16

146 2 0
                                    

[ Don't forget to vote and leave your feedback ]

~

Jasper's POV

Akala ko talaga ay mawawala na siya sakin pero thank god dahil after na mag-flatline ng heart beat niya at bago i-declare ng doctor na wala na talaga siya ay biglang bumalik sa dati yung heart beat ng kapatid ko and now she's inside the coffee shop at mukhang bubuga na ng apoy dahil kanina pa siya naghihintay sakin.

"Ang tagal mo naman Kuya eh. What took you so long ba?" napatawa naman ako dahil sa kaconyohan niya. Maarte talaga si Chantell o Channy kaya nasanay na 'ko.


"May pinahabol kasi sa opisina na papeles from Korea kaya natagalan ako" inirapan nalang niya ako sabay subo ng chocolate cake niya. Umorder nalang ako ng kape at naka-ngiting tiningnan siya kaya ayun nakasimangot nanaman.


"Staring is rude Kuya in case you don't know" mataray niyang saad kaya naman napatawa nalang ako. Mas gugustuhin ko pang mag-taray siya kesa yung hindi ko marinig yung maarte niyang boses.


"I'm just happy that you're here with me Channy. Akala ko iiwan mo na si Kuya" nagulat naman ako ng bigla niyang pitikin yung noo ko kaya naman nakakunot noo ko siyang tiningnan. Hobby na niya yun kaya nasanay na rin ako beside ganyan rin naman ginagawa ko sakanya.


"Tigilan mo nga kakadrama mo Kuya pero thank you for not giving up" tumango nalang ako pero mukhang sobrang naalog ata ang utak nito at tinawanan ako.


"Kuya? Uhhm I had a dream kasi last night and I saw a girl na kasama ko but I don't remember her. Gusto ko lang malaman if she's one of your friend?" gulat naman akong tumingin sa kanya at tila nag-isip kung may kaibigan ka nga ba akong babae?


"Girl? Alam mo naman na wala akong nagiging kaibigang babae dahil nagkakagusto agad sakin diba pero ano bang pangalan baka maalala ko" nakangisi kong sagot pero isang irap lang ang natanggap ko. Napahawak siya sa ulo niya na parang pilit inaalala yung girl na sinasabi niya kaya hinawakan ko yung kamay niya.


"Don't force yourself. Sasakit nanaman yang ulo mo" I said kaya bumuntong hininga siya sabay tango.


"Ang hirap pala mawalan ng alaala noh. It's like I'm a newly born baby na walang memory but the difference is pili lang yung naaalala ko" nginitian ko nalang siya. Yes, she has a selective amnesia based on her doctor. Nakakaalala naman siya pero may mga part na hindi niya talaga or totally ay nakalimutan niya and may mga tao at event siyang hindi maalala . Ang sabi ng doctor niya ay dahil ito sa sobrang lakas ng impact nang pagkakauntog ng ulo niya and bago siya magising ay may paulit-ulit siyang binabanggit na pangalan at biglang iiyak kaya defense mechanism daw ito ng utak niya para iiwas siya sa sakit.


"Kuya? Kelan ka ba babalik ng Korea?" she ask all of a sudden kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.


"Bakit ayaw mo na ba makita 'tong gwapong mukha ng kuya mo?" napatawa naman ako ng bigla siyang sumimangot. Minsan naiisip ko na hindi talaga ako gwapo pag 'tong kapatid ko kasama ko dahil 'ni minsan ay hindi pa siya uma-agree sa sinasabi ko.


"I know na masyado ka lang nag-woworry sakin Kuya but I'm okay" sagot niya pero umiling lang ako. Mag-iisang buwan palang simula ng magising si Chantell kaya hindi pa ako palagay na iwan siya beside pinag-iisipan ko na rin na wag ng umalis and stay here for good.


"You can't blame me Chantell and actually I'm planning to stay here with you for good" mukha namang nagulat siya sa binalita ko dahil nanlaki pa yung mata niya habang nakatingin sakin.


