Chapter 4

4.6K 148 1
                                    

Kate's Point Of View

wala akong ganang sumabay na kumain ng almusal kasama ang pamilya ko. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko.

Bumuntong hininga ako at muling sumubo ng pagkain.

"Kate?" Mahinang pagtawag saakin ni Grey kaya napatigil ako sa pagsubo ng kutsara.

Napangiwi ako at tinaasan ko naman ng kilay si Grey.

Anak ng- istorbo sa pagsubo aba.

Bumuntong hininga ulit ako at inis siyang tinignan. "Ano?" walang ganang tanong ko sakanya.

Yumuko lang siya kaya napairap na lang ako. Pfft.

Whatever. I am not in the freaking mood to talk nicely.

Mom cleared her throat kaya napatingin kami sakanya. "ayusin niyo ang trato niyo sa isa't isa." Sabi pa ni Mom pero inubos ko na ang pagkain ko.

Dali dali kong isinukbit ang bag ko, wala pa akong panahon para sa mga pangaral nila. My mind's still at mess at ayaw kong madagdagan ang mga iisipin ko.

Tumayo na ko at ininom ang kape ko. "mauna na ako, Angeana. Sumunod ka na lang."

Agad agad akong lumabas at sumakay sa kotse ko at saka nag-drive.

I heaved a sigh in frustration at inis na binaling ang tingin ko sa daan. Hindi ako galit, sadyang nagtatampo lang ako. Naguguluhan pa rin ako, nakakainis naman kasi. After so many years na maari nilang sabihin na kasal pala ako kay Keith eh bakit ngayon lang?

Napalunok ako. Shet! Makikita ko pala si Keith!

Wag na lang kaya akong pumasok?! I can't stand being with him today, naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.

Ano bang pinoproblema ko? Eh hindi naman niya ako kilala eh!

Kinakabahan pa rin ako dahil what if hindi niya ako magustuhan? Lintik.

I shook my head at pumasok na lang. Hindi pa man ako nakakapasok ng room namin, rinig na rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko. Ang ingay!

Pagkapasok ko ng aming classroom ay nakita ko yung ibang kaklase ko na nagbabatuhan ng papel sa isa't isa tapos yung iba naman nag t-tap sa arm rest nila na parang tanga.

Nahagip ng mga mata ko si Keith na kasalukuyang nakadukdok lang sa lamesa niya, Tulog yata.

Bakit naman puyat ang isang yon?

"Kate!" napatingin naman ako kay Louie at tinaasan siya ng kilay. Sumenyas siya na umupo ako sa tabi niya.

"ohmyghad! Close na sila?!"

"paano?!"

"I'm jealous!"

"saakin lang si Papa Louie!" bakit aagawin ko ba? Kung hindi dahil saakin patay na tong Papa Louie niyo ngayon!

It's kinda weird to call Louie a papa. Jeez.

Umupo naman ako sa tabi niya kasi wala akong choice. Nakita ko lang naman kasing may bubble gum yung upuan ko! Peste!

Sarap kutusan nung naglagay ng bubble gum! Lintik, mas pinapainit ang ulo ko.

"salamat pala uli sa tulong mo kahapon." nakangiting sabi niya pa.

Bakit ba ang hilig nitong ngumiti? Masyadong masaya ang buhay niya, gosh hope all.

"good morning! Eyyy Louie! Anyare dito kay Keith natin?" bungad ni Ken kay Louie at agad na ngumiti saakin.

Unexpectedly Married with a GangsterWhere stories live. Discover now