Chapter 36

2.7K 56 0
                                    

Almathea's Point Of View

Agad akong pumasok sa kwarto ko nang makaramdam ako ng sobrang antok dahil sa kakabantay kay Keith at Ken kanina.

Masyado akong napagod kakabantay. Lintek naman kasi, bakit ako pa ang pinagbantay?!

Bakit kasi ako ang pinabantay diba? Eh ano namang laban ko sa dalawang yun? Eh gangster yun tsk! Paano na lang kung nakatakas yon, edi patay ako?

Minsan talaga, nawawala na sa katinuan ng pag-iisip nila sila Mark at Jonas. Napailing iling na lang ako at bumuntong hininga.

Hindi ko totoong kapatid si Mark kasi ampon lang ako. Pero hindi rin naman nila ako tinuring na hindi kapatid, maliban kay Ella na saksakan ng arte.

Halos matumba ako nang may biglang nagtapon ng bato sa kwarto ko. Napatili ako at napalayo sa bintana na nakabukas na.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nataranta nang biglang may pumasok sa kwarto ko na naka suot ng mask!

Lintek! Anong kailangan niya?!

"Sino ka?!" Kinakabahang tanong ko sakanya pero ngumisi lang siya.

Napalunok ako, lintek! He or she looks so dangerous. Napasinghap ako nang may makitang may baril ito at kunai. Tumili ako pero agad niya akong nasipa sa tagiliran.

Namilipit ako sa sakit at sinamaan siya ng tingin, halos umurong ang dila ko nang tumawa ito.

"Tawagin mo na lamang akong, Mafia Queen."

Napaatras ako nang biglaan niya akong sipain sa tiyan, hindi ko nagawang makailag nang dagukan niya ako ng baril sa ulo. Ngumisi pa ito bago ako sinabunutan at itinulak ako sa pader.

Shit! Ang sakit! 

"B-Bitawan mo ako!" Nagpumilit ako ng sigaw nang makitang may hawak na siya na kadena.

Napalunok ako. "A-aray!"

Napapikit ako sa sakit nang kinadenahan niya ang paa ko at hinila .

Nagdilim na ang paningin ko nang mas hinila niya ako gamit ang kadena.



Ella's Point of View

"Ellandi!"

Napabalikwas naman ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Nangunot ang noo ko at ginala ang paningin ko, napalunok ako nang makitang bukas ang pintuan ng kwarto ko.

Lintek! Anong nangyayari?! At bakit bukas ang pintuan ng kwarto ko?!

Kinakabahang bumaba ako ng kama at kinuha ang tsinelas ko, lintek! Ano bang ginagawa ko?!

Nangunot ang noo ko nang may marinig akong tumikhim, napatingin ako sa anino at agad na napalayo rito.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang may isang taong naka mask ang nasa loob ng kwarto ko habang may hawak na Baril! Putres! Sino siya?!

Agad akong napalunok nang lumapit siya saakin, halos mapaatras ako nang bigla niya akong sampalin.

Nanlaki ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin, sinipa ko ito sa tiyan pero hindi man lang ito natinag at ngumisi pa ito.

Lintek! Nakakatakot siya! Sino ba siya?!

"Who are you?!" Tanong ko at inambahan uli siya ng sipa pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong nasipa sa tiyan at sinabunutan sa buhok.

Napalunok ako nang itinapat niya sa leeg ko ang kutsilyo na dala pala niya kaya hindi ako nakapagsalita.

Shit! Ang bilis niya!

Unexpectedly Married with a GangsterWhere stories live. Discover now