30

123 2 1
                                    

Gwen's POV

[Hindi ako bias kaya meron rin dapat si Gwen]

Nandito na kami sa airport and inaantay nalang namin ang iba. 6:20 pa lang naman kaya I understand good thing at nandito si Ash na hindi man lang ako pinapansin. Nasasaktan ako sobra dahil sa pambabalewala sakin ni Ash pero anong magagawa ko? Ito naman yung ginusto ko eh, ginusto kong mahalin siya kaya ito ang kapalit.

"Oh! Dwight? Nandyan ka na pala? Na'san si Chantell?" rinig kong tanong ni Sir. Tony sa kararating lang na si Dwight kasama yung ate niya since ito rin yung manager niya. Kung kanina ay parang walang-gana si Ash pero nang marinig ang pangalan n-nung babaeng yun ay bigla siyang umayos ng upo at nagpalinga-linga.

'Nandito naman ako Ash, bakit hindi na lang ako' buti nalang at nakasalamin ako kaya hindi nila nakikita ang pagtutubig ng mga mata ko. They think na maldita ako, na btchy type ako pero sh¡t lang, tao pa rin naman ako, n-nasasaktan pa r-rin ako.

"Sorry Sir eh hindi po siya sumasagot eh but I'll try to call her again" suhestyon ni Dwight at bahagyang lumayo-layo para tawagan yung babaeng yun. Napatingin ako ulit sa katabi ko na kahit nakasalamin ay halata ang pagsasalubong ng kilay habang nakatingin kay Dwight and a realization hit me.

'He's jealous' napahawak ako sa may bandang dibdib ko ng bigla itong kumirot. Hahaha ba't ako nasasaktan? D-dapat hindi ako nasasaktan eh.

"Ano? Sumagot na ba? 6:40 na and we need to go dahil baka maiwan tayo ng eroplano" tanong ng assistant ni Sir. Tony kaya naman wala ng nagawa si Dwight kundi ang yumuko. Tumayo na rin ako dahil tumayo na rin si Ash.

"Ash let's go. Tabi tayo ah" masaya kong saad sabay hawak sa braso niya pero agad niya rin itong iwinaksi. Napatawa na lang ako para lang maitago yung sakit- sakit na kapalit ng pagmamahal sa kanya.

Clyde's POV
Ayokong umalis dahil wala siya. Ayokong iwan siya at ipagpalit pero t*ngna wala nanaman akong magawa. Mabigat ang loob akong naglakad kasunod nila Sir. Tony na alam kong dissapointed rin dahil wala si Joey pero we need to go dahil settled na ang lahat, kami na lang ang kulang.

'Humabol ka please, humabol ka' usal ko sa utak ko. Malapit na kami sa boarding gate nang may biglang sumigaw.

"WAIT!!!!!!!!!" sabay-sabay kaming lumingon sa sumigaw at labis na tuwa ang naramdaman ko ng makita ang babaeng minamahal ko na tumatakbo pero nawala ang tuwa na nararamdaman ko ng makita ko kung sang direksyon siya papunta- papunta sa direksyon ni Dwight at hindi papunta sakin.

"CHAN-CHAN!" sigaw ni Dwight sabay yakap sa kanya. Halata sa mukha nilang dalawa na natutuwa silang makita ang isa't-isa and it makes my heart ache. Fvck! It supposed to be me. Ako dapat yung niyayakap niya, ako dapat yung tinitingnan niya habang naka-ngiti, ako dapat yun pero anong magagawa ko? Ako ang may kasalanan sa kanya. Ngumiti ako nang mapatingin siya sakin. I promise I will do everything para lang maibalik kami sa dati.
----------
Chantell's POV
"Buti naman at nakaabot ka, Chantell" nakangiting saad ni Sir. Tony kaya ngumiti ako. Papasok na kami sa loob ng eroplano at ramdam ko nanaman yung anxiety ko. This happen to me everytime na sasakay ako ng eroplano kaya napahawak ako kay Niccolo. Nasa unahan ko kasi siya then naka-sunod samin sila Clyde at Gwen then yung mga managers nila.

"Bakit? Kinakabahan ka ba?" nakangising tanong sakin ni Niccolo na halata namang nang-aasar lang pero sorry siya dahil wala akong panahon para asarin siya gayong inaatake nanaman ako ng anxiety ko.

"Joey, ayos ka lang ba?" napalingon ako sa likod ng biglang mag-tanong si Clyde. Ngumiti lang ako para ipaalam na okay lang ako kaya ngumiti siya.
"Tch!" hindi ko nalang rin pinansin ang pagmamaldita nitong babaeng 'to dahil tulad ng kay Niccolo ay wala akong time sa kamalditahan niya. Nasa loob na kami at mukhang lalong lumala yung anxiety ko kaya napa-higpit ang hawak ko kay Niccolo kaya nag-aalala na niya akong tiningnan.

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now