#luckyCharmYokais

295 2 0
                                    

Nakarating na kami sa mundo namin. Sa mismong park kung saan maraming tao at mga naglalaro. Pero ngayong araw labis ang init sa aming lugar kaya naman halos wala ring tao ng bigla na lang kaming sumulpot mula sa katawan ng puno.

"Lahat na ba tayo? Wala bang kulang?" tanong agad ng kakambal ko.

*batok sa kanya* "pwede bang magbilang ka muna bago ka mang exagerrate dyan? Tss." pasigaw pa kasi kita naman pipito lang kami dito.

"Arouch! why so gay kuya. OMG!! Nahahawa ka na sa kagwapuhan ko!!"

*plok* *bagz* *wapak* *poink* *pak* sabay-sabay na sapok nila maging si ANT nakisapok din sa sinabi ni Risetsu.

"Di ka gwapo ui!" biro ni Kyohei na sya namang binigyan ng tawa ng lahat.

"Hahaha. Tama na nga ito. Mabuti pang umuwi na muna tayo sa mga bahay natin. Siguradong nag-aalala na sila." sabi ko sa kanila.

*cring crrriiiiinnnngggg* sabay-sabay na tumunog ang mga cellphone namin. Naks dala pala namin to? Bakit di ko naalala? hahahaha..

"Hello?" sabay-sabay din naming sagot at nagtawanan kami. Naupo lang si ANT sa isang swing na hindi kainitan dahin natatakpan ng isang puno ang kinalalagyaan noon samantalang kaming lahat ay kanya-kanya ng pwesto para makausap namin ng matino ang mga tumawag.

Me: hello po?

Papa: Anak, ano? nasan na si Col? ayos lang ba sya? buhay pa ba kapatid mo? Yung mga kasama mo okay lang ba? wala ba silang galos?

Me: huwaw Pa! Ako na anak mo di mo tinanong kung okay lang? Si Risetsu agad? *pout*

Yeah nag-pout ako kahit hindi nya nakikita.

Papa: asan ka bang bata ka at susunduin ko na lang kayo dyan ng makita ko rin naman si Risetsu.

Me: Ewan ko sayo pa. Ang daya lang. Ako yung kasama nyo ni mama sa bahay pero si Risetsu gusto nyo makita. E wala naman yung paki sa inyo dahil di nya kayo tunay na papa. *sad face*

Papa: Anak, alam kong alam mo na gusto namin syang makita ng mama mo. Namimiss sya ng mama mo kaya naman gusto naming magpunta kung nasaan man kayo.

Mama: BLAKE OCTAVIOUS ORLANDO KINGSON! SABIHIN MO KUNG NASAAN KA!!!

Napalayo agad ang pagkakahawak ko sa phone ng sumigaw si mama.

Me: Fine! nasa park!

Inis din na sigaw ko pero wala na akong narinig sa kabilang linya.

Matapos kong kausapin ang mga magulang ko tumabi ako sa kabilang swing at nginitian ko si ANT.

"Nandito na muli tayo ANT." Binigyan din nya ako ng banayad na ngiti.

"Salamat at hindi mo ako sinukuan BOOK." nakangiting sabi nya habang nagpapabalik-balik dahil sa pagsu-swing.

Ilang sandali pa'y lumapit na rin sa amin ang iba.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu