48

65 2 0
                                    

👆Clyde and Joey on MM everyone👆

[JOEY ]


   Napatitig na lang ako sa orasan habang nakabaliktad sa sofa dito sa condo ko. Dito na muna ako nagstay sa condo ko dahil kailangan ni Mommy na pumuntang baguio kaya no choice ako since ayoko naman magstay dun sa mansion na ako lang mag-isa. Napangiti ako ng maalala yung nangyari nung dinner. It was really fun and amazing pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung anong ginagawa ni Clyde that night. Sinubukan ko na siyang itext but he didn't replied to any of my messages and that makes me worry so much.

"Haaaaaaay!! Pwede kayang kulutin sila Kuya?" bulong ko. Nah, mukhang busy sila ngayon dahil may event ata silang pinaplano and I don't want to disturb them.

"Kung sanang bati na kami ni Clyde edi sana hindi ako naboboring ngayon" napanguso ako. I really miss him, his eyes, his lips even his smell. Arrrgh! Nababaliw na ba ako? Huwaaaaah! Nakakabaliw ba kapag mag-isa?

*Dingdong

"Uhhhm? Wow! May bisita ako?" agad akong tumayo kahit pa gulo-gulo yung buhok at damit ko. Nakangiti 'kong binuksan yung pinto pero nang makita kung sino ang nasa harap ko ay napahinto ako at parang gusto ko nalang lamunin ng lupa.

"C-clyde?" bulong ko habang nanlalaki ang mata habang nakatingin sa lalaking sobrang namimiss na ng pagkatao ko. He looks so handsome with his black shirt na pinatungan niya ng grey polo. He's not smiling kaya napanguso ako sabay tungo dahil sa totoo lang- nakakahiya ang itsura ko ngayon.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" nagulat pa ako ng magsalita siya kaya agad 'kong binuksan ng malaki yung pinto at naglakad papuntang sala when I feel him hugging me tight from behind.

"I miss you so much, Love" he whisper which make me smile. Agad akong humarap sa kanya at mahigpit siyang niyakap na ginantihan naman niya.

'Now, I feel home'

"Miss na miss mo talaga ako noh?" mapang-asar niyang saad kaya kinurot ko yung ilong niya na namiss kong gawin.

"Why are you here? Saka ba't ganyan itsura mo? Makikipagdate ka ba?" taas-kilay kong tanong kaya nginisihan niya ako. Ano bang problema ng lalaking to? Akala naman niya natutuwa ako sa pagngisi-ngisi niya?l! Tch.

"Yes, I'm having a date" he proudly said kaya nanlalaking-mata ko siyang tiningnan. Seriously? Did he just admit na makikipagdate siya sa iba? Sa harap ko? Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya sakin na siyang nakapagpatawa sa kanya.

"ANONG TINATAWA-TAWA MO? UMALIS KA NA BAKA HINIHINTAY KA NA NG DAT-HMMM" napahinto ako sa pagrarant ko dahil sa ginawa niya. D*mn this guy! He really knows how to shut me up. Isang nakakaasar na ngiti ang nakita ko sa kanya.

"Now, go change your clothes before I change my mind at baka may magawa pa ako though I like that idea. What do you think?" tanong niya habang may makahulugang ngiti sa'kin. Hinampas ko naman siya sa braso at dali-daling tumakbo papunta sa kwarto ko habang tawa siya ng tawa sa reaksyon ko. Napahawak ako sa labi ko na kanina lang ay nakadikit sa labi niya. D*mn! Kinikilig ako!

"Ba't nakasimangot ka d'yan?" tanong ko sa kanya habang nakaupo sa isa sa mga benches dito sa Amusement park. Katatapos lang kasi naming sumakay ng roller coaster at hindi ko alam kung bakit nakasimangot 'tong katabi ko.

"Sino ba kasi nagsabing yan suotin mo?" tanong niya at masama pa rin ang tingin. Napatingin naman ako sa suot kong black polo at denim na skirt na pinaresan ko ng white shoes.

"Ano namang masama sa suot ko?" tanong ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako na parang gulat na gulat.

"Dahil d'yan sa suot mo... gusto kong manapak ng tao ngayon, mga bisugo specifically" bulong niya na narinig ko naman sabay tingin sa harap at nang sundan ko ang tinitingnan niya ang napangisi na lang ako. May grupo kasi ng mga highschool student ata ang ngayon ay nakatingin at kumakaway sakin kaya kumaway rin ako at ngumiti.

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now