22

138 3 1
                                    

[ Don't forget to vote and leave your feedback ]

~


Chantell's POV

"Ano? Ganito nalang ba buhay ko dito?" nakasimangot kong tanong sa sarili ko habang nakahiga sa kama. As usual, iniwan nanaman ako ni Kuya dito sa Hotel. Nandun siya ngayon sa Company actually kaya ko naman pumunta dun kaya lang hindi ko matandaan yung way saka baka maligaw pa ako and the worst thing is I can't speak korean kaya baka hindi na ako makauwi kapag nawala ako.


Bumuntong-hininga nalang ako at inikot-ikot sa kamay ko yung phone ko ng may naisip akong idea.



"Magko-commute nalang ako" dali-dali akong nag-ayos ng sarili ko. Nagsuot nalang ako ng black jeans at turtle neck na blue na pinatungan ko ng jacket since malamig pa rin naman dito sa korea kahit pa patapos na yung winter season. Agad-agad akong lumabas ng hotel at tumingin sa kaliwa't-kanan kung san dadaan.


"San kaya yung bus stop dito?" bulong ko. Pinili ko nalang na maglakad-lakad at baka sakaling madaanan ko yung bus stop. Ilang minuto na akong naglalakad pero wala pa rin akong makitang bus stop and I think napalayo na ako sa hotel. Aaaaish! Dapat pala nag-drive nalang ako.


"Kuya~" bulong ko. Tingin ko nawawala na ako and I started to feel nervous dahil hindi ko kayang makipag-communicate in korean. Huminga ako ng malalim at tinapangan yung sarili ko na magtanong pero lahat ng mapagtanungan ko ay kinakausap ako in Alien way in short, they can't understand english. Hawak-hawak ko yung phone ko at tina-try tawagan si Kuya habang naglalakad ng biglang may isang weirdong koreano ang huminto sa harapan ko at nakatitig ng masama sakin. Hindi naman siya totally weird pero kasi nakakatakot yung titig niya.

"Y-yes? W-what do you want?" alanganin kong tanong and I guess he can't understand me. Dahan-dahan akong umatras at ready na sana tumakbo ng bigla niyang hawakan yung braso ko sabay takip sa bibig ko habang hinihila ako papunta sa madilim na eskinita kaya malakas kong
inapakan yung paa niya kaya nabitawan niya yung hawak sa bibig ko't nakasigaw ako.


"Tulong!! Tulungan niyo ko huhuhu" naiiyak na ako dahil sa sobrang takot. Malapit na sana niya akong mahila dun sa eskinita ng may biglang sumigaw. Hindi ko masyadong maaninag dahil nagtutubig na yung mata ko pero sobra akong nagpapasalamat sa kanya.


"What are you doing?" tanong nito pero mukhang hindi talaga makaintindi ng english 'tong hinayupak na 'to kaya dinedma niya lang at patuloy akong hinila kaya dumaloy nanaman yung kaba sa buong sistema ko ng may biglang humila sakin ng malakas kaya napalayo ako dun sa lalaki.

[Isipin nyo nalang nag-uusap sila in Korean]


"Hey? Who are you?" kahit na may luha pa sa mga mata ko ay pinakinggan ko yung usapan nila kahit hindi ko maintindihan. Pinunasan ko yung luha sa mata ko at mahigpit na humawak sa jacket nitong lalaki dahil sa sobrang takot.


"Should I be the one who's asking you that? Why are you forcing this girl?" tanong naman nitong lalaking nasa harap ko. I swear I can't understand every single thing dahil basic lang naman na korean yung alam ko like 'Saranghae' or 'Kamsahamnida'.


"She's my girlfriend. So, back off" napaatras ako ng bigla siyang lumapit at akma akong hahawakan ulit pero agad akong hinawakan sa kamay nitong kasama ko kaya huminto yung weird na koreano. Tumingin naman sakin yung lalaki na agad ko namang namukhaan.


