Chapter 13: Third Warning

657 18 1
                                    

Leila's POV

Napatigil ako sa aking narinig mula mismo sa bibig ni Anie. Ang kapatid niya, hindi ko dapat pagkatiwalaan? Anong klaseng paalala yon?

"Pero Anie, di ba kapatid mo siya? Bakit naman dapat ganon?" Naguguluhan na talaga ako. Bakit parang napapraning na ata si Anie. Siguro May sikreto itong tinatago na yung kapatid niya lang ang nakakaalam. Baka May something na nakakahiya na nangyari nung bata pa sila na ayaw niya sa akin ipasabi.

"Trust me, just don't listen him. Never ever listen to what he says. Whatever happens you have to promise this, ok?" Hala, nagstraight English na siya! Seryoso talaga siya ah. Mukhang wala na akong magagawa.

"Sige, I promise," sabi ko kahit napipilitan lang. Hindi ako tatantanan nito. Ano ba kasing problema sa magkapatid na to. Kahit anong bagay na lang pinag-aawayan.

Ganito ba talaga pag may kapatid? Ang weird naman.

Ngumiti si Anie at mukhang gumaan ang loob niya sa aking sinabi dahil nakahinga siya ng malalim. "Oh sige, tawagan mo na Nanay mo. Malakas ata ang signal diyan sa labas," sabi niya sa kin. Wait yun lang ba sasabihin niya? Importante ba talaga yon? Parang ang babaw naman.

Umalis ako sa harapan niya na naguguluhan at hindi alam ang gagawin kapag nakita ang kapatid niya. Pano ko ba mabibigay tong regalo? Sayang naman kung di ko mabibigay, ipon ko pa naman toh. Siguro ibibigay ko na lang to sa kanya then aalis agad ako sa harapan niya para di na kami mag-usap. Oo tama, di ko na hihintayin kahit magpasalamat pa siya.

Pumunta ako sa harapan ng mansyon sa may magarang fountain. Umupo ako don sa may gilid ng fountain tsaka idenial ang number ni Nanay. Nagriring naman yung tawag pero walang sumasagot kaya tumawag ulit ako sa pangalawang pagkakataon. Ngunit makaraan ang isang minuto ay wala pa ring sumasagot.

Kinabahan na ako sa pagkakataong ito dahil hindi naman nagpapamissed call si Nay. Kapag tumatawag naman ako sa kaniya ay sinasagot niya ito kaagad. Parang nahirapan naman akong huminga at medyo napapaluha na ako dahil sa kakaisip ng kung ano ng nangyari kay Nanay.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang may tumatahol na palang aso sa harapan ko. Hindi ako masyadong mahilig sa mga aso kaya medyo napatigil ako. Naalala ko tuloy yung may kumagat sa aking aso. Bata pa ko nun, mga six years old. Sobrang iyak ang ginawa ko habang nakaupo don sa bangko, tapos bigla na lang dumating si Nanay at.....

"Waaaah, NANAY!!" Sigaw ko habang umiiyak na talaga ng todo. Sa sobrang pag-iyak ko ay natakot ata yung aso kasi tumakbo paalis. Sinundan ko naman ito ng aking paningin at nakita kong lumapit ito sa lalaking nakatayo malapit lamang dito sa kinauupuan ko. Tiningnan lang ako nito na para bang nakakita siya ng alien. Teka, yung kapatid to ni Anie?!

Pinunasan ko ang mga luhang lumabas mula sa mga taksil kong mga mata. Wala namang sipon na lumabas mula sa ilong ko diba? Gosh, nakakahiya ka talaga Leila!!!

Lumapit yung kapatid ni Anie at ako naman itong parang na hindi mapakali kasi di ko alam kung ano ang gagawin. Hindi niya naman ata ako pagtatawanan diba? Wala namang dapat tawanan diba? Otor, I need answers!!!

