Chapter 19: My Hero?

606 22 1
                                    

Leila's POV

Nagising ako na nakahiga sa isang malambot na kama. Sinubukan kong maupo pero sumakit lang yung ulo ko kaya napangiwi at napahiga naman ako kaagad. Ano ba to? Ba't ang hapdi ng noo ko.

"Oh, gising ka na pala." Nabaling ang tingin ko sa taong pinanggalingan ng boses. Nakita ko naman si Nurse Tina na may dala-dalang gamot at alcohol. Nakilala ko si Miss Tina nung mga panahong nagka anemia ako dahil sa sobrang pagpupuyat. Sunod-sunod kasi non yung mga test na ibinigay sa amin kaya hindi talaga ako tumigil sa pagsusunog ng kilay. Kaso ang problema, di kinaya ng katawan ko. Kaya naman nahimatay ako sa kalagitnaan ng klase which is yung yung dahilan kung bakit kami naging close ni Nurse Tina. Alumni rin kasi siya ng Academy at dati ring scholar kaya relate siya sakin.

Teka nga pala, ba't ba ako nandito?

"Ah, Nurse Tina. Bakit po ba nasa Clinic ako? Ano po bang nangyari?" tanong ko na puno ng pagtataka. Sumasakit rin kasi yung ulo ko kaya hindi masyadong matandaan yung mga nangyari.

"Di mo ba natatandaan? Natamaan ka kanina ng volleyball kaya nakatama yung ulo mo don sa batong malapit sa kinalalagyan mo. Mabuti na lang at sugat lang yung natamo mo at hindi naman masyadong malala," sagot naman ni Nurse na puno ng pag-aalala.

Sa mga salitang isinambit niya, pumasok sa utak ko ang lahat ng nangyari nung mga oras na yun. Medyo nagdadrama ako at naligaw pa nga yung mga pasaway kong luha kaya hindi namalayang matatamaan na pala ako ng volleyball. Hay nako, pangalawa nato ha. Una nahulog ako sa pool, tapos ngayon naman ay nasapul pa ako ng bola at nakatama sa bato. Sana naman hindi na madagdagan pa. Baka talaga natuluyan na ako at kunin na lang ako ni Lord bigla.

Sumakit naman bigla yung ulo ko kaya biglang lumapit sa kin si Nurse.

"Oh, dahan-dahan lang, baka lumaki pa yung sugat mo," paalala sa akin ni Nurse. Eh to talaga si Nurse Tina, masyadong maalaga at maalalahanin. Kaya magaan ang loob ko sa kanya eh.

"Nga pala, hindi na tayo masyadong nagkikita ah. Kailan ka ba ulit tutulong dito sa clinic? Miss na kita Leila," sabi niya habang nakapout. Ang cute niya tuloy tingnan.

At oo nga pala. Matapos akong madala dito sa clinic ay pinagpasiyahan kong mag-volunteer para matulungan siya. Tatlo lang kasi silang Nurse dito at yung isa raw ay palagi pang absent. May mga students naman na nagvovolunteer pero kakaunti lang at yung iba naman ay grumaduate na. Kaso pagkatapos ng isang buwan ay nag-quit muna ako sa pagvolunteer. Marami rin kasi akong ginagawa that time kaya nahirapan akong ipagsabay siya sa studies ko.

"Miss na rin kita. Hayaan mo Nurse Tina, sa susunod na Linggo ay nagse-send na ako ng form para naman may dagdag na katulong ka na rito."

"Talaga Leila? Sure na yan ha, wala ng bawian." Ang cute niya talaga. Parang isip bata lang kung minsan. Kaya love ko yan si Nurse, masyadong masayahin at pala-kaibigan.

"Oh sige po Nurse, puwede na po ba akong umuwi? Mukhang nagtagal na po ata ako rito eh," sabi ko ng makitang alas singko na pala. Mag-aalala nanaman nito si--- Ay wala, wala lang pala. Uuwi na ako dahil late na. Yun lang.

"Sige, puwede ka nang umuwi. Narito na rin yung bag mo, ipinakuha ko na pa rin naman hindi ka na bumalik pa sa classroom niyo. Basta tatandaan mo ha, after three days ay babalik ka dito saakin at lilinisan natin yang sugat mo. Huwag mo rin pala siyang babasain," paalala niya sa akin.

"Opo, hindi ko po kakalimutan."

Kinuha ko naman ang bag ko at isinukbit na ito sa aking likod. Papalabas na sana ako ng clinic ng may naalala ako. Humarap ulit ako kay Nurse Tina at sinubukang kunin ang atensyon niya.