"Ikaw yung sumakay sa kotse ko kahapon ah?!" sigaw ko habang nanlalaking tinuro siya pero parang wala lang sa kanya at tinanong ako.


"He said you're his girlfriend, is that true?" agad naman akong nandiri sa tanong niya at itinuro pa yung lalaking koreano.


"Yan? Boyfriend ko? Yay! No way" oa kong sagot kaya tinawanan niya ako at humarap dun sa lalaki at nagsimula nanamang mag-korean kaya wala nanaman akong naintindihan pero mukhang natakot yung lalaki sa sinabi nitong ehem nag-ligtas sakin dahil dali-dali itong umalis na animo ay nakakita ng multo.


"Wow! Pano mo napaalis yun?" tanong ko sabay punta sa harap niya pero nagkibit-balikat lang siya kaya nanliit yung mata ko at tinitigan siya.


"Gangster ka noh? Tas tinakot mo siya?" mapanuri kong tanong sa kanya pero marahas siyang bumuga ng hangin at yumuko pero nung nagtaas siya ng ulo ay nakangisi na siya.


"What if I am? What you gonna do?" napaatras naman ako pero bigla nalang siyang tumawa and I think ay pinagti-tripan lang ako nito.


"Just kidding pero sa susunod wag kang gagala-gala na akala mo ay kapatid ka ni Dora dito kung hindi ka naman marunong mag-korean" inirapan ko nalang siya at nagtingin-tingin sa paligid.


"Do you know where is the bus stop? Kanina pa ako palakad-lakad eh" tanong ko sabay tingin sa tabi ko pero wala na pala akong kausap dahil yung lalaking kausap ko supossedly ay ayun nagwalk-out. Hahabulin ko na sana kung hindi lang may sasakyang bumusina sa may harap ko kaya napatalon ako sa gulat.


"Kuya Gelo?" gulat na gulat kong sigaw nang makilala ko kung sino yung may-ari ng sasakyan. He's my Kuya's best friend kaya nakilala ko na rin siya.


"Anong ginagawa mo dito? Ang layo nito sa hotel nyo ah?" nagtataka niyang saad. Napakamot naman ako sa ulo ko sabay kwento sa nangyari sakin pero syempre hindi ko na sinabi yung about dun sa weird na lalaki.


"Common, sumabay kana sakin pupunta rin naman ako sa company kasi ihahatid ko 'tong pinabili ng kuya mo" tumango nalang ako at binuksan yung passengers seat.


"Thank you, Kuya Gelo" I said then smile sweetly. Napaisip naman ako dahil hindi pa pala ako nakakapag-thank you dun sa lalaking nagligtas sakin.


'I hope makita ko siya ulit so I can thank him. He saves me like a knight in shining armor after all'


~


Philippines


"C-clyde" tawag ko sa kanya. He's holding a bottle of wine and a picture frame... Of him and Joey while tears are flowing down on his face.


"I l-love her and I d*mn miss her" bulong niya at agad na tinungga ang bote habang may luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Simula nang araw na yun ay nagsimula na siyang maging ganyan. Wala na ang masiglang si Clyde, wala na ang malokong siya na tanging sa babaeng mahal lang niya naipapakita.


"Ba't hindi mo siya hanapin?" I ask him. Tumingin siya sakin and it hit me, he's in pain.


"Sinubukan ko naman eh. Promise, I tried to look for her pero kasi Klea- ang hirap hanapin ang taong ayaw magpahanap" humihikbi niyang sagot. Dahan-dahan akong lumapit at yumakap sa kanya. Naging parang kapatid ko na sila ni Joey and seeing him like this breaks my heart pero hindi ko rin maiwasan ang mainis sa kanya.


"Maybe she have her reason Clyde or maybe hindi niya alam na hinahanap mo siya- maybe nawala ka sa alaala niya" I said pero binulong ko nalang yung huli dahil as much as I want to say na nakita ko na't naka-usap si Joey ay ayokong pangunahan ang pagkakataon. Magkikita't-magkikita sila kung ito ang tadhana nila.


~ ~ ~

REVISED!!

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now