Chapter 44: Facing Them

828 22 0
                                    

Miyuki's POV

"Are you ready?" tanong sa akin ni Therese habang nakangiti ng pilit.

"As I'll ever be, eh ikaw?" tanong ko naman pabalik.

Tumango siya bilang sagot. And with a confident smile, pumasok na kami sa loob ng malaking hall.

Nandito kami ngayon sa isang charity event at ito ang pinakaunang party na aking dadaluhan bilang shareholder ng aming company. Mukhang dito rin ako ipapakilala bilang anak ni Kris Haruki na nauna ng nagsagawa ng partnership sa nasabing charity foundation.

This is just one of those parties na kailangang hindi ako mawala para ma-sustain ang magandang social interaction with the other big times. Ayaw ko namang mabahiran ng kung anong tsismis ang pangalan namin, it's too sacred to be tarnished ng ganon ganon na lang.

But there's another reason why I chose to be here.

"Oh, Yuki-san! It's a surprise to see you here! And Rese, nandito ka rin pala." Napabaling ang tingin naman sa pinanggalingan ng boses na masyadong nakakairita sa tainga. Well, she's here.

Show time.

"Hello Steph." Nagbeso-beso kami na para bang matagal ng magkaibigan habang nakakunot naman ang noo ni Therese na tinitingnan kaming dalawa.

"Yuki, you didn't tell me that you've already met," ang sabi ni Therese habang nakalagay ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang baywang. As directed on the script, spot on no mishaps at all.

"Ano ka ba naman Therese, huwag mo namang ipagdamot ang best friend mo. Share you're blessings naman!" pabirong sagot ni Steph. Umm, hello? Hindi po ako bingi at mas lalong hindi ako bobo! So what is this? Isa akong kayamanan na gusto mo ring angkinin? Dream on girl!

"Please, let's just have a good time! I think we should go and check out the fruit punch, oh, and I think I saw cake over there!" sabi ko naman para mabawasan ang namumuong tensyon. Isa pa, alang makakapigil sa akin na kumain ng cake!

"Oh alright, but take it easy on the sweets Yuki, baka hindi na naman magkasya yung mga dresses na ibinibigay ko sa'yo." I rolled my eyes, binabayaran ko naman yon eh! I'm not getting those dresses for free you know, kung makapagsaway to parang ibinibigay niya sa akin yon ng libre.

Maglalakad na sana kami ni Therese papunta sa mesa kung saan naka-display ang mga pagkain ng bigla na lang nagsalita si Steph.

"Before the food, may ipapakilala muna ako sa'yo Yuki!" Ikinawing niya ang kaniyang braso sa akin at saka ngumiti. "You will sure love to meet the group! And Therese, mag-hi ka naman aa kanila oh, antagal na nating di nagkita," pagmamakaawa ni Steph sa kaniya.

Nagkatinginan kami ni Therese na parang nababasa namin ang utak ng isa't isa. Mukhang wala na ngang atrasan to.

"Who are you pertaining to?"

"Just the squad Yuki, we're in this so called group back in high school. I can't believe it's still an item!" pagpapaliwanag ni Therese para maging kapani-paniwala ang tanong ko. Mahirap na, baka may makahalata.

"Well, let's go! Ayun ata sila oh." Itinuro ni Steph ang kaniyang daliri sa may bandang balkonahe ng napaka engrandeng hall.

Dumapo ang aking tingin sa isang grupo ng mga kalalakihan na nakatayo sa may balkonahe at namumuhay sa kani-kanilang mundo. Napansin ko lang na kulang na naman pala sila ng isa, dahil dito ay napabaling ang tingin ko kay Therese na parang wala lang sa kaniya na missing in action na naman ang lalaking yon. Napailing na lang ako at napangiti. Nagbago na nga pala siya.

Lumapit kaming tatlo sa kinaroroonan nila at nauna nang magsalita si Steph para ako'y ipakilala.

"Hey boys! I want you to meet someone, siya nga pala si Miss Miyuki Haruki. She's the one we saw on tv!"

De javu. Nangyari naito noon. At katulad ng dati, pare-parehas pa rin ang kanilang mga reaksyon. Nakangiti ang isa, ang isa'y walang pakialam habang ang isa naman ay patuloy akong tinititigan na para bang kinikilatis ang bawat sulok ng aking katawan.

Pero may mali ata dahil hindi nakabasungot ang taong sa ngayon ay tinititigan ko ng diretso sa mata. Nang bumaling ako tingin ko sa kaniya, nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha na sigurado akong hindi ko pa nakikita noon. Napangiti ako sa aking isipan dahil sa wakas at may epekto na rin ang aking presensya sa mala batong pagkatao niya.

"Etto, Atashi wa Haruki Miyuki desu, yorushiku onegaishimasu," I said then bowed. Sinadya ko talagang mag Japanese para mas magalang kung pakinggan, depende na ag kung naiintindihan rin nila.

"Yorushiku..." ang sagot ni Lark na blanko ang mukha. Medyo nabigla ako sa kaniyang sagot pero hindi ko iyon ipinahalata at sa halip ay ngumiti na lamang.

"Yuki, this is Lark, my brother, Patrick and that one is Bryan." Isa isang nagbigay ng simpleng pagbati ang tatlo at sinuklian ko naman ito ng isang maliit na bow. "Kulang pala tayo ng isa, he's not here but we still have one playboy in the group. He's name is James and I think nandyan lang siya sa tabi-tabi," dagdag ni Steph na parang normal lang talaga yon. Normal lang naman talaga siguro.

"I'm so glad to meet you! Therese isn't really the story teller type but I've got a gist of her highschool life back in Japan. But I'm a bit amused with your set-up, dalawa lang ba talaga ang babae sa grupo?" tanong ko na puno ng pagtataka. Nabigla naman sila sa aking tanong, lalo na si Bryan.

Bakit ka naman mabibigla Kupal? May mali ba sa tanong ko?

"Yes that's true, dalawa lang talaga kami," sabat ni Steph ng sasagot na sana si Therese sa aking tabi. Kahit patago niya itong ginawa, hindi nakatakas aking paningin ang kaiyang mata. Nakita kong pinandilatan ni Stephanie ang inosenteng si Therese na nakatayo sa aking tabi.

Pero pasensya ka na Anie ha, walang boss na pinagsisilbihan ang kaibigan ko.

"I see, well let's not dwell on this stuff, I'm quite starving!" anunsyo ko sa kanila.

Umikot ang mga mata ni Therese at nagsabi, "Yes, we'll have your cake in just a minute..."

Natawa naman ako. "You really can't forget do you? Cake is just delish! I really can't live without it!" Sa mga katagang iyon ay nag-iba ang timpla nina Bryan at Lark. May problema ba sila sa cake ko?!

"How about you guys, don't you want any cake or fruit punch?" tanong ni Therese sa grupo like for the first time ever since we've arrived.

Umiling naman sila ay nagsabing hindi pa raw sila gutom. I thank them all for having me atsaka naglakad na papaalis papunta sa display ng mga pagkain na kani-kanina ko pa talaga binabantayan.

Ngunit bago umalis ay hindi ko kinalimutan ang isang pamamaalam.

I winked at the stone faced devil making his expressions freeze with the unexpected gesture. I'm sure he's the only one who saw, the snake doesn't have to know just yet.

~~*~~
Translations:
Etto, Atashi wa Haruki Miyuki desu, yorushiku onegaishimasu! (Ummm, my name is Miyuki Haruki, it's nice meeting you)

Yorushiku (Nice to meet you)

~ao_hime😘💙~ 


The Nerd's Revenge (COMPLETED) [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon