Chapter 16

3K 92 0
                                    

JONAS' POV.

"anong nangyari diyan sa braso mo?" Puna ni Kate sa braso ko na may benda na tinamaan kahapon ng bala galing sa baril ng Alcantara na iyon. Hindi talaga ako makapaniwala na nakaya niyang barilin ako at asintahin kahit malayo na ako.

Kitang kita niya ang sugat ko dahil naka sando lang ako dahil P.E namin at hindi ako mapakali dahil may laro kami ng basketball ni Keith!

"Ahh wala yan, Nasugatan ko kahapon." I lied at nagpilit ng ngiti.

Tumango siya at inayos ang salamin niya. "Ahhh sige.. Kaya mo ba maglaro ng basketball? Makakalaban mo pa naman si Keith.." Tanong niya at halatang nag-alala.

Yieee concern yung love ko! 

"Ahh oo hehe, kaya ko.." Tumayo na ako at pumunta sa gitna. Magkaharap kami ni Keith at nakangisi siya saakin.

Hinagis na ng referee yung bola at siya agad ang nakakuha nito at mabilis na pinasa ito sa kakampi niya. 
Agad akong tumakbo papunta sa may hawak ng bola at inagaw ito. Hindi ako makapaglaro ng maayos dahil ang sakit ng sugat ko.

"Ahh.." Napahinto ako ng bungguin ako ni Keith at inagaw yung bola. Sa mismong sugat niya talaga ako binangga!

Bullshit!

Pinasok niya ito sa ring at shoot ito kaya may 1 point na ito. Agad ko siyang sinamaan ng tigin pero tinanguan niya lang ako at ngumisi.

Isang round lang kami dahil hindi ko na talaga kaya. Bakit naman kasi kailangang may basketball ngayon?!

"Shet! Dumudugo yang braso mo!" Sabi ni Kate nang makaupo uli ako, agad kong ininom ang tubig ko at huminga ng malalim. Shuta ang sakit ng sugat ko!

"Ok lang.." nginitian ko siya ng pilit at napapikit dahil sa sakit. Lintik kasi na Keith iyon! Ano bang problema niya?!

"Akin na at gagamutin ko.." Inalis niya ang benda at unti unting nanlaki ang mata nang nakita ang sugat ko. Nakita ko siyang napalunok at nagbaba ng tingin.

"Tsk! Eh galing sa bala ang sugat mo eh! Ako na gagamot.. Tara na sa clinic." Hinila niya ako palabas ng gym at pumunta sa clinic at naabutan namin na walang nurse.

Lintik na school clinic, bakit walang nurse?! 

Napalunok ako nang nilinis niya muna ang sugat ko at nilagyan ng alcohol!

"Aray! Mahapdi!" Sigaw ko at bumuga ng marahas na hangin.

Hayop ang hapdi.

"Ang Arte naman! Para lang yan eh!" Inirapan niya ko at nilagyan niya ito ng alcohol at nilagyan ng benda..

Bumuntong hininga siya at nagbaba ulit ng tingin. "Ipagamot mo ito sa doctor.. Hindi ako magaling gumamot ng sugat lalo na pag tama ng bala.."

"Ahh sige.." tumango ako sakanya at humiga sa kama dito.

"Sige mauna na ako.." Lumabas na siya kaya agad kong kinain ang mga pagkain na dala ko.

Hayss. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang nangyari kagabi. Napakagaling ng babaeng yun!

Pinagalitan ako ni Kuya at muntik pa akong tutukan ng baril sa galit! Lintik!

Bwiset kasi na babaeng yun!

Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo saakinbabaeng Alcantara.

Sisiguraduhin ko na ako mismo ang papatay sayo..

Unexpectedly Married with a GangsterWhere stories live. Discover now