25

120 1 0
                                    

[ Don't forget to vote and leave your feedback ]

~


Chantell's POV

Palinga-linga ako at hinahanap si Kuya pero dahil sa maraming tao ay hindi ko mahanap ang ulo ng magaling kong kapatid ko. Mukhang kailangan kong libutin 'tong buong venue dahil hindi ko mahahanap ang kuya kung tatayo lang ako kaya paalis na sana ako nang may biglang magsalita at humablot sa braso ko kaya napalingon ako agad.


"IKAW?!" sabay naming sigaw. Hinablot ko naman agad yung braso ko at tiningnan siya ng masama. Nagtaka naman ako kung bakit para siyang timang na nakatulala sakin. Sinamantala ko naman yung pagka-tulala niya at pasimple kong tinitigan yung kabuuan niya and I admit- he's handsome pero hindi pwedeng sabihin dahil nararamdaman kong magka-vibes 'tong kumag na 'to at ang kuya ko.


"Excuse me, ikaw? Ii-stalk ko? Common, stop dreaming" maldita kong saad kaya naman nginisihan niya 'ko. Arrrgh! This jerk.


"Then why are you here?" tanong niya. Inirapan ko lang siya at maglalakad na sana ulit para hanapin ang kapatid ko  pero itong kumag nanamang 'to ay hinablot nanaman yung braso ko and swear, ang sakit kaya. Kapag ako nabwiset ditto-sasapakin ko 'to.

"Pwede ba? I'm not here to gate crash this party, I'm with my brother kaya please let me go dahil hahanapin ko pa yung kuya ko" naiinis kong sigaw sa kanya. Syempre mahina lang baka mapahiya ako or my brother kapag nagsisi-sigaw ako ditto na parang baliw.


"Really huh? I will not release you unless you will show me your brother" napapikit naman ako ng mariin dahil sa sinabi niya. I want to calm myself first dahil kapag ito pinatulan ko-depress 'to. I am about to answer him nang biglang may magsalita sa tabi ko.


"What's happening here?" napalingon ko at isang magandang babae ang nakakunot ang noo ang nakatingin samin, kay kumag especially.


"Ate, ito kasi she said na may kasama siya and I just want to confirm it" hinablot ko ulit yung braso ko mula sa pagkakahawak niya at tinitigan silang dalawa ng kapatid niya.


"I told you how many times na kasama nga ako ng kuya ko and he's-"naputol yung sasabihin ko ng may biglang magsalita nanaman sa tabi ko and this time I know that it's my brother.


"Chantell? What's happening?" tanong niya. Nagtaka naman ako nang nanlaki ang mata nung kumag at halata naman sa mukha nung ate niya ang pagtataka.


"Nothing Kuya, just a misunderstanding" tanging sagot ko. Tumango si Kuya at mukhang namukhaan kung sino ang nasa harap naming ngayon.


"Oh! Kayo pala. Meet my only princess, Chantell Del Mundo. Channy this is Nikki and Niccolo, Mr. Lee's daughter and son" Lee? OMG! So, it means na lolo at lola nila ang nagse-celebrate ng anniversary? Gosh! Sumagi pa naman sa utak ko na baka siya ang gate crasher.


"S-siya yung kuya mo?" tinaasan ko ng kilay 'tong kumag na to at tumango. Mukha namang tinakasan nanaman siya ng ulirat kaya si Ate Nikki na yung humingi ng dispensa.


"Sorry for the misunderstanding, Ms. Del Mundo" tumango lang ako at ngumiti.


"Wala po yun" sagot ko kaya inaya na lang kami ni Ate Nikki sa table dahil wala sa ulirat 'tong kapatid niya at nanatiling tulala kaya napailing na lang ako. Pagkarating namin sa table ay agad akong pinakilala ni Kuya sa bagong business partner niya na unfortunately ay Daddy pala nitong kumag na hanggang ngayon ay masama ang titig sakin.


'Problema ba nito?'


Natanong ko sa isip ko at tiningnan siya ng masama para patas noh. Aba! Hindi naman ako papatalo noh. Mananalo na sana ako kaya lang bigla akong kinausap ni Mrs. Lee kaya ang rude naman kung hindi ko siya titingnan diba.


"Iha, ikaw pala ang sinasabing date ni Jasper. You're beautiful" nahiya naman ako sa sinabi ni Mrs. Lee kaya ngumiti na lang ako. Wala kasi si Kuya and Mr. Lee since may mga tumawag ditto na mga business man rin.


"Mrs. Lee, ang ganda po ni Ate Nikki mana po sa inyo" I said then smiled at her. It's true kasi sobrang ganda talaga ni Ate Nikki kaya lang nagtataka ako sa bunso niyang anak.


"Thank you, Chantell. You can call me Tita Nian. Masyado kasing pormal kapag Mrs. Lee" tumango na lang ako kay Tita Nian at umusog palapit sa kanya ng kaunti dahil may gusto akong itanong sa kanya at baka marinig pa ng kahit sino, iba pa ang isipin.


"Eh yung Niccolo po, anak niyo po ba talaga yun?" napatawa naman si Tita Nian at agad na tumingin sa anak niyang pinaglihi ata sa sama ng loob dahil nakasimangot nanaman.


"Si Niccolo? Oo naman, yung asawa ko kasi ang kamukha niyan" nakangiti nitong saad na mukhang narinig naman nung anak niya dahil bigla ba naman itong tumingin samin ng masama- sakin especially.


"Ako ba pinagbubulungan niyo?" kunot-noo nitong tanong. Inismiran ko naman siya kaya lalo siyang nainis. I don't know pero ang cute ng kumag na 'to ngayon HAHAHA ang sarap asarin.


"Wala, nagtataka lang ako baka kasi you know- ampon ka lang HAHAHA" asar ko sa kanya. Nanlaki naman yung mata niya kaya lalo akong natuwa sa pang-aasar sa kanya. Napailing na lang siya sabay tingin sa harapan kaya doon na lang rin ako nag-focus.


"Bukod sa pinagdiriwang natin ang anniversary ni Mr. and Mrs. Lee ay may isa pang magandang balita ang nais iparating sainyo ngayong gabi" masayang saad ng MC. Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Mr. Lee o Tito Darwin at naglakad papunta sa harap.


"First of all, I want to say thank you for coming tonight and for my Mom and Dad that celebrating their Golden anniversary tonight, I hope me and my wife will be like the two of you" napangiti naman ako. Hindi biro ang umabot ng 50th anniversary kaya I salute them.


"Aside from the anniversary of my Mom and Dad, gusto ko ring i-celebrate ang merging the Del Mundo and Lee. Let's welcome the man behind the success of Del Mundo, Mr. Jasper Del Mundo" agad nagpalakpakan ang mga tao kasama ako habang tinitingnan si Kuya na naglalakad pa-akyat ng stage. Napangiti ako dahil sa kasipagan ni Kuya ay napalago niya ang kumpanyang itinayo niya mismo.


"Thank you, Mr. Lee. First of all, I want to say Good evening to all of you. Dahil nga sa merging ng dalawang kumpanya ay aasahan niyo na mas magiging malakas ang Del Mundo at Lee." Wow, ang gwapo pala talaga ni Kuya. Focus lang ako sa pakikinig pero nagsisimula nanaman itong kumag sa tabi ko kaya naman inis ko siyang tiningnan.


"Kapatid ka ba talaga Mr. Del mundo? Bakit hindi kayo magkamukha?" nginisihan ko naman siya bago sumagot.


"Kasi I'm unique kaya wala akong kamukha" sagot ko. nang-aasar siyang tumango-tango kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa matapos ang buong gabi dahil  naiinis lang ako sa kanya.

"Kuya? Yung lalaking anak ni Tito Darwin, ampon lang ba yun?" tanong ko habang tinitingnan si Kuyang hinahanda yung inorder niyang pagkain for us- actually, for me talaga.


"Pa'no mo nasabi? Wait, gutom ka parin kahit ang dami mong kinain?" ngumuso ako sabay punta sa table. Hindi pa nakakapagpalit si Kuya kaya naka-suit pa rin siya and he looks like a waiter.


"Marami ka diyan, konti lang yun noh" sagot ko sabay kagat ng pizza. Umupo naman siya sa harapan ko.


"So, pa'no mo nga nasabing ampon lang yung si Dwight" nagkibit-balikat ako.


"Sige na kumain ka na diyan. Punta na ko sa room ko dahil naiinitan na 'ko" sabi nito sabay tayo. Tumango na lang ako at hindi na nag-abala pang ihatid siya sa pinto dahil busy ako sa kakakain.


"Lock your door, Channy bago ka matulog. If you want something, sa kabilang room lang ako" pahabol ni Kuya at tanging pagsara na lang ng pinto ang narinig ko. Pagtapos kong kumain ay inilgpit ko na yung mga kalat ko and lock my door para matulog dahil pumipikit-pikit na yung mata ko sa sobrang pagod and the moment my body touch the bed ay nakatulog na ako.


~ ~ ~
(REVISED!!)
 Comment your ship everyone!!!

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now