(A: -_-)

Tumigil siya sa harapan ko habang panay naman ang sunod sa kaniya ng asong tumatahol kanina. Napatulala naman ako. Ano gagawin niya? Ano? Otor, sabihin mo!!

(A: isa pa talaga Leila, babatukan na kita. Pasalamat ka at nagsusulat lang ako dito. Puwede bang maghintay ka na lang. Atat lang? -_-)

Dahil ayaw sabihin ni otor, andito ako ngayon, nakatunganga habang naghihintay kung ano ba ang gagawin o sasabihin ng lalaking to.

May dinukot siyang kung ano sa bulsa ng kaniyang pantalon. Hala, ano yon? Karayom na may lason? Barya? Pera? Siguro bibigyan niya ako ng cash.

Nang makuha na niya ang kung ano mang nasa loob ng bulsa ng yon ay nakita kong panyo lang pala. Kulay blueng panyo na ang ayos ng pagkakatupi. Kung titingnan ay siguradong maayos ang mga gamit nito. Di tulad sa kakilala ko, *ehem* ang kalat ng bag.... Huhuhu T__T

Nagulat naman ako ng iabot niya sakin ang napakalinis na panyo. "Pa-para sa kin?" tanong ko na puno ng pagtataka.

"Ay hindi, para sa aso," pamimilospo niya naman sagot. Medyo nahiya naman ako kaya kinuha ko nalang yung panyo at nag thank you.

Habang pinupunasan ko ang basa kong mga pisngi dahil sa luha ay naupo naman yung kapatid ni Anie sa tabi ko. Ano ba yan, ba't kasi nakalimutan ko pangalan niya, nahihirapan tuloy ako ng paulit-ulit ulit na paggamit ng "Kapatid ni Anie".

Matapos mapunasan ang madungis kong mukha ay naaalala kong hawak ko nga pala yung regalong dapat sana ibibigay ko kagabi. Kahit naiilang ay naglakas loob akong magsalita.

"Ah, ito nga pala regalo ko. Pasensya na kung ngayon ko lang naibigay at kung hindi siya ganon ka mahal. Belated happy birthday nga pala," sabi ko sa kaniya. Tinanggap niya naman yung regalo pero hindi niya muna ito binuksan.

"Thanks, by the way, may tanong and this is the only reason I'm talking to you. Ano ba ang sinabi ni ate sayo?"

Magkapatid talaga ang dalawang ito, magparehas ang utak eh. Parang magkarugtong.

Hindi naman ako makapagsalita dahil bumalik sa akin yung mga salitang binanggit sa akin ni Anie bago ako lumabas sa mansyon.

"Ah, ano... Umm, heheh. Ano kasi---" sabi ko ng pautal-utal dahil wala naman talaga akong balak sabihin. Ano ba naman Leila!? Umiiral na naman ang katangahan mo. Diba sabi ko naman na tumakbo ka agad pagkatapos mong maibigay yung regalo?! Ba't di mo sinunod? Yan tuloy, ipinahamak mo na naman ang sarili mo.

Bago pa man akong magpatuloy ay pinutol na niya ako. Yung para bang alam na niya kung ano ba tong hindi ko masabi-sabi.

"Let me guess, she warned you about me didn't she?"

Ngumiti naman siya at pinigilan ang tumawa. May nakakatawa ba?

"Hindi na talaga siya nagbabago, praning pa rin at napaka predictable. Nee senpai, beware of that stupid sister of mine," sabi niya na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko. Medyo parehas sila ng sinabi ni Anie. Mas lalo akong naguguluhan sa dalawang to.

"Ano bang pinagsasabi mo? Why should I?" sabi ko naman na medyo nagiging mataray na. Hala, lumalabas yung masamang Leila.

"Because you certainly don't know my sister. Di mo siya kilala. You don't know how much of a psycho she is."

~~*~~
Translation:
Senpai-------> Upper classman/senior

~ao_hime😘💙~

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu