Chapter 1

10K 212 0
                                    

Kate's Point Of View

"Angeana! Bilisan mo nga diyan! Baka ma-late tayo!" sigaw ko at nagpatuloy sa pagkain.

Bakit ba ang tagal tagal niya?!

Nagmadali naman siyang bumaba at tinignan ako ng matagal. Bakit ba ang tagal tagal neto? Pag ako na-late bibigwasan ko ito.

"What's with the nerdy glasses, Kate?" taas kilay na tanong niya saakin. Hindi ko siya pinansin at kumain na lang.

"Aray naman! Ano ba!" sinamaan ko siya ng tingin matapos niya kong tapikin ng malakas sa braso.

Isang tapik pa saakin neto, sasapakin ko na talaga 'to.

Tinaasan niya ako ng kilay. "tinatanong eh! Bakit may pa nerdy glasses ka diyan? Ano nanaman trip mo ha?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "trip talaga?! Hindi ba pwedeng may misyon lang ako?"

"Anong misyon?!" Biglaan niyang sigaw kaya napasintido ako.

ang ingay naman neto!

"magpapanggap lang habang hinahanap ko kung sino ang lider ng pumatay dun sa mga tauhan ko!" inirapan ko siya at ininom ang kape ko.

"so, anong pangalan nanaman ang gagamitin mo this time?" taas kilay nanaman na tanong niya.

Bat ba ang hilig nitong taasan ako ng kilay?! Sarap bigwasan amp!

"Era Kate Cruz.." I sighed and drank my coffee.

"ayy himala yata teh! Yung pangalan mo ginamit mo!" Tumawa ito ng sobrang lakas. "Pero Kate, paano mo naman nalaman na nasa Elvary University yang lider ng pumatay sa mga tauhan mo?"

Bakit ba ang daming tanong ng babaeng 'to?!

Bumuntong hininga ako. "ewan ko nga eh, Someone sent me an email at sinabing nasa Elvary University daw sila matatagpuan."

Pinanlakihan niya ako ng mata."eh?! Naniwala ka naman?!"

I gritted my teeth. "ang ingay mo naman punyemas! Aayaw ka pa ba? At saka may share kami sa University na yun, Edi free tayo dun. At saka malakas rin kutob ko na nandun sila at pag natagpuan ko sila, I will make them suffer.." nakangising sabi ko.

Sino kaya yung mga yun?! Anong motibo nila sa patuloy na pag patay sa mga tauhan ko?!

Ano na naman ba kasi ang nagawa ko?! Napailing iling ako at pumikit ng mariin.

Lumapit siya saakin at nginitian ako. "Kate, kailan nga pala uuwi si Grey?"

napangiwi naman ako sa tanong niya at inirapan siya.

Kahit kailan, yan lagi ang tinatanong niya saakin, Kung kailan ba uuwi ang kakambal kong si Grey Kyle Alcantara.

Si Grey ay isang well known artist sa ibang bansa and marami ang babaeng nangangarap sakanya at isa na dun si Angena. Hindi ko nais na siya ang girlfriend ng kapatid ko, ang ingay punyeta.

Kaming dalawa ay sinanay sa mga labanan, Palagi kaming binibigyan ng misyon na siya namang gustong gusto namin.

Gwapo at mabait daw yun (sabi nila) sa iba pero hindi para saakin! Tukmol yun para saakin!

"bakit ba ako tinatanong mo?! Ako ba may hawak ng schedule nun?!" Tinignan ko siya ng masama.

"Malay ko ba dun! Tss siya tanungin mo!" Sigaw ko sakanya kaya ngumuso siya. 

Para siyang pato jusko. How to unsee?

Ngumuso ito at nagpaawa pa. "syempre kambal ka niya! Kaya alam kong alam mo.."

Unexpectedly Married with a GangsterWhere stories live. Discover now