Chapter 32

2.5K 66 0
                                    

Jonas' Point Of View

Kanina ko pa napapansin na parang galit na galit si Kate. Kasi kanina, kasama ko siya mag training at nataranta kaming lahat nang muntik na niyang mapatay yung tauhan ko. Lahat ng nakalaban niya ay masasabi kong napuruhan.

Geez, ang galing niya talaga. I wonder, if she's really a nerd?

I can't even fight with her, not even Kuya. Baka sa sobrang galit niya ay baka ako pa ang mapatay niya.

which is why? What is happening to her? Is something bothering her? Or someone?

"Ayos ka lang?" Tanong ko at umupo sa tabi niya, inabutan ko siya ng tubig at napabuntong hininga naman siya.

tumango ito at biglang tumayo. "Mm yeah, masyado lang akong nahihinaan sa mga tauhan niyo.." ngumisi ito.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at unti unting napasimangot. What the hell? Gusto niya ba kong patayin sa kaba?

"Sino ba gusto mong makalaban?" kabado kong tanong sakanya at agad na nag iwas ng tingin.

"Ikaw.."

Nahigit ko ang hininga ko nang mapatingin ako sakanya, agad akong napalunok at ngumiti ng pilit.

jeez, I am trained pero hindi ko yata kayang pantayan ang kakayahan niya.

"Bakit ako?" tumayo ako at lumapit sakanya, tinaasan ko siya ng kilay.

"Kasi boyfriend kita." Seryoso niya akong tinignan. "Titignan ko kung gaano ka kagaling sa ganito." Ngumiti ito kaya mas lalo kong kinabahan.

"Yun ay kung..... matatalo mo ako.." ngumisi siya at agad akong napasinghap nang bigla niya akong sapakin sa mukha.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi nang tumawa siya ng mahina. Is this just a game for her? I don't even find this entertaining at all.

"Isipin mo na ako yung kalaban mo.." Nakangisi niya akong sinipa sa tiyan pero agad ko naman itong nasangga.

Pero  sinipa niya uli ako gamit ang isa niya pang paa dahilan para matumba ako, nasipa niya kasi ako sa mukha!

Bakit ba ang bilis bilis niyang gumalaw?!

Inatake ko siya patalikod pero agad niya naman itong naiwasan at nasuntok niya ako sa mukha. Napaigtad ako sa sakit.

Napakagaling niya! at ang sakit niyang manapak.

Hindi ko inaasahan na maiiwasan niya ang pag atake ko kahit na nakatalikod siya saakin kanina.

Hindi ko inaasahan ang pag atake niya kaya hindi ako nakaiwas ng sapakin niya ako sa mukha.

Shit! Bakit ba ang galing niya?!

Bumuntong hininga siya at kinuha ang bag niya "Uuwi na nga muna ako, may pupuntahan pa pala ako ngayon kaya bye!"

"Wait-! Where are you going?" habol ko sakanya nang mabilis siyang tumakbo.

"Basta..." ngumisi ito bago lumabas.

Kailangan kong makahanap ng impormasyon tungkol sa buong pagkatao niya. I can't believe how good she is.



Kate's Point Of View

Palusot ko lang naman kay Jonas na may pupuntahan ako para makauwi na ako, kanina pa ako bagot na bagot don at sa galit ko ay muntik ko ng mapatay ang isa don.

Unexpectedly Married with a GangsterWhere stories live. Discover now