57

63 2 0
                                    

"Farewell"

Chantell's POV

Isang puting liwanag ang bumungad sakin nang magising ako.

"Teka? Patay na ba ako?" tanong ko agad sa sarili ko nang magising ako at makita ang paligid. Nasa isang garden ako na punong-puno ng bulaklak. Naglakad-lakad lang ako kahit hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. This place is nice and kahit sino gugustuhing manatili dito- kahit ako. Naupo lang ako sa isa sa mga benches dito.

"Haaaay~ dead end ko na ba talaga? Tapos na ba talaga yung.... storya ko? Well~ it's nice here though" bulong ko at ipinikit ang mga mata ko at dinama yung sariwang hangin unlike dati na polluted yung hangin sa syudad.

"Kumusta na kaya sila? Gusto ko silang makita.." saad ko at tumingala nang makarinig ako ng taong sumisigaw- teka?? TAO?

"AHHHH~ HELP MEEEEE" sigaw nito at base pa lang sa maarte nitong boses ay alam ko na kung sino ito pero.... akala ko ba okay na siya? Hindi kaya....

"GWEN?? IKAW BA 'YAN?" sigaw ko at nagpalinga-linga para hanapin ang maarte kong step-sister. Nakita kong may bulto ng tao ang nakatayo dun banda sa lawa kaya dali-dali akong tumakbo papunta dito at tama nga ako- nandun nga siya habang nakaupo at basang-basa.

"GWEN?? ANO NAMANG TRIP MO AT DYAN KA UMUPO?" tanong ko sa kanya kaya gulat niya akong tiningnan.

"CHANTELL? WHY ARE YOU HERE? WHERE ARE WE?" sunod-sunod niyang tanong pero tinulungan ko na lang muna siyang tumayo mula sa pagkaka-upo niya.

"Malay ko ba kung na saang lumalop ng mundo tayo napunta" sagot ko kaya naman sinamaan niya 'ko ng tingin. Siguro hindi na talaga mawawala saming dalawa yung ganito- yung palitan ng masasamang tingin at pagtawag ng kung ano-ano sa bawat isa.

"Wala ka talagang dulot. Let's walk over there na lang" she said at nagpatiuna kaya wala akong choice kundi ang sumunod sa kanya.

After 1 hour of endless walking~

"STOOOOP!! Gosh~ my feet hurts.." napalingon ako sa kasama ko na nakasalampak sa damuhan habang hinihilot yung paa niya.

"Ikaw ang nag-suggest na maglakad tas aarte-arte ka d'yan" saad ko sabay naupo na rin dahil medyo ramdam ko na rin yung pananakit ng paa ko. Habang busy si Gwen sa paghihilot sa paa niya ay humiga naman ako at tumingin na lang sa langit. It helps me relieving my stress at kadalasan ay si Clyde ang kasama ko noon.

"Do you think... we're already dead? Ito na ba yung langit?" maya-maya seryosong tanong ni Gwen na nakaupo sa tabi ko habang nakatingin sa mga bulaklak na nasa harapan namin.

"Siguro pero ba't ka nandito?" tanong ko kaya naman nilingon niya ako ng may pagtataka.

"I mean, you should be down there" dugtong ko sabay nguso pababa kaya naman sinabunutan niya ako at syempre papatalo ba 'ko.

"HEY~ LET GO OF MY HAIR, YOU BTCH!!" sigaw niya habang inaalis yung pagkakahawak ko sa buhok niya. Naawa naman ako kaya binitiwan ko na siya. Actually, hindi ko naman talaga siya sinabunutan ng matagal, OA lang talaga siya.

"You're so mean~" reklamo niya sabay ayos ng nagulo niyang buhok. I don't mean what I've said earlier, I just want to tease her dahil hindi ako sanay na seryoso siya.

"I still can't believe na half-sister kita, na yung babaeng umagaw sa pinakamamahal kong lalaki ay kapatid ko pala HAHAHA how ironic" she said kaya napatingin ako sa kanya pero natigilan ako ng makita ang nagtutubig niyang mga mata.

"G-gwen.." tanging nasabi ko kaya humarap siya sakin at ngumiti and this is the first time na  nakita ko sa mga mata niya ang sakit at lungkot na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

"Nung bata pa 'ko lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit laging wala sila Mommy at Daddy sa bahay and my Nanny just told me they're busy working for me and that's okay with..." she said as her tears begin to come out from her eyes. Hindi kami magkasundo ni Gwen but I have this feeling that I have to listen to her.

"Until someone told me na hindi daw ako tunay na anak nila Daddy kasi wala daw sila lagi and that thought run through my mind until high school. I never had a courage to ask them maybe natatakot ako na b-baka nga... B-baka nga hindi talaga nila ako anak..." palihim kong pinunasan yung luhang tumulo sa mga mata ko.

"then I saw them fighting over someone and you want to know who?" she ask me.
"It's you.. Dad always want to see you. He misses you every single day and that breaks my heart. I want to ease his longiness for you by making him proud but .... I was not enough.. And eventually, napagod na rin ako. Napagod na akong mamalimos ng pagmamahal nila, napagod na 'kong ipaalala sa kanila na nandito pa ako, napagod na ko Chantell..." I can't believe Gwen had this kind of story. Simula nagka-isip ako at nalaman kong nagkaanak si Daddy sa iba at iniwan kami para sa kanila, I thought sobrang saya siguro ng anak niya dahil kompleto ang pamilya niya but I was wrong, completely wrong.

"and then that horrible day happen. Nakidnap ako at muntik pang magahasa kung hindi lang ako... K-kung hindi lang ako tinulungan ng isang babae and I-i saw her Chantell... I saw her with my own eyes habang sali-salitang ginagahasa ng mga lalaking k-kumuha samin..." agad kong niyakap si Gwen kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Gwen suffered a lot than me pero walang nakakaintindi sa kanya. Ilang minuto ang lumipas na magkayakap lang kami ni Gwen hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak kaya binitiwan ko na siya.

"After that incident, nagkaroon na ng time si Mom at Dad sakin and I am happy. Nalaman ko rin na anak ako ni Daddy kaya binura ko na sa isip ko na ampon ako at nung makita kita sa bahay namin, at first, nagalit talaga ako sa kanya but eventually natanggap ko rin. We are the reason kung bakit iniwan kayo so I feel sad for you and for Dad kaya I decided to make it up to you" she said.

"Hindi ko sinasabi sa'yo 'to para ma-guilty ka or what.. I just want to be free from this hatred inside of me and thank you for helping me, Chantell" napangiti ako dahil nakatulong ako sa kanya kahit papano.

"Clyde... Please take care of him. He loves you so much and I know he'll be happy with you" she sincerely said. Masaya ako dahil nakalaya na siya sa pagmamahal niya kay Clyde.

"He needs you, Chantell and you...... don't belong here. You have to comeback for them" she said while holding my hands tight. Muli nanamang may tumulo sa mga mata niya pero ang kaibahan lang ay nakangiti na siya ngayon.

"W-what do you mean? WHAT ARE TALKING ABOUT GWEN?!" sigaw ko at hinawakan yung kamay niya ng mahigpit pero nginitian niya lang ako at niyakap.

"Please take care of my Mom and Dad for me. Please tell them I love them so much" she whisper kaya tumango ako kahit na kinakabahan ako sa sinasabi ni Gwen. Hihiwalay na sana ako mula sa pagkakayakap sa kanya ng bigla niya akong itinulak at hindi ko alam kung bakit para akong nahuhulog sa kawalan at unti-unting bumibigat yung talukap ng mga mata ko pero bago tuluyang sumara yung mga mata ko ay nakita ko ang muling pagngiti ni Gwen habang kumakaway sakin.

"N-no... G-gwen..." bulong ko ngunit tuluyan na akong nilamon ng dilim.

- - - - - -
For me, mas bet ko yung naging flow ng character ni Gwen HAHAHA mas dama ko siya :( Anyway, I think 3 chapters to go then epilogue na...... :) Stay tuned Guys<3

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now