ko hinahanap si Crispin o si Basilio.

Iba ang hinahanap ko eh. Ang problema lang, hindi ko alam kung ano iyon.

May kulang pa ba? Diba natapos na? Wala namang problema diba? Nakuha ko na ang gusto ko, nakita ko na kung ano ang gusto kong mangyari.

"Hoy!" sigaw ko sa mga ulap at malawak na kalangitan. "Bakit mo ba kailangang magpaulan ha? Mukha ba akong malungkot?!" Dinuro-duro ko ang mga maiitim na ulap. Baliw na ata talaga ako. Pati yung mga bagay na wala namang buhay ay kinakausap ko.

Pero hindi ko inaasaan na may ibibigay itong sagot sa akin. Isang nakakasilaw na kidlat na sinundan ng isang nagdadabog na kulog ang umalingawngaw, parang sinasabihan akong pawang mga kasinungalingan lang naman ang mga sinsabi ko.

"Puwede ba? Tumigil ka nga! Hindi ako malungkot at mas lalong hindi ko kailangan ng kadamay! Tingnan mo oh, ang saya-saya ko pa nga!" Nakatingala ako habang pilit na bumubuo ng isang malapad na ngiti gamit ang aking mga kamay, pilit na pinapanatili ito sa isang malawak na kurba. Pagkatapos noon ay napatawa ako sa mga pinaggagawa ko.

"Nakita mo yung ngiting iyon? Tumawa pa ako ha, kulang pa ba iyon para sa iyo? Masaya ako, maniwala ka na lang kasi! Nakita mo naman diba, umiiyak na parang isang bata ang aking kawawang traydor na kaibigan at sigurado rin ako na sa mga oras na ito ay nagtatalo at mas lalong nagkakalabuan na ang nakakadiring dating magkasintahan. See, that's a more than enough reason para magsaya ako!" Kulang pa ba talalaga iyon para sa isang hamak na kalangitan? Hindi pa ba iyon sapat para maniwala siya?

Masaya ako, yan naman talaga ang totoo. Nawasak ko na ang sarili nilang mga mundo gaya ng pagwasak at pagsira nila sa akin.

Pero kahit anong sabihin ko ay hindi ko magawang kumbinsihin ang mga ulap na patuloy lang sa pagbuhos ng malamig na patak ng ulan at parang walang planong tumila.

"Ano ba, tumigil ka na nga! Masaya nga kasi ako!" ang muli kong sabi. Tumawa at humalakhak akong muli kahit wala namang dahilan. Teka, may dahilan diba?

Masaya ka Miyuki, kailangan mong magdiwang! Nakuha mo na, hindi ka na muling aapakan ng walang hiyang mga traydor na iyon. You have it all, isn't it enough?

Masaya ako at alam ko iyon, pero bakit ako umiiyak?

Kasabay ng ulan, bumuhos ng walang tigil ang mga luhang hindi ko man lang malaman kung bakit nagpaparamdam. Bakit ako umiiyak? Bakit ako lumuluha?

Bakit?!

Wala akong dahilan para maging ganito, pero bakit parang pinipiga ang puso ko? Bakit masikip ang aking dibdib at parang hindi ako makahinga? Walang dapat maging dahilan para magkaganito ako dahil wala namang problema.

Wala namang problema eh!

Parang isang pelikula na nagpakita sa aking muli ang nakaraan, mula sa pinakaunang araw ng high school hanggang sa kasalukuyan.

Isang taon, hindi-- buong buhay ko hanggang sa makapasok ako sa Academy, sa loob ng mga panahong iyon ay palagi akong nag-iisa. Walang sino man ang lumalapit sa akin maliban na lang kung kakantiyawan at kukutyain nila ako dahil mahirap, pangit, at naiiba ako. Walang sino man ang bumalak na makipagkaibigan sa akin. walang sino man ang kahit na bumati man lang sana ng magandang umaga o kaya piniling makiupo sa tabi ko sa tuwing kakain ako sa cafeteria.