"Ah, Nurse Tina, sino po pala yung nagdala sakin dito sa clinic? Gusto ko lang po sanang magpasalamat sa kaniya."

"Yung nagligtas sa'yo? Dinala ka dito nung lalaking sikat sa buong Academy, sino nga ulit yon? Si--" bigla namang napaisip si Nurse.

Pinakasikat sa Academy? Sino naman yon? Wala naman akong ibang kakilala na sikat sa Academy maliban kay--

"Si Bryan?" Wala sa sarili kong nasambit.

"Yan si Bryan! Oo Bryan nga yung pangalan niya. Diba sya yung nag-first sa batch nyo? Yung sabi mong kalaban mo nga sa honor roll? Pero infairness ha, ang gwapo niya."

Si Bryan, wala naman akong ibang kasama sa paglilinis kundi si Bryan lang naman. Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi sa akin ni Anie nung araw na nalunod ako.

Si Bryan ang lumusong sa tubig para iligtas ka.

Nung una hindi ako makapaniwala. Pero sabi ni Nurse siya talaga yung nakita niyang nagdala sa akin dito. Is this a confirmation? Mabait ba talaga ang Kupal na demonyo na yon.

There's only one way to find out. Kakausapin ko si bakulaw.

"Sige po Nurse, una na po ako," sabi ko na medyo nagmamadali. Alas singko na, baka nakauwi na yon. Hindi ko na hinintay yung sagot ni Nurse Tina dahil baka hindi ko na naabutan si Kupal sa loob ng campus.

Nagpalinga-linga ako sa buong lugar. Pumunta ako sa room, sa library, kahit mga laboratory pinuntahan ko. Sinubukan ko ring hanapin siya sa cafeteria pero wala rin. San ba kasi siya nagsususuot? Gusto niya ba talaga akong pahirapan?!

Sa paghahanap ko ay nakasalubong ko si Anie. Ng makita niya yung benda sa ulo ko ay bigla namang nag-iba yung itsura ng mukha niya.

"Ayla ok ka lang ba?! Napano ka?," Nag-aalalang tanong niya.

"Anie nakita mo ba si Bryan? May sasabihin at itatanong lang kasi ako sa kaniya," tanong ko naman pabalik na tila ba hindi inintindi ang sinabi niya. Pasensya na Anie, emergency lang.

"Kung si Bryan ang hinahanap mo, kanina pa siya umuwi. Bakit, iniwanan ka ba niyang maglinis sa grounds na mag-isa?"

"Hindi Anie, nakatama kasi tong ulo ko sa bato kanina. Sabi raw ng Nurse, si Bryan daw yung nagdala sakin sa clinic. Gusto ko lang sanang iconfirm kung siya nga ba talaga yon."

"What?! Nasaktan ka kanina?! Ba't di man lang sa akin sinabi ni Bryan! Nakasalubong ko na siya kanina tapos di man lang niya ako ininform," bigla namang na papout si Anie kaya napangiti naman ako.

"Huwag kang mag-alala Anie ayos lang naman ako. Konting galos lang. Sige uuwi na lang ako, see you tomorrow," sabi ko sa kaniya. Siguro bukas na lang. Kapag nakita ko ulit si bakulaw, which is hindi malabong mangyari, I'll ask him right away.

"Sige Ayla, take care ha." Paalam sa akin ni Anie. Naglakad na ako papalabas ng gate, pero di pa rin maalis sa isip ko ang mga bagong impormasyon na nalaman ko sa mga araw na ito.

Nalunod ako.

Nalaman ko ang tungkol sa tunay kong katauhan.

Naparasuhan pa ako with matching community service with bakulaw na naging dahilan ng pagkabagok ng ulo ko. Sana naman hindi mawala yung talino ko nito. At sana rin hindi ako mabaliw. Pero atleast, kahit maging baliw ako, maganda pa rin naman.

Tapos ngayon, isang malaking pasabog ang dumating. Ang malignong bakulaw na anak ng demonyong si Kupal na Bryan ang siyang nagligtas sa akin sa pagkalunod at nagdala sa akin sa clinic ng mawalan ako ng malay. Gugunaw na ba ang mundo? Siguro nasa langit na ako.

At oo nga pala, makakaharap ko nanaman si Nanay. Hayst, this will be akward. Leila, go with the flow ka na lang. Hay, bahala na si otor.

~~*~~
Added information po pala. Ang real name ni Leila, which is Yuki means Snow in Japanese.

Anyway thank you for reading and I hope you enjoyed this update. ^^

~ao_hime😘💙~

The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now