4

206 8 0
                                    

[ Don't forget to vote and leave a feedback ]

~


Joey's POV

8pm na at ngayon palang kami uuwi dahil nagkaroon pa ng ambush interview kanina dahil sa pagdating ni Gwen kaya wala akong magawa kundi ang hintayin kung kailan matatapos. Pasakay na kami sa Van na para talaga kay Clyde nang biglang siyang magsalita.


"Ate Cass, hindi na ako sasabay. Pinahatid ko yung sasakyan ko kaya kayo nalang ang gumamit ng Van" he said kaya naman napatingin ako sa kanya. Tumaas naman ang kilay ni Ate Cass dahil sa sinabi ni Clyde.


"At bakit? San ka pupunta? May schedule ka bukas diba Klea?" tanong niya kay Klea. Agad naman na umiling si Klea sabay ngiti sakin.


"Nope. Walang naka-sched bukas so free ka bukas Clyde" nakangiti niyang saad. Nakangiting tumango si Clyde pero agad ring napalitan ng pagkakunot ng noo ng biglang magsalita si Ate Cass.


"No, hindi ka pwedeng magpabaya. Baka may biglaan kang schedule bukas" mataray nyang utos kay Clyde. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Uh-oh!


"Sino ka nga ulit Ate Cass? Manager diba?" sarkastikong tanong ni Clyde sakanya. Gusto ko man siyang pigilan ay hindi pwede dahil nasa harap namin si Ate Cass.


"Oo" nakataas-kilay na sagot ni Ate Cass. Seryoso siyang tiningnan ni Clyde bago magsalita.


"Then know your place. Wala kang karapatang utusan ako and kung hindi mo pa alam yung rules ko then ask Klea dahil mas alam pa niya yun kesa sayo" seryoso nyang saad. Napatigil naman yung mga taong naglalakad nang marinig ang sinabi ni Clyde. Alam nila ang ugali ni Clyde and wala namang masama dun. Napatingin ako kay Clyde ng magsimula siyang maglakad papunta sa kotse nya kaya sinesenyasan na ako ni Klea na sumunod pero umiling lang ako. I can't follow him dahil baka magtaka si Ate Cass na ngayon ay tinitingnan ng masama ang papalayong likod ni Clyde.


"Oh? Anong tinitingin-tingin nyo? Tara na nga" napatawa nalang kami ni Klea dahil sa sinabi niya sabay pasok sa Van. Maglalakad na rin sana kami papasok ng bigla akong tawagin ni Clyde.


"Joey? You're my personal assistant. You'll come with me" seryoso niyang sigaw dahil masyado na siyang malayo. Napatango naman ako ng biglang sundutin ni Klea yung tagiliran ko.


"Yieeeeee! Date all day sila HAHAHA. Enjoooooy Joey~" kinikilig niyang saad bago pumasok sa Van. Nakita ko pang lalabas sana si Ate Cass ng harangan siya ni Klea kaya wala siyang nagawa kundi ang umupo. Saka lang ako naglakad papunta kay Clyde ng makaalis na yung Van.


"Are you okay Love?" napatingin ako sakanya ng bigla niya akong tanungin. Sumimangot ako sabay iling.


"Why? Sabi ko naman sayo na tumigil kana eh. Mahihirapan ka lang" nag-aalalang tanong niya kaya naman hinawakan ko yung ilong niya.


"ano ka ba ayos lang ako it's just that nagugutom na kasi ako Love" nakanguso kong saad. Natawa naman siya habang nagdadrive and I think kung hindi lang to nagmamaneho ay baka hinalikan na ko neto.

My Boyfriend's Personal Assistant | ✔Where stories live. Discover now