Chapter 35

2.6K 65 0
                                    

Empress' Point Of View

"Kate.."

Napatayo ako nang makitang biglang pumasok ng mansyon si Kate at nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang biglang basagin ni Kate ang Vase na nasa harap niya.

Napangiwi ako nang makitang galit na galit ito, napatingin ako kay Louie at sa iba nang bigla silang bumaba.

Anong nangyari rito kay Kate?

"Kate.." Mahinang tawag ni Keith kaya tinignan siya nito ng masama. 

Anong nangyayari?

"Who's that girl?" Mariing tanong ni Kate kay Keith na natahimik lang..

Nangunot ang noo ko at tinignan si Keith na nakayuko na lang habang nakapamulsa.

What the heck is happening?

Napaatras kami nang basagin niya nanaman ang vase.

Lintek! Kawawa yung dalawang vase!

Tinignan ni Kate ng masama ang asawa niya. "At talagang ang lakas pa ng loob mong patayin ang tawag ko habang kasama siya ah!" Nanginginig sa galit si Kate.

Ano bang nangyari sakanila?! Takte ang gulo!

Biglang nilapitan ni Kate ang kanyang asawa. "Ano mo ba siya?! Ano ba kayo?! Kayo na ba ha?! Ha?!" Napalunok ako nang makitang kwelyuhan ni Kate si Keith.

Ano ba talagang nangyayari?! Kanina pa sila nag-aaway tapos para kaming tanga dito na nanood ng telenovela.

"Wait! Ano bang meron sainyong dalawa?!" Tanong ni Angeana kaya tinignan lang siya ng masama ni Kate.

Pinigilan ko ang sarili ko na matawa nang makitang natahimik si Angeana dahil sobrang galit na galit talaga si Kate.

"Again, Who's that girl!?" Inis na sigaw ni Kate at napaatras lalo kami nang basagin niya ang salamin.

Eh kung sirain niya na lang kaya buong mansyon diba? Nahiya pa siya.

Nanibago ako nang tinignan siya ni Keith ng walang ekspresyon sa mukha at inalis ang mga pagkakahawak ni Kate sa kwelyo niya.

Ano bang nangyayari sakanila?! Okay pa naman sila nung isang araw.

"She's my girlfriend.."

What....the....heck?!

Agad na nanlaki ang mga mata naming lahat sa sinabi niya, what the hell?!

"Bro?! Are you fucking serious?!" Nagtagis ang ngipin ni David at Louie nang marinig ang sinabi ng kaibigan.

Jeez, I am dissapointed.

"I'm serious.." His eyes stared at Kate and swallowed hard.

Napatingin ako kay Kate na tumingala para pigilan ang pagtulo ng luha niya pero bumagsak pa rin iyon.

"Why?" Tinignan ni Kate si Keith na ngayong nasasaktan rin.

Hindi siya sinagot ni Keith at nag-iwas ng tingin, inis na hinablot ni Kate ang kwelyo ni Keith.

"At kailan pa?!" Kitang kita ang galit sa mga mata ni Kate at aaminin kong nakakatakot siya.

Who ever dares to make a Mafia Queen angry will suffer.

"K-Kahapon..." rumehistro ang takot sa mukha ni Keith kaya napalunok ako.

Hindi ko akalain na matatakot siya sa asawa niya.

Unexpectedly Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon