49

75 1 0
                                    

Bonus Chapter

[This happen after ng dinner at bago pa magpo-propose si Clyde kay Joey]

Klea Agustin everyone

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

[ Klea ]

Tahimik lang ako habang nakaharap ang mukha sa screen ng laptop ko at paulit-ulit na tinitingnan ang files na inutos ng 'Malanding bakulaw' na yun sa'kin para icheck. Ilang beses ko ng binasa ng paulit-ulit yung files na sinend ng Management department pero wala naman akong makitang mali.


"ARRGGHH!! Ano ba kasing mali ang nakita ng damuho na'yun? 'di na lang kasi sabihin kasi kainisssss!!" bulong ko at inis na ginulo ang buhok ko nang may biglang tumikhim kaya pasimple kong inayos yung buhok na kanina lang ay ginulo ko dahil sa inis at nakangiting iniangat ang mukha.


"Excuse me, I want to talk to Clark" saad ng isang babaeng base pa lang sa hitsura ay mayaman na ngunit hindi ko alam kung bakit kinulang sa tela ang suot-suot nito at halos makita na ang kaluluwa. Napatingin naman ako sa may dibdib niya dahil naawa ako sa dalawang bundok niya na nilalamig na. Nakasuot kasi siya ng isang kulay black na tube dress na hanggang gitna lang ng hita niya.


"I'm sorry Ma'am but Mr. Del Mundo is not available right now. Bumalik na lang po kayo bukas" mahinahon kong saad habang nakangiti kahit ang totoo ay naiinis na ako. Araw-araw na lang atang may dumadating na babae dito na halos katulad niya magsuot ng damit ang hinahanap ang boss niya. Buti sana kung hinaharap ng malandi niyang boss eh kaya lang hindi at siya ang kailangang makipag-usap dito. Akala ko ay aalis na ito ngunit tinaasan lang ako ng kilay nito.


'Mukhang mapapalaban nanaman ata ako'


"Is that so, then I'll wait for him inside" saad niya at akmang bubuksan ang pinto ng office nang bigla ko siyang hawakan sa braso kaya sinamaan niya ako ng tingin.


"I'm very sorry but I can't let you in. Mr. Del Mundo will fire me if he see anyone inside his office without his permission" I said which is partly true. Hindi siya nagpapapasok ng kung sino-sino except me ang of course his family na kadalasan ay si Joey lang naman. Kahit sa mga staffs ay hindi niya hinahayaan na may ibang maglabas-masok kaya sakin na lang pinapaabot.


"Shut up btch and get out of my way" sigaw nito sabay tulak sakin kaya tumama yung siko ko sa may edge ng table ko. Kahit masakit yung pagkakatama ay tumayo ako agad dahil mukhang desidido 'tong babae na pumasok kaya pilit kong inihaharang sa pinto yung sarili ko. Naramdaman kong hinila niya ang buhok ko para lang mapaalis ako kaya napa-aray ako.

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora