19

132 3 0
                                    

[ Don't forget to vote and leave your feedback ]

 "I maybe forget you but my heart will always remember you"
–Joey Chantell

~

Chantell's POV

Nandito na ako sa address na sinabi ni Klea and hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob ng building na 'to. She said kasi na magkita nalang daw kami sa nearest coffee shop kaya lang I waited there for half an hour kaya I decided na pumunta nalang mismo sa work niya.

"She's working in a company?" bulong ko. Actually, familiar yung building na 'to but I don't really remember na pumunta kami ni Kuya ditto and speaking of Kuya, he's calling right now.


"Hi Kuya" I said. Pinagpatuloy ko yung pagsilip sa loob and I think may photoshoot ata or something since may nakikita akong pumapasok with tripod eh.


[Nandyan ka na? nakausap mo na ba yung girl?] he ask. Umiling nalang na parang nakikita ako ni Kuya.


"Not yet pero nandito na ako sa tapat ng building na pinagtatrabahuhan niya" narinig ko naman na parang may tumawag kay Kuya.


"Sige na Kuya. I can handle myself saka pupunta ka naman ditto diba? Nandito lang ako sa building na malapit sa coffee shop" I said para alam ni Kuya kung saan niya ako pupunta if makasunod siya.


"Alright. Take care Little Sis" he said the end the call. Ipinasok ko nalang sa bag ko yung cellphone ko at naglakad papasok sa building. Nang makita ko yung receptionist I think ng building ay agad akong lumapit ditto at nagtanong pero hindi pa ako nakakapagsalita ng bigla siyang nagsalita na parang galit.


"Joey nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap nila Klea. Nandun sila sa 3rd floor. May photoshoot ngayon diba. Akyat na!!" I wasn't able to correct her pero nagtaka ako kung bakit niya 'ko kilala and she even called by my first name which is very weird dahil walang ibang tumatawag sakin nun even my family. Nagkibit-balikat nalang ako at sumakay ng elevator nang may makasabay akong mga staff I think and they're looking at me with weird expression on their faces.


"What?" mataray kong tanong. Hindi ko gusto yung pinagtitinginan ako at masama pa kung tumingin dahil feeling ko ay alien ako. Hello! Sa ganda kong 'to? Hinayaan ko nalang sila dahil baka naiingit lang sila sakin at nang tumapat na kami sa 3rd floor ay nagulat ako ng doon rin sila bumaba pero nagkibit-balikat lang ako.


"Si Joey yun diba?"
"Oo pero bakit ganyan siya manamit?"


Kumunot naman yung noo ko dahil sa bulungan nila. Ano namang problema sa damit ko? Isang floral off-shoulder dress lang naman na above sa knee yung suot ko and I don't see any problem with it.


"Tara na nga at baka hinahanap na tayo ni Klea" napatingin ako agad dun sa dalawang nagbu-bulungan kanina ng banggitin nila yung pangalan ni Klea at pumasok sa isang pintuan kaya agad akong sumunod sa kanila. Pagbukas ko ay parang may nag-flash sa isip ko na isang eksena pero sobrang labo. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong mahilo. Nang makabawi ay inilibot ko yung paningin ko at tama nga ako na may photo shoot ngayon dahil may platform kasi at may mga naka-setup na camera na madalas kong makita nung nagmo-model pa ako.


"Sino kayang may photo shoot? Artista kaya?" bulong ko. Naupo nalang ako sa may benches sa gilid at baka makita ko si Klea since ditto naman siya nagta-trabaho. Tahimik lang akong nakaupo nang may biglang humila sakin kaya napatayo ako.


"Joey! ba't nandito ka pa? maraming ginagawa oh tas nakaupo ka lang diyan. Ano ka prinsesa?" galit na galit niya sigaw habang hila-hila ako kung saan. Sobrang higpit ng hawak niya sakin to the point nakikita ko na itong namumula kaya buong lakas kong hinila yung kamay ko dahil hindi ko naman siya kilala tapos kung makahila.


"Can you stop dragging me!!" naiinis kong sigaw kaya napatigil siya at gulat na gulat na tiningnan ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Hindi ata siya na-inform na may pagka-brat ako kaya hindi uubra sakin yung masama niyang tingin. Hinawakan ko naman yung wrist ko na namumula na.


"S-sinisigawan mo b-ba ako? Ang kapal naman ng mukha mo noh. Ilang buwan ka nawala tapos kung makaasta ka ngayon ay parang prinsesa ka na?" hindi ko kilala 'tong babaeng 'to pero ramdam kong hindi ko siya gusto at iritang-irita ako sa kanya.