Ako lang. Mag-isa.

Sabi ko ayos lang, di ko sila kailangan. Pero masakit eh.

Akala ko magbabago na iyon, pero mali pala ako. Kaya eto ako, nag-iisa pa rin hanggang ngayon.

Masakit eh, sobra!

"Wala ba talaga akong karapatan para maging masaya? Wala ba talgang akong karapatan para magkaroon ng kasama?!" Napaupo ako ng tuluyan sa basang kalsada. Parang isang basang sisiw akong humahagulhol at nagwawala, ni walang pakialam sa sasabihin ng iba kung sakaling makita man nila ako.

Bumalik sa akin ang sinabi ni Claire kani-kanina lang. "Wala kang pinagkaiba sa kanila!"

Siguro nga tama siya. Kaya siguro ako nagkakaganito dahil pinaparusahan ako ng langit sa kahibangan ko. Siguro nga tama siya, isa akong masama at walang pusong tao. Pero kung ganoon nga, wala na ba talagang karaptang maging masaya ang isang halimaw?

"Nakaka-awa ka Leila," ang tanging nasabi ko sa aking sarili.

"Senpai..." Napatayo ako. Bakit siya nandito? Bakit ganito na naman ang senaryo? Kung kailan nasa ilalim ako at nagluluksa, bakit siya palagi ang nandiyan?

"Why are you here?" ang tanong ko. Nawalan na ako ng lakas para isigaw iyon sa mukha niya. Pagod na ako.

"Senpai, why didn't you tell me? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Noong sumayaw tayo sa garden, don sa party mo--" Napatigil siya at huminga ng saglit. "Doon sa sementeryo, bakit hindi ka nagsalita?"

"Umalis ka na Lark, samahan mo ang ate mo," ang sabi ko, binalewala ko ang mga tanong niya. Hindi ko kailangang sagutin ang mga iyon. Ang sarili ko ngang mga katanungan ay hindi ko mahanapan ng sagot, bakit ko ba siya kailangan bigyan? Bakit ba ako na lang palagi ang nagbibigay ng sagot?

Bakit puro na lang 'bakit' ang nasaabi ko?!

"No, hindi ako aalis," ang mariin niyang pagtanggi.

"Bahala ka sa buhay mo," ang sagot ko naman gamit ang garalgal kong boses, dahilan siguro ng walang tigil kong pag-iyak. Tumalikod ako sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit habang inihahakbang ko ang aking mga paa katulad ng isang nabubuhay na bangkay, naramdaman ko ang init ng yakap mula sa mga bisig na nagpahinto sa akin. Lumaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa kasalukuyang nangyayari.

"Senpai, hindi kita iiwan."

Nahihilo na ako at nanlalabo na rin ang paningin ko, pero kahit ganoon ay malinaw na malinaw ang pagkakadinig ko sa mga sinabi niya.

"Senpai, aishiteru yo."

Iyon ang huli kong narinig bago mawalan ng malay. Iyon ang huli kong narinig mula sa kaniya, at sa ngayon, habang nasa loon ako ng eroplano pabalik sa Japan, iyon lamang ang pauli-ulit na sinasabi ng aking nalilitong isip at pusong naguguluhan.



~~*~~
Translation:

Senpai, aishiteru yo. (Senpai, I love you.)
Senpai (upper classman)


Yehey!!! Omg, EPILOGUE NA PO ANG NEXT!!!! Sobrang saayaa kooo! Kapag naupdate ko na yon, first completed story ko toooo! Otor is so happy dear readers!

Handa na ba kayo sa ending?

ps. sorry po kung natagalan, at kung mapapansin niyo, parang nangingibabaw ang tagalog no? Nagbabasa kasi si ako ng El Filibusterismo, hinahawaan ako ni Rizal xD. And yes po, dahil doon hindi ako nakaupdate plus research namin. Sorry po talaga!

~ao_hime😘💙~

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora