9

136 5 0
                                    

[ Don't forget to vote and leave a feedback ]

~

Joey's POV

I thought everything is okay.
I thought I'm okay pero sino bang niloloko ko. Napangiti ako ng pagak habang nakatingin sa relo. He's 3 hours late and it's 2 in the morning. Napatingin ako sa mga hinanda kong pagkain sa dining table na ngayon ay malamig na at nagpasyang ligpitin nalang ito dahil mukhang nag-aantay lang ako sa wala.

'He's not coming, Joey'


*RINGGGGG


 Napatingin ako at walang buhay na sinagot yung tawag.


[How's the celebration?] napahinto ako. I don't know pero bigla nalang akong napaupo at umiyak ng umiyak habang kausap si Klea. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. I know I should be used to it pero ang sakit pa rin kasi. He promised me and naniwala nanaman ako eventhough alam ko naman na hindi nanaman niya tutuparin.


"K-klea" bulong ko. Pinakinggan lang ako ni Klea hanggang sa maubos na yung luhang kumakawala sa mga mata ko. She knows kaya hindi na siya nagtanong pa.


[Magpahinga ka nalang muna. Puntahan kita bukas na bukas] tumango ako sabay patay ng tawag.


Tinapos ko na yung pagliligpit ng mga pagkain. Tiningnan ko muna ng isang beses pa yung orasan bago magpasyang umalis. Pagkasara ko ng pinto ng unit ni Clyde ay siya namang dating niya na tila nakainom pa dahil medyo namumula yung mukha niya at gumegewang-gewang pa yung lakad niya pero nang makita niya ako ay agad naman siyang lumapit sakin pero agad rin akong umatras.


"Anong problema Love?" napa-huh nalang ako sabay punas ng mga luha ko. tiningnan ko siya ng direkta sa mga mata niya pero agad rin akong napaiwas.


"Kainin mo nalang yung mga p-pagkain na hinanda ko" pagkatapos kong sabihin ay tuluyan na akong umalis para pumunta ng unit ko. Pagkapasok ko sa unit ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga dahil hindi na kaya ng katawan ko yung pagod pati na yung puso ko. Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ang katawan ko at makatulog.


Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi na ako nagmadali pa since wala namang event ngayon kaya hindi nila ako kakailanganin. Tumayo ako para kumuha ng tubig nang mapadako ang tingin ko sa cellphone ko na kanina pa pala nag-riring.


It's Clyde who's calling me for nth time. Hinayaan ko lang na tumawag siya ng tumawag hanggang sa hindi na nag-ring pa ulit yung phone ko. Naupo nalang ako sa may sala at binuksan ang Tv nang may mag-door bell. Agad akong tumayo sa pag-aakalang si Klea yun ngunit iba ang nakita kong nakatayo.


"Love. Please kausapin mo ko" he said. Tiningnan ko lang siya ng walang reaksyon sa mga mata ko. Pumasok ako at hinayaan siyang sundan ako hanggang sa maupo kami sa sala. Walang nagtangkang magsalita sa pagitan namin and I prefer this way dahil baka may masabi lang ako sa kanya.


"J-joey. P-please talk to me" walang gana ko siyang tiningnan. I see pain in his eyes pero wala akong maramdamang awa sa kanya dahil sobrang sakit pa rin ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko siya sinagot at itinuon ang paningin ko sa Tv kahit wala namang pumapasok sa utak ko. I try my best not to cry dahil napapagod na kong umiyak ng umiyak.


"Sht naman Joey. Kausapin mo naman ako. All I want for you is to understand me. Yun lang Joey" naiinis niyang saad at bahagyang tumaas yung boses. Napatingin ako sa kanya na nakakunot na ang noo ngayon. Natawa ako.


"Understand you Clyde? You want me to understand you?" natatawa kong tanong sa kanya habang nagsisimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Akala ko pagod na sila hindi pa pala.


"Wala akong ibang ginawa Clyde kundi intindihin ka. Inintindi kita kapag hindi mo natutupad ang mga pangako mo. Inintindi kita everytime na itatanggi mo ko. inintindi kita kahit sobrang nasasaktan na ako" sigaw ko sakanya. Natigilan naman siya at gulat na gulat na tumingin sakin.


"Nasasaktan? Joey ikaw ang pumili nito. I told you how many times na huminto kana pero ano? You keep on insisting na gusto mo 'to" tuluyan na akong natawa sa mga narinig kong sinabi niya. Tumango-tango ako habang diretsong tumingin sa kanya.


"Clyde all I want is to be with you. All I want is to be at your side pero h-hindi ko g-ginusto na masaktan ng ganito. Tao pa rin naman ako Clyde- nasasaktan pa rin a-ako." Nanghihina 'kong saad. Wala siyang naging sagot sa sinabi ko at tuluyang umalis. Napaiyak nalang ako dahil pagod na pagod na akong umintindi. Pagod na pagod na akong masaktan pa.


Tulala lang ako habang nakatingin sa Tv nang may nag-door bell nanaman. Hindi ko 'to pinansin dahil baka si Clyde nanaman ito pero nagtaka ako ng mag-ring yung phone ko and it's Klea.


[Open the Door Joey] she said sabay hang-up.

Tumayo ako pagkatapos kong ayusin yung sarili ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakakunot-noong Klea ang naabutan ko pero nang makita niya ako ay agad na nagbago ang ekspresyon niya sa mukha sabay yakap sakin. Tumango naman ako at niyaya siyang pumasok sa loob.


"Are you okay Jo?" nag-aalalang tanong ni Klea. Tumingin muna ako sakanya sabay tango.


"Im okay Klea. Im okay. I want to be okay. I-im gonna be okay" I said sabay tulo nanaman ng mga luha ko. Agad ko namang pinunasan yung mga mata ko sabay ngiti.


"Ano ba naman 'tong mga luha ko hindi na napapagod hehehe" napayuko nalang ako dahil kahit anong gawin ko ramdam ko parin yung sakit. Hindi na ata mawawala 'to.


"Jo hindi ka pa ba napapagod?" napatingin ako kay Klea nang tinanong niya ako. Napapagod? Hindi ko rin alam kung pagod na nga ba ako. Wala na kasi akong maramdaman eh.


"I don't know. Wala nang pakiramdam 'to eh" sagot ko sabay turo sa puso ko. Huminga ako ng malalim sabay tingin sa Tv kung saan pinapakita ang successful premiere night ng movie nila Clyde and by looking at him- he looks very happy.

"Look at him Klea- he looks very happy. Mukha namang masaya na siya noh. Kaya naman na siguro niyang mag-isa" hindi sumagot si Klea pero ramdam kong nakatingin siya sakin.


"Sa tingin mo ba Klea- kakayanin na niyang mag-isa?" tanong ko sabay malungkot na tumingin kay Klea. She look at me like I'm the most sad person she known.


"Are you sure na kaya mo? Kaya mo nga bang iwan siya Joey?" nag-aalalang tanong ni Klea.


"Hindi ko alam kung kaya ko pa, Klea. Gustong-gusto ko ng sumuko pero pag nakikita ko siya parang hindi ko kaya" I said habang patuloy na tumutulo yung mga luha ko.


"I want to help you, Joey but how? Hindi ko alam kung anong gagawin ko" malungkot niyang saad pero hindi na ako nagsalita pa at mas hinigpitan yung yakap sa kanya nang bigla siyang tumayo.


"Stop this na nga. Dahil kakasweldo ko lang ay tara ililibre kita ng ice cream mo" napangiti ako dahil kahit pala anong mangyari ay may isang tao paring handang pakinggan ako.


"Salamat Klea" sincere kong saad sabay yakap sa kanya kaya naman natatawa niya akong itinulak papasok sa kwarto ko.


"Tama na at magbihis ka na baka magbago pa ang isip ko" natawa naman ako sabay pasok sa loob ng kwarto ko. Maybe she's right- I need to think. I need to refresh my mind.


~ ~ ~

Langya!! Sarap sapakin ni Clyde piste!!

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now