44

71 1 0
                                    

                                                                             Klea & Jasper💙

[V/N: Paawat muna sa heavy drama ng magkapatid na Del mundo. Bigyan muna natin ng time to shine ang JasLea/Klasper shipper(which is me). Enjoooooy~]


- - - - -

Jasper's POV


"Mr. Del mundo, nandyan na po yung mga applicant. Papapasukin ko na po ba?" tanong ng isa sa mga empleyado ko na pansamantalang sekretarya ko rin. Naghahanap na ako ng bago kong secretary dahil kaka-fired ko lang dun sa isa. Actually, nagsisisi na akong sinesante ko yun pero mas mabuti na rin yun at baka mapikot pa ako.

'Bakit kasi napaka-gwapo ko eh?'

"Let's begin" saad ko kaya nagsimula na akong mag-interview pero so far ay wala pang pumapasa as secretary ko at nagsisimula na akong mapagod.

"Tatawagan ka nalang ng HR kung nakapasa ka. Thank you" I said. Tumango naman ito at malagkit na tumingin sakin kaya nailang ako. Nagtaka naman ako ng hindi pa ito umaalis kaya tinanong ko siya kung may kailangan pa siya at mukhang alam ko na kung anong balak niya kaya seryoso ko siyang tiningnan.

"Did my brother told you to leave? What are you still doing here?" pareho naman kaming napatingin sa nagsalita at laking pasalamat ko ng makita ko ang pinaka-maganda kong kapatid na nakataas ang kilay habang nakatingin sa aplikante.

"What? Aalis ka o kakaladkarin kita?" lihim naman akong napatawa dahil sa kamalditahan ni Chantell. Matagal ko nang hindi nakikita na nagmaldita 'tong kapatid ko kaya natutuwa ako. Napatingin naman ako dun sa aplikante na walang nagawa kundi ang umalis habang nagdadabog.

"Flirt! By the way, para san ba yung pila sa labas? May secretary ka na diba?" tanong niya at naupo sa harapang upuan ng lamesa ko. Bumuntong-hininga naman ako at mukhang na-gets niya na kung bakit kailangan ko ng bagong secretary.

"I knew it but seriously Kuya? I don't think wala kang makuluhang secretary na hindi magkakagusto sayo kaya I suggest na matanda na lang at may asawa na yung i-hire mo" naubo naman ako dahil sa sinabi niya. Matanda? No way! Hindi naman sa may problema ako sa matanda but masyadong stressful ang pagiging secretary and ayokong madagdagan pa yung aalahanin ko.

"That suggestion is absurd, Chantell" I said while massaging my head. Aiish! I never thought na ganito pala ka-streasful ang pagha-hire ng secretary.

"Or... What if maghanap ka ng taong sigurado kang hindi magkakagusto sayo?" napaisip ako at seryosong tiningnan ang kapatid ko.

"Do you think... Walang magkakagusto sa mukha kong 'tong babysis?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang #Pamatay sa gwapo kong mukha.

"Pwede ba Kuya, tch! Anyway, sasabihan ko na muna yung kakilala ko, if pumayag siya, sasamahan ko siya para pumunta dito bukas" nakangiting saad ni Chantell kaya napaisip ako kung sinong kakilala yung sinasabi niya pero ayos na rin yun atleast hindi na ako mamomroblema sa secretary ko.

"Alright! Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya habang nililigpit yung mga folders. Umiling naman siya kaya kinuha ko na yung coat ko.

"Let's go. Hindi pa rin ako nagla-lunch" masaya naman siyang tumango at kumapit sa braso ko kaya napangiti ako. Chantell maybe rude to someone but she's the sweetest lady I known.

"Kuya?" napatigil ako sa pagkain nang tawagin ako ni Channy. She look at me while wiggling her eyebrows kaya naman kunot-noo ko siyang tiningnan.

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now