"I am indeed a princess lady and besides I have the right to shout since you keep on dragging and my wrist hurt as hell" mataray kong sagot. Mukha namang lalo siyang nagalit dahil sa sinabi ko dahil namumula na yung mukha niya at kapag umusok pa yung ilong niya ay mukha na siyang toro.


"ABA! MATAPANG KA NA? BAKIT ANO BANG PINAGMAMALAKI MO? PORKET GANYAN YANG SUOT MO?" malakas niyang sigaw kaya napahinto yung mga tao at ngayon ay kami na ang center of attention and it's all because of this lady na kung makasigaw ay parang nakalunok ng mega phone.


"Baka pag sinabi ko sayo ma-depress ka" nakangisi kong saad. Akmang sasampalin niya ako ng biglang hawakan ko yung braso niya.


"Don't you dare at baka sa kulungan ka pulutin" banta ko sa kanya sabay tulak sa kamay niya.


"Ate Cass? Joey?" napalingon naman ako sa kaliwa ko ng may tumawag nanaman sakin. Napangiti ako ng makita yung taong dahilan kung bakit nandito ako ngayon.


"Kleaa~" masaya kong tawag sa kanya sabay damba ng yakap sa kanya. Nakangiti naman niya akong tiningnan at akmang magsasalita ng magsalita nanaman yung torong nasa likod ko.


'Ano nanaman bang problema nito?'


"KLEA?! ALAM MO BA YUNG SINABI NIYANG BABAENG YAN?" galit na galit nitong sigaw sabay duro sakin kaya naman pinitik ko yung kamay niya dahil nakakairita. Hinawakan nalang ni Klea yung kamay ko at akmang hihilahin ng biglang may lumabas at tumawag sa kanya.


"Klea? Anong nangyayari?" rinig ko tanong nito pero itong katabi ko ay mukhang walang balak lumingon kaya tiningnan ko siya.


"Joe-" tawag niya sana sakin pero inunahan ko na siya. Hindi ako sanay na tinatawag sa first name ko eh.


"Chantell. You can call me Chantell instead of Joey" nakangiti kong saad. Mabilis naman siyang tumango at parang kinakabahan na ewan.


"Are you okay Klea? Ba't parang kinakabahan ka?" tanong ko. Umiling lang siya at hinawakan ulit yung kamay ko.


"Dun nalang tayo sa coffee shop mag-usap. Susunod ako" natataranta niyang saad kaya tumango nalang ako dahil mukhang hinahanap nanaman siya dahil tinatawag yung pangalan niya eh. Pumasok na siya sa loob kaya naglakad narin ako palabas.



Nag-aantay ako ng elevator ng biglang bumukas ito. Isang babae ang sakay nito at nang makita ako ay para itong gulat na gulat at nakatitig lang sa akin.


'Ang weird naman ng mga tao dito' nasabi ko nalang sa isip ko. Patuloy lang siya sa pagtitig sakin kung hindi lang siya siniko ng kasama niya ay hindi pa niya aalisin ang tingin sakin at lalabas ng elevator. Nagkibit-balikat nalang ako at pumasok sa loob ng elevator at agad na pinindot ang groundfloor pero bago magsara ang elevator ay patuloy pa rin siya sa pagtitig sakin and swear sobrang weird niya.


Iniisip ko parin yung mga tao at yung babaeng akala mo toro kanina dahil kung maka-asta sila ay parang kilala nila ako at yung boses na tumawag kay Klea- sobrang pamilyar.


"Kilala ba nila ako?" natanong ko sa isip ko. Nagulat nalang ako ng biglang tumunog yung cellphone ko.


"Yes Kuya?" sagot ko. Malapit na ako sa ground floor kaya inayos ko na yung sarili ko para pumunta sa coffee shop.


"Channy, malapit na ako diyan. Can we go home now?" napakunot naman yung noo  ko dahil sa sinabi ni Kuya.


"Sabi kasi ni Klea na sa coffee shop nalang daw kami mag-uusap eh" alanganin kong sagot kay Kuya. Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas pero napahinto ako ng makitang umuulan.


"K-kuya?" saad ko sabay hawak sa may pader dahil nahihilo nanaman ako.  Unti-unti nang bumibigat yung talukap ng mga mata ko at bumibigay na rin yung katawan ko. Wala na akong ibang maramdaman kundi ay matutumba na ako kung hindi lang ako nasalo ni ..


"Kuya?" sambit ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.


~ ~ ~

REVISED!!

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now