'Sobrang gwapo ko talaga at natutulala nalang 'tong kapatid ko sakin'


Nasabi ko sa isip ko sabay iling. Tatapikin ko na sana yung balikat niya ng bigla siyang humawak sa kamay ko at nanlalaking-matang tiningnan ako sa mata.


"Kuya! It's her" kumunot naman yung noo ko. Anong it's her? Nasobrahan ba talaga ang pagkaka-alog ng utak nitong babaeng to?


"The woman I saw in my dreams- it's her" sabi niya sabay turo sa likuran ko kaya naman dahan-dahan akong lumingon ng may makita akong babaeng nakatingin rin kay Chantell and I can say that she's about to cry dahil nagtutubig na yung mga mata niya.


••••••••••••

Chantell's POV


Naguguluhan akong tumingin sa babaeng nakatitig sakin ngayon. Siya yung babaeng nakita ko sa panaginip ko last night. Dahan-dahan siyang lumapit sakin and I swear I can feel na I know her pero hindi ko talaga siya maalala and I am shock nang makitang parang iiyak siya.


"J-joey?" I heard her whisper my first name kaya naguguluhan akong tumingin kay Kuya coz I don't feel comfortable right now. Mukha namang nagets ni Kuya yun kaya tumayo siya at lumapit sa pwesto ko.


"Chantell let's go" he said kaya naman tumayo ako and we are about to leave ng biglang hawakan nung babae ang kamay ko.


"J-joey? Ba't ngayon ka lang bumalik?" she ask that makes me confuse even more. Tumingin ako kay Kuya para humingin ng tulong dahil sumasakit narin yung ulo ko.


"Miss, kilala mo ba yung kapatid ko?" tanong ni Kuya sa kanya kaya panandaliang nabaling dito ang atensyon nung babae kaya pinagmasdan ko siya. May mahaba siyang buhok at medyo magkatangkad lang kami and she's beautiful.


"Joey ako to si Klea- Klea Agustin" - Klea Agustin? Sound familiar kaya tinitigan ko siyang mabuti nang biglang sumakit yung ulo ko at unting-unting bumibigat yung talukap ng mga mata ko then everything went black.


Nagising nalang ako na nasa kwarto na ako. Napatingin ako sa gilid ko nang makitang may note doon si Kuya.


'Princess, may pinuntahan lang si Kuya. I'll be back'


Basa ko sa sulat niya. Inilapag ko nalang ito at napagpasyahang lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Naalala ko yung mukha ng babae kanina at yung panaginip ko.


"Hindi kaya kilala ko talaga siya?" tanong ko sa sarili ko. Sa panaginip ko kasi ay parang masaya kaming nag-uusap habang kumakain ng Ice cream pero hindi ko marinig yung sinasabi niya or yung sinasabi ko but may narinig akong Klea kaya nakumpirma kong siya yung nasa panaginip ko.


"I need to talk to her baka may alam siya sa past ko" nakangiti kong saad but ahad ring nawala yung ngiti ko ng maalala kong hindi ko nakuha yung number nyo at tanging pangalan lang niya ang alam ko.


"Paano ko siya makakausap?" nakasimangot kong saad habang nakapalumbaba sa kitchen stool ng makita ako ng kararating lang na si Kuya.


"Ayos ka na ba? Ba't tumayo ka agad?" sunod-sunod niyang tanong kaya itinaas ko yung palad ko to stop him.


"Kuya? I need to talk to that girl baka may masabi siya about sa mga nawalang memories ko" sabi ko kay Kuya habang nakangiti. Tiningnan naman niya ako na parang nag-aalangan kaya yumakap ako sa bewang niya.


"Don't worry about me I'll be fine" dugtong ko pa para ma-convince siyang okay lang ako. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago dahan-dahang tumango.


"Yehey! Thank you Kuyaaaa" sigaw ko sabay yakap sa kanya.


"But I will come with you and no more buts" wala na akong nagawa kaya tumango nalang ako. Konti nalang at maibabalik ko na rin yung mga nawalang alaala ko.


~ ~


REVISED!!

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang