53

54 2 0
                                    

"Abduction"

Joey's POV

Nandito lang ako sa kwarto ko habang nanunuod. Wala si Mommy at may inaasikaso ata, si Kuya naman ay may meeting ngayon saka tinatapos na rin niya yung mga papers na kailangan niyang pirmahan para wala ng problema pag-alis namin sa linggo.

*Ringgggggg

Clyde's POV
Accept | Decline

Agad na bumalatay yung kaba at lungkot sa sistema ko nang makita ang pangalan ni Clyde. I've been avoiding him and I guess nag-aalala na siya pero kasi... After so much revelations parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

"I'm sorry Clyde... I'm really sorry" bulong ko at pinatay ang tawag niya. Isinara ko na yung laptop ko at nahiga. Wala akong ganang umalis-alis since wala rin naman akong gustong puntahan. Ilang minuto lang akong nakatingin sa kisame ng biglang tumunog yung phone ko.

"Ano namang kailangan ng linta na 'to?" tanong ko. Gwen is calling me and I don't what does she want since I made it clear to her and her family that I don't want to see them ANYMORE!

"Teka sasagutin ko ba? Baka kung ano nanamang pagsasabi nito eh tch! Bahala na nga!" sinagot ko yung tawag niya and I was shock when she tells me that she want to see me.

"At bakit naman ako makikipagkita sa'yo?" walang-gana kong tanong sa kanya. I heard her scoff and I know she's starting to get annoyed which made me grin.

"JUST... Just go here. I want to discuss something to you" she said then hang-up. Kunot-noo naman akong napatingin sa phone ko.

"Kapal ng mukha! Siya pa may ganang magbaba ng tawag? Tch!" bulong ko at agad na tumayo para mag-ayos. Ayoko mang tumayo at umalis ng kwarto ko pero may something na nagsasabi sakin na kailangan ko siyang puntahan and listen on whatever she's going to say.

Nakarating na ko sa meeting place and I saw her sipping her coffee. I compose my self at inayos ko muna yung disguise ko bago pumasok sa coffee shop. Hindi ako pwedeng makita na kasama nitong babaeng 'to at baka kung ano-anong issue pa ang mangyari. Naupo ako sa harap niya kaya napatingin siya sakin.

"What do you want to say? Bilis! Mahalaga ang oras ko" saad ko pagkaupo ko sa harap niya. Tiningnan naman niya ako habang nakataas ang kilay sabay irap.

'Kita mo 'tong linta na 'to"

"kung tinawagan mo lang ako para ipakita yang attitude mo, FYI, wala akong paki" saad ko rin sabay irap sa kanya. Ilang minuto pa ang dumaan bago siya tuluyang nagsalita.

"I just want to inform you na... Ayoko kitang maging kapatid" sarkastiko akong tumawa sabay tingin sa kanya.

"Don't worry, the feeling is mutual dear. So, ano bang gusto mong sabihin?" diretso kong tanong sa kanya.

"As much as I don't want to do this.... but my father, he needs you" nagulat ako nang sabihin niya. I didn't expecr Gwen to say that. I know she hates me a lot as much as I hate her kaya nakakagulat talaga.

"Lagi ko siyang naririnig na umiiyak sa kwarto niya and I don't like this feeling na wala akong magawa kaya kahit labag sa loob ko ay kinausap kita" mahinahon niyang saad at for the first time simula nang makilala ko si Gwen ay saka ko lang siya nakitang malungkot at mahinahon akong kinakausap.

"And so? Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko. She look at me in shock. Ano bang akala niya? na porket sinasabi niya yan ngayon ay magbabago na ang tingin ko sa tatay niya? Tch!

"Ganyan ka na ba kasama? She's your father pero wala kang paki sa nararamdaman niya?" galit na sigaw ni Gwen na siyang umagaw ng atensyon ng iba pang kumakain. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa mga mata niya.

"Kasama? HAHAHA you know nothing kung anong nararamdaman ko. Have you ever feel na may kulang sayo? Have you ever feel the jealousy, yung inggit sa t'wing nakakakita ako ng kompletong pamilya? NO! Hindi mo nararamdaman yun kasi mas pinili ng DADDY ko ang MOMMY mo kaya 'wag mo sasabihin saking napakasama ko" agad kong pinunasan yung luha sa mga mata ko. I promised myself not to cry again. She look at me in awe kaya tumayo na ako at iniwan siya.

"CHANTELL!" napapikit ako ng mariin ng marinig ko siyang sumigaw kaya huminto ako.

"Gwen please! Leave me alone. I told you I won't bother your family again so please do the same thing to us. Ayoko nang masaktan ulit si Mommy at si Kuya" mahinahon kong saad sa kanya. Pagod na akong magalit at umiyak kaya wala na akong paki kung mukha man akong nagmamakaawa sa kanya but It's the only thing I know to protect my family.

"Fine... But for the last time, can you talk to him? At least, listen to him. Katulad mo, pagod na rin akong makitang umiiyak si Daddy at makitang nasasaktan si Mommy kaya please.... I'm begging you.. Just this once" She said while tears are flowing down to her cheeks. It's the first time I saw Gwen cried and beg to me. She must be really upset like me kaya for the first time ay nagkasundo kaming dalawa.

"Fine.... but I won't promise you na mapapatawad ko siya" ngumiti naman si Gwen sa sinabi ko perp dahil siya si Gwen ay as usual- inirapan nanaman niya ako.

"Thank you... pero ayoko paring maging kapatid ka" pahabol niya kaya nginisihan ko siya.

"Same here dear, same here" sagot ko na siyang dahilan kung bakit kami nagtawanan. I didn't imagine na magkakaroon kami ng ganitong eksena na magtatawanan kami but I must say na medyo gumaan yung pakiramdam ko.

"Hey btch! I gotta go. Kailangan kong makauwi agad since tumakas lang ako sa mga body guards ko" tumango naman ako at tumayo na rin. Sabay kaming lumabas ni Gwen sa kinainan naming restaurant. Afte kasi nung tawanan namin ay nag-aya siyang kumain and since nasa mood ako ay sumama ako.

"Body guard? Ano ka maganda? Ba't may body guards ka?" tanong ko. Hindi kami magkaaway or ano, ganyan lang talaga kami mag-usap.

"Oo naman, mas maganda kaya ako sayo pero honestly speaking, My manager hired a body guard for me since may nagpapadala kasi sa'kin ng mga stolen picture ko and I swear it so damn creepy" maarte niyang saad. Kunot-noo naman akong napatingin sa paligid dahil sa sinabi niya.

"You mean may stalker ka? Oh my gosh! Scary" umirap naman siya at napabuntong-hininga na lang sabay tango. Nandito na kami sa parking lot kaya naghiwalay na kami ng daan since una naming nadaanan yung kotse ko.

"I gotta go.. Take care btch!" paalam ni Gwen. Inirapan ko naman siya.

"Same to you, Leech!" akala niya huh! Nang makaalis si Gwen ay napangiti na lang ako at napailing. Gwen is a nice woman and I wish, magkasundo kami in the near future. Nakangiti 'kong binuksan yung pinto ng sasakyan ko nang may biglang magtakip ng panyo sa ilong ko at nang maamoy ito ay unti-unting bumigat yung talukap ng mata ko.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay pumihit ako patalikod para makita ang isang lalaking naka-black cap at mask at isang van na papalapit samin kung saan ako binuhat nung lalaki then I slowly shut my eyes and fall into slumber.

- - - - -
Any thoughts?

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt