35

106 5 1
                                    

Jasper's POV

"Malayo pa ba?" sigaw ko sa driver. We're on our way kung na'san ang kapatid ko. They got a report na may isang lalaki na may katandaan na daw ang pumunta sa kanila since nalaman n'yang yung niligtas niya daw ay ang kapatid ko nga and they even confirmed that ... Clyde is with my sister.

"Calm down, Jasper" inis na saad ni Denise sakin kaya tiningnan ko siya ng masama pero pinanlikahan niya lang ako ng mata kaya bumuntong-hininga na lang ako at tumingin sa labas.

"Makikita rin natin si Chan-chan, Kuya Jas" rinig kong sabi ni Dwight na nasa tabi ko pero mas pinili kong 'wag na lang magsalita. Sinuportahan ko ang relasyon ng kapatid ko at ni Clyde. I even defended them to mom dahil sa alam kong masaya si Joey and I am a witnessed to that until she decided to hide from us. Wala na akong balita sa kanila hanggang nga sa nakita ko siya pero naghihingalo naman. Habang in coma si Joey I never remembered that he visited her kaya nagtaka ako and that's the time I decided na paimbestigahan at the same time ay pakialaman ang phone ni Joey saka ko nalaman lahat-lahat. He cheated on her and the worst thing is ginawa niya pang P.A ang kapatid ko. Galit na galit ako that time pero ng magising si Joey at malamang wala siyang maalala ay naisip ko na mas mabuti ng hindi niya pa makita yung lalaki or mas better ay hindi na niya ito maalala pa.

~

Chantell's POV

Tahimik lang ako habang nakatingin sa dagat na nasa harap ko. Simple lang ang pamumuhay sa lugar na 'to pero masaya sila.

"Oh ba't mag-isa ka? Na'san yung kasama mo?" napalingon ako at nakita ko si Aling Ines kaya dali-dali akong ngumiti dito.

"Nakikipag-laro po kay Kate" sagot ko at muling tumingin sa dagat. Naramdaman ko naman na umupo sa tabi ko si Aling Ines.

"Iha? May problema ba? Mukhang malalim kasi ang iniisip mo nung nadatnan kita" maya-maya ay tanong nito. Malungkot naman akong tumingin sa kanya sabay ngiti. I don't know if I should be happy or not. I don't know.

"Aling Ines? Bakit po kahit ahhm simple lang yung pamumuhay niyo masaya kayo?" tanong ko. Nakwento kasi sakin ni Kate na minsan daw kapag walang huling isda yung papa niya at gulay lang ang kinakain nila ay masaya pa rin sila at ...... Buo.

"Kasi mas pinili naming maging masaya. Mahirap ang pamumuhay namin pero hindi naman hadlang ang kahirapan para maging malungkot" sinsero niyang saad kaya napayuko ako. I envy them...... So much.

"Saka nakakatanda ang pagiging malungkot, diba?" nakangiti nitong dugtong kaya maski ako ay natawa. Bakit sa kanila ang daling maging masaya? Bakit sakin napakahirap?

"Bakit po ang hirap sumaya? Nagtataka po ako kasi alam kong masaya ako pero hindi tulad ng saya na nakikita ko sainyo?" sa wakas ay nasambit ko. Nung una naman ay masaya ako pero nung nakita ko yung ngiti nila kahit na wala silang makain naisip ko kung masaya nga ba ako.

"Anak, hindi mo mahahanap ang saya kung hindi mo tatanggalin ang nakaharang d'yan" saad nito sabay turo sa dibdib ko.

"Po? Tatanggalin ko po yung bra ko para sumaya?" gulat kong tanong kay Aling Ines pero binatukan niya lang ako kaya naman nakanguso ko siyang tiningnan.

"Ikaw talagang bata ka! Ang ibig kong sabihin ay alisin mo ang humaharang d'yan sa puso mo para sumaya hindi ko sinabing tanggalin mo 'yang bra mo" paliwanag niya kaya ako naman ang napakamot sa batok.

"Pa'no po? Pa'no ko po tatanggalin yun kung maski ako hindi ko po alam" tanong ko sabay yuko. Hinawakan niya yung balikat ko at tiningnan ako na para anak sabay ngiti.

"Chantell, hindi ka magiging masaya kung pipigilan mo ang sarili mo. Hayaan mong ang puso mo ang magdala sa'yo sa kasiyahan na hinahanap mo" makahulugang saad ni Aling Ines sabay tayo dahil tinawag siya ni Kate. Napaisip ako, pinipigilan ko nga ba ang sarili ko? Sarili ko nga ba ang pumipigil sa'king sumaya? Pa'no nga ba sumaya?
Dahil sa pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala si Clyde at kunot-noong nakatingin sakin. Tinitigan ko siya at nandun nanaman yung mabilis na tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya.

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon