Chapter 22

2.8K 67 0
                                    

JONAS' POV.

"Saan kayo pupunta Jonas?" Tanong ni Kuya saamin ni Ella.

"Sa bahay ng mga Alcantara, gagawa kami ng project.." Sabi ni Ella.

"Sige.." Naglakad na ako palabas at sumakay sa kotse ko.

Yes! Makikita ko si Kate! Excited!!!

Hindi ko talaga akalaing bibigyan niya ko ng chance! Damn!

Nang makarating ako sa mansion ng mga Alcantara, agad na namayani ang katahimikan sa lugar..

Dito kami gagawa kasi nandito si Keith.. Siya ay kagrupo namin. Gagawa kami ng story at gagawin namin na movie at ipapasa namin kay Madam.

"Welcome!" Bati saamin ni Keith kaya pumasok kami.. Agad namang pumulupot si Ella kay Keith.

Spell malandi?

E.L.L.A!

My sister is crazy for Keith..

"Hi Jonas!" Bati saakin ni Kate kaya agad akong pumunta Sakanya.

"Musta?" Tanong ko habang nakangiti..

"Ayos lang, Ikaw?"

"Sobrang ayos! Lalo na dahil alam kong may chance ako sayo!" Natawa siya ng mahina.

"Tsk! Kilig ka nanaman diyan! Sige na nga! Gawin na natin ang project natin!" Tumango na lang kami at gumawa ng kwento.

Eto namang kapatid ko sobrang landi! Kanina pa dumidikit kay Keith!

Pero himala, wala ang babaeng Alcantara.. Saan kaya siya?

"Wala yata ang asawa mo Keith.." Sabi naman ni Ella. Ano ba yan?! Bat ang landi Neto?!

"Wala.." Tipid na sagot ni Keith at bumalik sa ginagawa.

Tumabi ako kay Kate na busy sa pag-gawa ng kwento.

Shet! Ang saya ko Sobra!


KATE'S POV.

Sarap tusukin ng Ellandi na to! Kala niya siguro wala ako tsk! Landi talaga!

"Ang galing mo palang gumawa ng mga kwento.." Jonas said.

Pilit na ngiti lang ang ginawad ko sakanya. "Hindi ah!" Pagtanggi ko.

Siguro kaya ko naman pakisamahan ng onti tong dalawang magkapatid na to.

"Tapos na ba kayo sa paggawa ng kwento?" Tanong saamin ni Keith na halatang naiinis na kasi nakapulupot sakanya si Ella.

His face is so priceless! Hahahaha!!

"Malapit na to matapos kaya mag-ready na kayo.." Napabuntong hininga siya at tumayo at pumunta sa kwarto.

"Tapos na akong gumawa ng kwento Keith at Ella, so stay here.." Sabi ko nang akmang tatayo si Ella para sundan si Keith sa kwarto.

Fvck?! May sa linta ba tong babaeng to?!

Umupo na lang si Ella at si Keith naman ay bumalik at umupo.

"Jonas i-announce mo na kung sino magkakapartner." Sabi ko kay Jonas, nakangiti naman siyang tumango..

"Keith at Ella
Jonas and Kate
Ken at Eya.." Kita ko naman ang pagtutol sa mukha ni Keith kaya binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

"Yieeee partner tayo!!!" Naku! Ang lakas tumili ng babaeng ahas na to!

"Thank you." Agad akong napalingon kay Jonas at tinaasan siya ng kilay.

"Para saan?"

"Kasi binigyan mo ko ng chance na makasama ka." Pilit na ngiti ang binigay ko sakanya..

Kailangan kong makasakit ng damdamin ng isang tao dahil sa misyon na to.

Sila naman may kasalanan diba? Or sila nga ba?

Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na. "We'll be shooting for one scene here at the Garden.. At ang scene na yon ay sainyo Keith at Ella. Be ready.."

Pinaliwanag ko ang gagawin nila.. "3.2.1 ACTION!"




LOUIE'S POV.

Kanina pa namin napapansin na medyo sad si Jeff. Anayare dito?

"Oy! Anyare sayo?" Sabi Sakanya ni Empress, agad naman siyang bumalik sa katinuan.

Nakatulala kasi siya habang nakatingin kila Kate na gumagawa ng project nila..  Tapos na kasi kami sa project namin..

"May gusto ka sa Ella na yun noh?!" Agad niya naman nilingon ang kapatid niya na si David nang sabihin ito..

Agad itong tumango..

Wtf?!

"Seryoso?! Bakit?!" Hindi makapinawalang saad ni Angeana.

"She's my Girlfriend.."

"Ano?!"

"What? Look, di pa naman siya ganyan kalandi dati.. She's actually my ideal girl. Naging ganyan siya kasi nabulag ng pagmamahal niya para kay Keith.." Sadness in his eyes..

"Pero kayo pa rin ba?" Tanong ni Empress..

Tumango siya.. "Oo kami pa rin."

"So how about Claire?!" Nakakunot na tanong ni David..

"I already broke up with her para hindi na siya madamay.. And then, natutunan ko ng mahalin si Ella sa mga nagdaang oras na nakasama ko siya.."

Jeez.. He's really serious about loving our enemy.

"Aware ka naman na si Keith ang mahal niya diba?! Bat nagpapakatanga ka pa?!" Ang O.A naman nitong mga kasama namin.

"Cause I love her.. Kahit masaktan ako, okay lang basta ikasasaya niya.." Mapait siyang ngumiti..

Masyadong broken hearted tong lalaking to!

"Pero hindi porket mahal ko siya, sasamahan ko na siyang gumawa ng masama... Kaya nandito ako ngayon para tulungan kayo na patigilin na sila.."

Lumapit sakanya si David. Alam kong alam niya ang pinagdadaanan ng kapatid niya..

"Magmahal ka pero wag kang magpabulag sa pagmamahal.. Magtira ka ng para sa sarili mo kasi pag binigay mo lahat, Ikaw ang kawawa kasi wala kang tinira na pagmamahal para sa sarili mo.." Tinapik ko ang balikat ni Jeff.. 

"Love but do the right thing." Sabi naman ni Empress.

"Pero ang pinaka-importante ay Gawin mo kung saan ka masaya.." Sabi naman ni Trix.

Nandito pala siya? Kanina pa siya tahimik eh..

"Jeff.." Agad kaming napatingin sa may pinto.

Wtf?! Akala ko si Ella na, si Kate lang pala!

"Thank you..." Nginitian niya si Jeff at umalis na.

So narinig niya pala..

Sana matapos na to..

(Sama mo naman! Ang tagal pa!")- Author

Hehehehe sorry naman..


Feel free to vote💙
                               

Unexpectedly Married with a GangsterWhere stories live. Discover now