Chapter 39

2.9K 59 0
                                    

Ken's Point of View

Hila hila kami ngayon ni Mark papunta sa isang warehouse kung nasaan na naroon sila Kate at iba pa naming kaibigan.

Hindi ko gusto ang pinaplano nitong Mark na ito, Alam Kong gagamitin ni Mark si Keith para mapatay niya ang kaaway niya.

Hindi ako papayag na mapatay niya si Kate!

Maraming dugo na ang mga damit namin ni Keith sa minsang pagtatangkang tumakas. Lintek kasi! Mautak ang kingina!

" I'm fucking excited to kill that Era Kate!" Sinamaan ko si Mark ng tingin pero humalakhak lang siya na para bang demonyo.

Inirapan ko siya at tumingin kay Jonas na hindi mapakali. Nung isang araw pa siya hindi mapakali at laging balisa.

Kinadena niya kami sa isang poste at hinintay na dumating si Kate.

Ilang oras kami naghintay bago dumating si Kate kasama sila Empress, David, Louie, Angeana, Gin, Jeff at Trix.


Empress' Point of View

Agad akong kinabahan nang maglabas ng baril si Mark at tinutok ito ay Ken.

Napalunok ako at napatingin kay Kate na walang ekspresyon ang mukha. Nanatili itong kalmado habang nakapamulsa at seryosong nakatingin kay Mark na parang wala lang sakanya ang nangyayari ngayon.

Narinig namin ang paghalakhak ni Mark. "Kate Alcantara! Welcome! Handa ka na bang mamatay?!"

Feeling ko kailangan na talaga naming dalhin itong si Mark sa mental hospital.

Huminto ito at pinaikot ang baril gamit ang daliri niya. "Pero, I have a game for you." Ngumisi ito at nanlaki ang mga namin nang tinutukan niya ng baril sina Ken at Keith.

Nakita ko ang paglunok ni Ken at tinignan kami at obvious na humihingi ng tulong.

Mariin akong napapikit nang makita ang katayuan NG dalawa. Maraming dugo ang nasa damit nila at marami na rin silang pasa.

Kate grinned and let out a sigh. "Pull the trigger then.."

Lahat kami ay nagulat at hindi nakuha agad na makapagsalita dahil sa sinabi niya.

What the hell?!

Seryoso ba siya?!

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nilang lahat habang nanlalaki ang mga mata, napangiwi na lang ako at iniwas ang tingin.

Napapikit sa inis si Mark at sinamaan kami ng tingin. "Ha! Sinusubukan mo talaga ako 'no Kate?! Bat ba ang tigas ng bungo mo?!"

Natawa si Kate ng mahina. "Matigas naman talaga ang bungo ng mga tao.."

Napasintido ako sa sinabi niya at napapailing sa inaasta niyam

Damn! May oras pa talaga siya na mang pilosopo diba?! Eh may ililigtas kami!

Anytime pwede kaming mamatay dito! And worst baka lahat kami mamatay dito ngayon!

Kumunot ang noo ni Mark at binaling Ang atensyo sa iba. "Gin?! Jeff?! Bakit kayo nandiyan?! Ako ang kakampi niyo!" Asik ni Mark kay Gin at Jeff.

"Bakit naman kakampi sayo ang kapatid ko na si Jeff ha?!" Inis na sigaw ni David at kinasa ang baril niya.

Agad akong naalarma at pinanlakihan siya ng mata. Hindi ko nais na mabahidan ng dugo Ang kanilang kamay! At saka baka madamay pa ang iba!

Napasigaw sa inis si Mark kaya kusa ko ng kinasa ang baril ko. "Arrgghhh!!!" Tinutok niya sa ulo nila Keith at Ken ang baril kaya napasinghap ako.

Unexpectedly Married with a GangsterWhere stories live. Discover now