28

108 2 0
                                    

[ Don't forget to vote and leave your feedback ]

~

Chantell's POV


"NANDITO KA NANAMAN?" inirapan ko 'tong kumag na katabi ko at hindi na lang siya pinansin dahil mamaya ko na 'to papansinin.


"Sorry again, Sir. Tony hindi ko kasi kabisado dito kaya nawala ako" hinging-paumanhin ko pero nginitian lang ako ni Sir at bumaling sa kanan niya kung saan nakaupo yung dalawa na I think makakasama namin sa photoshoot.


"Oh! Since mukhang magka-kilala na kayo ni Dwight and kilala na rin ni Dwight itong iba pa then ikaw na lang pala ipapakilala ko sa kanya" saad ni Sir. Tony kaya sinulyapan ko 'tong katabi ko at inirapan at muling ibinaling kay Sir ang atensyon ko.


"Chantell, this is Gwen and the guy beside her is Clyde. Guys, this is Chantell, daughter of Chelsea Del Mundo" alanganin akong ngumiti. Kaya minsan I hate being recognized as Del Mundo dahil it's either kay Kuya ay kay Mama ako mauugnay and I hate it.

"CHELSEA DEL MUNDO? YUNG SIKAT NA MODEL SA EUROPE?" napatingin ako sa sumigaw pero napairap na lang ako dahil yung babaeng humila at sumigaw-sigaw sakin noon ang obviously ay sumigaw rin ngayon.


"U-uhh! Yes, and that explains the beauty of this girl. Buti nga at pumayag siya eh" ngumiti na lang ako at inilibot ang paningin ko ng madako ito sa lalaking katabi nung Gwen. Ang weird kasi niya eh kanina pa siya nakatingin sakin and medyo naiilang na ako. Nagsimula nang mag-explain si Sir. Tony sa magiging theme ng photoshoot and I like it since ang magiging theme daw is about the 4 season which makes it more exciting. Nakangiti lang ako habang pinapakinggan yung sinasabi ni Sir pero yung Clyde, he's still looking- no staring rather, at me the whole time.

'Ba't ba siya nakatingin?'


"So, yung contract ay ipapadala ko na lang sa managers niyo. By the way, sino pa lang magma-manage sayo Chantell?" tanong ni Sir. Sa totoo lang, wala akong manager pero kaya ko naman kaya lang mas better kasi kung may manager ako. Si Mom kasi yung manager ko nung nagmo-model ako noon eh.


"A-ano po kasi..." alanganin kong sagot sabay buntong-hiniga. Wala na akong magagawa kundi sabihin ang totoo. Magsasalita na sana ako ng biglang may magbukas ng pinto at napangiti ako ng makita si Ate Nikki pero itong katabi ko ay parang timang dahil gulat na gulat pa siya eh automatic naman na nandito si Ate since siya ang manager nito.


"Ako po muna ang magma-manage kay Chantell temporarily until may mahanap siyang manager, Sir" natuwa naman ako sa sinabi ni Ate Nikki kaya lumapit ako sa kanya at yumakap.


"Talaga Ate?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nakangiti siyang tumango.


"Your brother entrusted you with me kaya akong bahala sayo" saad niya sabay kindat kaya lalo akong natuwa.


"Is that so then ipapadala ko na yung contract ni Dwight at Chantell sayo" tumango naman si Ate Nikki. Bumaling samin si Sir.


"Alright. See you sa photoshoot" masayang saad ni Sir at nakipag-kamay sa bawat isa samin bago umalis kaya kami na lang ang naiwang apat kasama yung manager nung dalawa. Nag-bow na lang ako sa kanila pero hindi ko alam ang problema sakin nitong dalawa. Yung babae kanina pag-pasok ko parang gulat na gulat pero habang tumatagal ay sumasama ang tingin sakin tas yung katabi naman niya ay eversince pumasok ako ay nakatitig lang siya maliban na lang kung tatanungin siya ni Sir kanina and swear ang creepy at ang weird lang but I felt something different at the same, yung feeling na kilala mo siya but you won't remember when and where.

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now